CHAPTER 16: Like

498 32 3
                                    

16

KAHARAP ko ngayon si Percieval, nasa labas kami ng bahay nila Lola at Lolo. Nasa loob na si Elizia. Sinabi ko sa kanila na kaibigan ko si Percie pero ang mga tingin nila ay hindi naniniwala, bahala sila basta nagsasabi ako ng totoo.

Kinakabahan ako sa sasabihin ko o sa sasabihin ni Percieval. Pero wala akong nakitang ano sa mga mata nito. Na parang alam na nito noong una palang na may anak ako kaya wala na 'yong shock factor.

"Percie you can ask me anything." Usal ko pero nakapamulsa ito na nakatagilid sa akin habang nakasandal ito sa motor nito.

The cold breeze was tingling inside on my skin. Malamig talaga ngayon sa gabi dahil bear months na at mukhang uulan pa, dahil walang makikita ngayon sa kalangitan na bituin at buwan.

Nag-alala ako sa kung anong gagawin ni Zade at sa reaksyon ni Percieval. Napakamalas ko ngayong araw, pero kung hindi ako pumayag sa kagustuhan ng anak ko baka magsisi ako sa huli.

"How?" Anito sa tipid na paraan.

Napabuntong-hininga ako at napatingin sa unahan, kitang-kita dito ang iilang mga bahay. I think he hide the fact that he's shock of what he discovered earlier.

Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o itatago nalang. Pero si Percieval lang ang nanatili sa akin, ang naging mabait sa akin at masasabi kong hindi ako tatraydurin. Kahit anong tago pala sa isang bagay ay mabubunyag at mabubunyag pala talaga.

"Way back in highschool. You know I'm brat, a spoiled girl of my dad. May mga kaibigan ako na katulad ko rin, nung malapit na ang graduation ko sa senior high ay nag-aya ang mga kaibigan ko na mag Bar, mga minors pa kami non pero nakapasok sa private Bar dahil hindi halata na mga minors, at maimpluwensya rin ang isa sa amin, kilala ang may-ari ng Bar." Usal ko at tumingin sa kanya. Seryuso itong nakatitig sa akin at nakakunot ang noo.

"Then what happened?" Malamig na wika ni Percie. For the first time, he act cold. Nakakaba pala kapag iyong masayang tao ang naging malamig.

"I don't know what exactly happened, nakita ko ang sarili ko sa isang Hotel kinabukasan ng ako lang then next day nalaman ko na buntis ako, hindi ko alam kung sino ang ama ng bata...Hindi ko alam at ayokong alamin." Gumagaralgal ang boses ko. Mabilis kong pinahid ang luha sa mga mata ko.

"Reverie..." Anito. Nakita ko ang lungkot sa mga mata ni Percieval. Napayuko ito at napahawak sa buhok at nakita ko ang pagkuyom non nang ibaba nito ang kamay nito. "It's been too hard for you huh. Bakit hindi mo sinabi sa akin. Call me 'idiot' pero dahil sa hindi mo pagsabi sa akin parang napakawala kong kwentang kaibigan–"

"N-No Percie! Ang dami mo na ngang nagawa sa akin eh! Bakit mo ba sinasabi iyan! Tinago ko ito dahil natatakot ako na baka malaman mo, mag-iba ang tingin mo sa akin! I-Ikaw nalang ang kaibigan ko eh..." Naramdaman ko ang pag-init ng sulok ng mga mata ko.

Nakita ko ang paghuminahon ng mga mata nito pero para itong batang nakayuko na at hindi makatingin sa akin. "I'm sorry shenkaii." he said. "Wala namang nagbago, tanggap kita kung ano ka, tandaan mo 'yan. Wala ka na bang tinatago diyan? Dahil may aaminin din ako sayo, ayokong may ililihim sayo kung may sinabi kang ayaw mong ipagkalat kanino. Kung hindi ko siguro nakita na kasama mo ang anak mo hindi mo sasabihin eh" anito sabay ngiti sa akin. Napalabi ako dahil gumaan ang aura dahil sa boses nito.

Ang dali talaga magbago ng mood kung si Percieval ang kausap. Umiling ako sabay ngiti rin sa kanya. Napakunot ang noo ko sa sasabihin nito. Kaya naghintay ako.

——

Mabilis lang natapos ang tatlong araw at papauwi na ako sa bahay ni Kaius. Tumawag ako kanina at sinabi ni Manang na hindi pa sila umuuwi, then it's good.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon