CHAPTER 23: Umusad na

484 30 8
                                    

23

TATAKBO ba ako o susulong? Tatakbuhin ko ba si Percieval o Susulong kay Kaius. Hindi ko na alam pa. Hindi ko alam kung kanino ba mas matimbang ang puso ko.

Napailing ako habang nalilito sa dapat na gawin. Mabilis kong pinalis ang luha ko at lumapit kay Kaius. Napalingon ito sa akin, nakita ko ang malamig nitong tingin na katulad ng reaksyon niya sa akin noon pa.

Nakapamulsa ito at nakasoot ito ng pang professor na uniform. Nakatitig ang mga mata nito sa akin. Alam kong halata ang pag-iyak ko.

"Reverie..." he said in a cold tone. He looked at me, it's awkward the way he stared at me. Parang kahit hindi ko pa nasasabi ang sasabihin ko parang may pinapahiwatig na ito.

I sighed at napakagat ng labi sabay kuyom ng kamao ko para kumuha ng lakas ng loob.

"I... I'm sorry." Emosyonal kong usal. Wala parin akong nakikitang emosyon sa mga mata nito. Tumango ito habang nakatitig parin sa mga mata ko.

"I... already view this, " He said na ikina-init ng sulok ng mga mata ko.

Wala man akong sinabi pero parang alam na nito ang gagawin ko. Mas lumapit ako dito at hinawakan ang kamay nito. May nilagay akong singsing sa kamay nito na katulad ng soot niyang singsing.

Kaya pala familiar ang singsing na soot niya dahil iyon ang singsing namin noong kasal kami. Nandito pa rin kasi sa akin ang singsing, ang singsing na ito na ayaw niyang ipasoot sa akin dahil sa papel lang kami kasal at hindi naman talaga kami nagmamahalan.

"C-Can we be friends after this?" Naluluha kong wika. The moment I said those words ay sobrang bigat ng pakiramdam ko. Wala namang kami pero nasasaktan ako. Pero huli narin kasi.

"Sure..." Anito with a Londonese voice. His voice soften. Tumango ako at ngumiti sa kanya habang nakatingala. Napakagwapo niya, at may mas deserving pa sa kanya...Hindi ang isang katulad ko.

Dahan-dahan akong napa-atras dito habang nakatitig parin sa mga mata nito. Ngumiti ako ng tipid sabay talikod at takbo. Hawak ang dibdib ko habang umiiyak na tumatakbo patungo kay Percieval.

I start the engine of my car, napahagulhol ako habang nagdadrive patungo sa airport. Wala akong paki kung mabilis ba ang pagtakbo ko ng sasakyan.

Nang makarating sa airport ay saktong nakatayo na ang mga tao papasok. Kitang-kita ko si Percieval na nakahoody at nakatalikod sa akin. Dala ang maleta nito. Pumasok ako sa loob.

"Percieval!" Sigaw ko at malakas iyon. Napalingon ito sa akin, nakita ko ang gulat sa mga mata nito. Puno ng pagtataka na tinanggal nito ang headphones sa tenga. Akala ko may music iyon pero design lang pala sa tenga dahil narinig at mabilis ako nitong nilingon.

"Shenkaii..."

Ang nababasa ko sa labi nito kahit malayo ito. Iniwan nito ang maleta nito habang naglalakad patungo sa akin. Nanginginig ang labi ko habang hinihintay siyang makarating sa gawi ko.

"Shenkaii what ar–" Hindi ko na siya pinatapos pang magsalita, niyakap ko siya ng mahigpit habang mahinang napahikbi.

"Tatakbo ka na naman. Palagi mo nalang akong iniiwan. Atleast magsabi ka kung aalis ka na. Parang wala tayong pinagsamahan sa mga ginagawa mo. Kapag may problema ako nandiyan ka habang kapag may problema ka wala ako. Ang unfair mo!" Usal ko habang mahigpit siyang niyayakap.

Hindi ito nagsalita. I know any minute ay sasakay na siya sa eroplano. Umalis ako sa yakap sa kanya, hinawakan ko ang mukha nito, I can see that his eyes soften.

"I'm thankful that you're my bestfriend," usal ko habang gumagaralgal ang boses. I sniff at napa-awang sa labi dahil nakita ko ang pagdaan ng sakit sa mga mata nito. "I love you so much Percieval." Usal ko at naramdaman ko ang pagdaloy ng luha sa dalawang pisngi ko. "T-Till we meet again, kapag papalarin. M-Mag-iingat ka, alagaan mo ang sarili mo dahil aalagaan ko rin ang sarili ko..." Hikbing usal ko. Nakita ko ang pamumuo ng luha ni Percieval pero napatingala ito at tumango.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon