CHAPTER 13: Courting

564 41 3
                                    

❦ 13 ❦

"MOMMY! WOAHHH IS HE MY DADDY?!" Masayang bungad sa akin ng anak ko habang katabi ko si Kaius. Naka VC pala ito at namutla ako bigla habang nakatitig sa screen.

"DADDY! DADDY IS THAT YOU?!" Excited na usal ng anak ko. Para akong mahihimatay sa nangyayari. Hindi ko inaasahan ito.

"Who–" Kaius.

“What are you doing Zi?" Boses ni Lolo at nawala ang video call. Malakas ang tibok ng puso ko, kinakabahan ako. Ano ang palusot ko?

“Nagkamali lang siguro ng tawag Sir," pinipigilan ko ang kaba sa boses ko at napalingon sa reaksyon ng mukha nito. Pero wala paring reaksyon ang mukha nito.

"You think so?" Baritonong usal nito. Tumango ako at seryusong tinignan ang mga mata nito. Kahit gusto ko ng lamunin ng lupa dahil sa kaba.

Binuksan nito ang pintuan siguro lalabas na ito. Pigil ko ang hininga ko at pinalangin na sana lumabas na ito. His aura is so hard to bear, he's cold as ice, mahirap tibagin.

"The kiss..." he said habang nakatalikod parin sa akin. Napalunok ako at nanginginig ang kalamnan, naiisip ko na naman ang ginawa nito kanina, nanlalambot ang tuhod ko. “Don't forget it, mark my words." Dagdag nito at umalis na.

Nang hindi ko na makita ang bulto nito ay napahawak ako sa pintuan dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Napahawak ako sa puso ko, at pilit iyong pinakalma dahil sa kaba, sa anak ko na baka nakilala nito at buti nalang mabilis itong na e off ni Lolo. Gamit ang nanginginig kong kamay ay napahawak ako sa labi ko, at napakagat ng mariin dahil kung alalahanin ay pangalawang halik ko si Kaius.

Hindi na counted iyong nakaséx ko sa bar dahil hindi ko naman naalala ito. Pero first kiss ko ay si Percieval. Smack lang naman, kahit hindi sadya ay halik parin iyon, nagkalapat ang labi. Pero wala lang naman iyon sa amin dahil alam naming hindi iyon sadya at wala namang nagbago sa pakikitungo namin.

Pero ngayon na parang may nararamdaman ako para kay Percie, alam kong may magbabago sa pakikitungo ko sa kanya, pero ayokong maging awkward kaming dalawa, as long as walang nakaka-alam, ayos lang.

Mawawala rin ang nararamdaman ko, hindi man ngayon, mahirap man dahil katulad kay Kaius ay nahulog din ako sa ibang lalaki. Pwede palang mahulog sa dalawa at sa wala pa akong pag-asa pa.

Napakuyom ako ng kamay dahil parang wala lang kay Kaius ang halik namin, dahil may palagi naman itong hinahalikan. At bakit niya ba ako hinalikan? Hindi naman niya ako pag-aari kahit pabalik-baliktarin pa ang mundo.

Kasal kami sa papel. Hindi niya ako mahal dahil may mahal siyang iba at hindi ako iyon. Kunware lang ang lahat, ako ang sumira sa pangarap nilang Laura dalawa. Kahit paulit-ulitin kong sasabihin ito ay hindi ako magsasawa hanggang sa maging manhid ako, iyong wala na akong maramdaman pa na kahit anong poot, sakit, inis, pangungulila, attention, pagmamahal at iba pa.

Naniwala kaya ito sa sinabi ko na nagkamali lang ng tawag ang anak ko? Kitang-kita ang mukha ng anak ko at nakita rin ni Kaius ang picture na kinuha niya sa akin na kamukha ng bata na kamukha niya.

Napakagat ako ng kuko at mabilis iyong tinanggal, dapat positive lang ako, inayos ko ang sarili ko at napabuntong-hininga bago lumabas ng classroom. Buti nalang at walang ibang tao ang lumalabas ngayon.

Nang magtanghali ay napagdesisyunan kong umuwi nalang, matulog at gawin ang mga remaining na epapass ko. Hindi ako nakapag-paalam kay Percie, wala akong gana. Pero baka mamayang gabi echachat ko siya.

"Ksenia!" Napalingon ako sa tumawag sa akin. Si Madonna kasama si Yazy at Klea.

"Bakit?"

"Sama ka sa amin, kulang kami ng isa eh. May pupuntahan tayo..." Usal ni Yazy, hindi ito nakangiti pero wala namang kakaiba sa mga mata ng mga ito.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon