CHAPTER 7: Responsibility

555 49 24
                                    

7

PABABA na ako ng hagdan nang makita ko si Laura at Kaius na papa-akyat ng hagdan. Pero hindi ko na sila pinansin pa. Katahimikan ang namayani nang lumagpas kami sa isa't isa. Gabi na at aalis na naman ako.

Sa kakapunta ko sa convenience store ay naging part timer ako roon. Every Monday to Friday sa gabi ako magtatrabaho doon. Nang malapit na sa pintuan papalabas, napatingin ako sa kanila, nagulat man ay hindi ko pinahalata nang magtama ang mga mata namin ni Kaius.

Pero bago pa ako mapansin ni Laura ay tumalikod na ako. Kahit naman may sound proof ang bawat rooms ay hindi ko parin maatim na nandoon tapos gagawin nila ang pagseséx.

Nang makarating sa convenience store ay mabilis kaming nag shift ng nandoon kapag morning. Nagbihis ako kaagad ng uniform at bago umupo sa counter ay tinignan ko muna ang bawat nakahelera na paninda kung naka-ayos ba.

Sabi ng owner ay kapag walang customer piliin ko ang malapit ng ma expire na foods at ilagay sa isang cart. Kaya iyon ang ginawa ko. Mabuti nalang din at makapal ang uniform, kahit malamig sa loob ay bearble lang ang lamig.

May mga pumasok sa store kaya napatigil ako sa ginagawa at nagpunta sa counter dala ang mga nakuha kong malapit ng ma expire na mga chocolates at chichirya. Nilagay ko muna sa gilid malapit sa upuan ko at naghihintay sa mga magpapa-counter ng bilihin.

Kahit gabi na ay marami pa rin naman ang nagpupunta dito. Kadalasan mga minors o kaya mga nagtatrabaho na malapit lang dito. Pero hindi pa ako naka encounter ng mga lasing at mga rude na customer, sana wag lang silang magpakita, hindi pa naman aki sanay makaharap ang mga ganung tao.

Hindi naman sila masama, baka lang kasi may problema kaya uminom pero kapag nakainom ang isang tao, mag-iiba pa naman ang mga utak. For safety purposes narin siguro. Ang ikinakaba ko rin baka may tulisan na pumasok, wala pa naman akong kakayahan para patigilin sila. Baka gamitan ko pa ng masakit kong tili, kung makamatay lang ang tili, baka ginawa ko na araw-araw.

"568.89 Pesos" I said.

"Ms. Fabroa?" Isang pamilyar na tinig ng kaharap ko kaya napatingin ako rito pero naka-mask ito pero familiar nga ang mga mata nito.

Nagulat ako nang makita ang mukha nito nang tanggalin nito ang mask nito. One of my Instructor. Sir Daemon, kaedad lang nito si Kaius.

"Sir good eve po" magalang kong wika at ngumiti rito. Tinanggal nito ang mask at tumango sa akin. Sir Daemon is a timid person pero katulad ni Kaius hindi ito mahilig ngumiti. He is good looking too.

"So, this is where you work?"

"Yes sir, part time job"

"I see," anito at tinanggap ang sukli ng 1K nito.

"You're a good girl huh. See you tom then." He said in a hushed tone.

"Wait sir, here po." Binigyan ko siya ng Mango Lemonade. He smirked pero tinanggap parin nito. "Thanks Ms. Fabroa"

"Welcome sir, come again!" Masigla kong wika. Minsan lang kaming makapag-interact sa school lalo na at stricto kasi ito. Himala nalang ngayon. Nagpatuloy ang pagtatrabaho ko. Nang nakalabas na ang mga tapos ng bumili ay pinagpatuloy ko ang ginagawa ko kanina, namimili ng mga expired na foods.

"Percie ikaw ang main character natin ngayon!" Wika ni Mayor nang binigay na nito ang mga role namin.

"Okay.." Anito habang nakasandal sa balikat ko, akala mo naman hindi mabigat.

"Ikaw Jessa ang palihim na nagkakagusto kay Percie. Bali this story is all about the second male lead who wins the heart of female lead. Imbis na ang main lead ang makatuluyan ay nag-iba ang daloy ng kuwento ng story."

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon