CHAPTER 4: Heartbeat

627 53 21
                                    

4

KATULAD ng sinabi ni Kaius na pupunta ang pamilya niya sa bahay. It's been a month ko narin silang hindi nakita. I know that they're busy, hindi sila naging billionaire kung wala namang ginagawa. I mean sa ginagawa ay mga trabaho nila.

Kahit may edad na ang mga ito ay hindi parin mapapansin na tumanda man lang ang mga ito dahil sa mga features ng mga ito na parang nasa 20s pa. Si Tita Seraphina ay imbis na tumanda ay parang nag reverse ang edad nito. Sobrang ganda at palangiti pa. Habang si Tito Vile naman ay kabaliktaran at manang-mana si Hunter.

Hindi palangiti si Tito Vile, ramdam ko rin na delikado itong tao at kakaiba ito makitungo sa ibang tao napakacold pero kapag ang asawa nitong si Seraphina ang kaharap ay para itong maamong Lion. He is cold pero hindi naman niya ako minaltrato na parang basura. Iyong parang nag eexist ako pero minsan hindi, pero okay lang naman sa akin.

Isa lamang akong babaeng pinakasal sa anak nito na may girlfriend na dahil sa last will ng isang ama. Life sucks but ito na eh, ano pang magagawa ko.

"I receive that Kaius didn't treat you will, Iha" seryusong wika ni Tita Seraphina. Ang kaninang nakangiti nitong mukha ay napalitan ng seryusong tingin sa amin ni Kaius.

Sino ang may sabi sa kanya? Kinakabahan ako ngayon, para mamaya kapag umalis na sila dahil alam kong dahil sa sinabi ni Tita ay magagalit sa akin si Kaius.

"You put a spy on my own house Mother?" Malamig na wika ni Kaius.

"What're you going to do then?" Pero mas malamig ang boses ni Tito Vile na hindi ko na kayang mailunok ang kinakain ko.

Ang kaninang magaan na awra ay biglang naging tahimik, naging malamig, na pati ang mga maids ay naramdaman din iyon. Napayuko ako at hindi ko kayang harapin ang presenya ng dalawang lalaki.

"Stop it you two..." Isang malambing na wika ni Tita kaya ang kaninang mabigat na aura ay dahan-dahang umaaliwalas.

"I'm sorry wife.." Malamig na wika ni Tito Vile kay Tita Seraphina kahit nakapoker face ito ay ramdam ko ang sensero sa boses nito.

Mahina akong nagpakawala ng buntong-hininga.

"I don't understand, bakit sa lahat mga kapatid kong lalaki ako pa ang ipinakasal niyo sa kanya?" Seryusong wika ni Kaius. Bigla akong nalungkot sa tinanong nito. Kinuha ko ang kalayaan nito.

"Si Kuya Wade, Rade na ngayon ay hindi pa kasal ay hinahayaan niyo, ni wala pa ngang babae na ipinakilala sa inyo. Habang ako na may babaeng gusto ng ipakasal ay sinira niyo. Si Zade na kaedad lang ni Reverie nalang sana ang ipinakasal niyo. You ruined my life for this shít!" Dumagundong ang boses nito na sobrang galit na talaga.

"Hunter! It's been a 2 years hindi mo parin ba tanggap na ikinasal na kayo? Dahil ba kay Laura? Hindi ka ba nahihiya na dalhin ang babae mo sa bahay kung saan ang asawa mo? At sinasaktan mo raw si Reverie! Anak naman, hindi kita pinalaki ng ganyan!" Si Tita Seraphina.

"Wag niyong isali si Laura rito Mom. Alam niyo palang nung una na si Laura na talaga ang gusto ko. Ang gusto kong pakasalan hindi siya! Kahit abutin man kami ng ilang taon, si Laura parin ang pipiliin ko! Akala niyo magiging maayos ang lahat dahil sa pagpapakasal niyo sa akin sa kanya at si Laura? Alam ko ang plano niyo, pero mas pinalala niyo lang. Kung gusto niyong magka-ayos si Laura at Reverie sana si Laura nalang ang ipinakasal niyo sa akin. Fvck those Last Will of his deceased father!” pero hindi ko alam ang ginawa ng katawan ko mabilis ko siyang sinampal.

Isang mag-asawang sampal sa pisngi, malakas at rinig iyon ng buong kabahayan. Napatabingi ang mukha nito, sobrang hapdi ng palad ko pero husto na! Wala siyang karapatan para ibaba ang lahat ng sa akin.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon