CHAPTER 6: Révenge

654 43 6
                                    

6

AND lastly, it stated here that you must marry Hunter Montgomery’ usal ng attorney sa harapan ko habang hindi na maintindihan ang soot at mukha ko.

‘Who's Hunter Montgomery?' I felt betrayed and a bit frustrated.

‘He is the son of a billionaire. Mautak rin ang Daddy mo huh’ Manghang wika ni Attorney Yosua.

Paanong mautak? May perang ibinigay si Papa sa akin, pero bago ko iyon magamit, pakasalan ko muna si Hunter Montgomery. And after 4 years muna ang bisa, kaya sakto rin na tapos na ako sa pag-aaral non.

Nakaramdam ako ng ginaw habang nakatingin sa ibabang bahagi ng kinauupuan ko. Isang bench, at may mga bahay sa ibaba parang sa france na lugar. Gusto ko talaga makapunta ulit sa france, kahit hindi ko kasundo si Mama non, at kahit labag sa loob niyang isama ako ay dahil mas may makapangyarihan sa bahay si Papa ay napasama ako, ngunit isang beses nga lang.

Ang goal ko talaga kapag nakapagtapos ako ng pag-aaral ay aalis ako ng Pilipinas at hinding-hindi na babalik pa. Mas pipiliin kong nasa labas ako ng bansa, dahil magagawa ko lahat ng gusto ko ng walang nakakilala, walang humuhusga kahit siguro hihiga lang ako sa isang upuan sa labas ay walang mga pake ang mga tao doon.

Dito kasi sa Pilipinas, sa isang pagkakamali lamang ay parang ikaw na ang may mali sa lahat ng bagay. Gusto kong makasama ang anak ko at lahat ng gusto nito ay gagawin ko. Malaking halaga ang ipinamana ni Papa sa akin pati lupa ay nandoon. Hindi ko pa gaanong gamay ang lahat at mahirap intindihin dahil I am a slowpoke sometimes.

Hinalungkat ko sa plastic bag ang nabili kong pagkain kanina sa convenience store. Binuksan ko ang fudgee bar at kinagatan, napayakap ako sa tuhod ko dahil nakaramdam ako ng lamig. Habang kagat ang fudgee bar ay naramdaman ko ang pagtulo ng luha ko na mabilis kong pinahid sa hood na soot ko.

Tumutulo nalang ng walang paalam. Umalis ako ulit sa bahay dahil nandoon ulit si Laura. Malaki naman ang bahay pero hindi ko masikmura na makita silang masaya habang ako nagluluksa kahit wala naman akong karapatan. Nanatili ang kalahati ng fudgee bar sa bibig ko habang nakayuko ako at yakap ang tuhod habang nagpatuloy sa pagluha ang mga mata ko.

Mahina akong napahikbi. Mas lumalalim kasi ang nararamdaman ko kahit wala naman itong pinapakitang maganda sa akin. Kahit alam kong hindi masaya ang ganun pero pinagpatuloy ko.

Ang tagal naman ng dalawang taon. Iyong sinabi ko na mabilis lang pero kapag kasi lumilipas ang araw at buwan, parang hindi naman umuusad. Gusto ko ng umusad pero ang tagal lumipas ng araw. Nagmamadali ako pero baka sa kakamadali ko may mga bagay akong pagsisihan.

Nararamdaman kong may umupo sa tabi ko pero hindi ko iyon pinansin. Marami namang umuupo kasi rito. Inaantok ako sa pagyuko ko, pero ayokong umuwi. Ayoko rin ma disturbo si Percie, alam kong busy na tao iyon kahit nagkakabaliktad ang tagalog non.

Napatingin ako sa relo ko at 11:40PM na. Natutulog na kaya sila. Napasinghot ako dahil familiar ang amoy. Parang katulad ng perfume ni...

“Here” Baritonong usal ng katabi ko, una akong napatingin sa panyo na nasa kamay niyang nakalahad. Unti-unti akong napatingin sa taong iyon, at nagulat ako nang may features ito na kamukha si Hunter.

"T-Thank you" I said awkwardly dahil hindi ko naman ito kilala pero nagbigay ng panyo sa akin. Halata ba na kahit nakayuko ako ay nag-iiyak ako? Parang perfume ni Kaius ang bango nito pero habang tumatagal ang bango ay nagiging iba, pwede pala iyon?

Parang bad boy ito at ngayon ko lang napansin na may motorbike itong dala, bakit hindi ko iyon narinig? Pero naramdaman ko na hindi naman ito masamang tao. Parang kaedad ko lang din naman kasi.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon