CHAPTER 20: Found

581 44 7
                                    

❦ 20 ❦

KAHARAP ko ngayon ang parents ni Kaius. As usual malamig parin makatingin ang mukha ng Tatay nito habang ang nanay ay maaliwalas parin ang mukha. Parang hindi man lang ang mga ito tumanda.

But the worst part is nasa hapagkainan din si Laura, na parang natataé na, mukhang hindi nito inaasahan na pupunta ang parents ni Kaius. Wala na akong pake diyan, basta nagtatrabaho ako sa gabi.

Bali ang pwesto namin ay parehaba ang porma ng mesa, nasa left side nakaupo si Tito Vile iyong nag-iisang upuan, habang katabi nito ang asawa, si Kaius at Laura ay magkatabi, sa left side kung saan walang nakaupo at nasa right side ako, nag-iisang nakaupo, it's okay.

"Where's is your respect to your wife, Kaius." Baritonong wika ni Tito Vile na ikinatingin ko kay Kaius na napatingin sa akin, blanko ko lang siyang tinignan.

"It's okay po, he is with his lover" usal ko at ngumiti kay Tito Vile at at Tita Seraphina na pinapakita na sanay na ako.

"No..." Malamig na wika ni Tita Seraphina. "Nakakabastos tingnan, kung ako ang nasa sitwasyon mo ay hindi okay sa akin. It's means okay lang sayo maraming babae ang asawa mo? Tapos dinadala pa rito sa sariling bahay niyo? Tell me Iha, for the past years... Nagustuhan mo ba ang anak ko?" Tita Seraphina said in a serious tone.

"Mom." Kaius.

Napatitig ako rito at nakita ko ang malaking dissapointment sa mga mata nito at naawa na talaga sa akin. Alam ba nito?

Oo minahal ko si Kaius. Pero nakakapagod na siyang mahalin. Kung pwede lang matapos na ako sa pag-aaral para makuha ang mana ni Papa pero hindi ganun kadali iyon.

"You can now divorce him, kami ang bahala para makuha mo ang pinamana sayo" usal ni Tito Vile na ikinalaki ng mga mata ko.

"What are you two doing?" Mahihimigan ang inis sa boses ni Kaius.

"Sweetheart..." Usal ni Laura.

Naramdaman ko ang pag-init ng gilid ng mga mata ko, hindi ko napigilan ang maiyak hindi sa nasasaktan ako kundi habang naririnig ko iyon ay parang unti-unti akong nakakalas sa kadenang nakakapit sa akin.

I love him, I do. Pero I need to flee...far away from him. Kaius is not good for my health.

"Stop it, let's just wai–"

"And what?! Hanggang matapos siya sa pag-aaral ay nandito ang babae mo! Kaius anak, hindi kita pinalaki na paglaruan ang mga babaeng nakilala mo! Babae ang asawa mo! Babae!" Sigaw ni Tita Seraphina na ikinayuko ko.

Para akong hinaplos sa sinabi ni Tita Seraphina.

"I'm sorry to interrupt you po, but me too I'm a girl ang nauna sa babaeng iyan at ang karelasyon ng anak niyo." Usal ni Laura.

"Héll, Laura" mura ni Kaius at parang nalilito na sa nangyayari.

"Babae ka naman pala, dapat alam mo ang pakiramdam kung saan didistansya o limitasyon mo," sarkastikong wika ni Tita Seraphina at tumayo ito. "Follow me, Rev" Dagdag nito.

"Ksenia,” usal ni Kaius pero hindi ko siya pinansin at sumunod na lang kay Tita Seraphina. Nakarating kami sa garden at nakita ko ang sopistikadang pag-upo nito sa isang upuan na gawa sa bato.

Napansin niya ako pero nagpatuloy ito sa paghawak ng damo. Nagulat ako nang parang hindi na nito napigilan at tinanggal nito ang damo at nang makontento ay nailagay nito ang damo sa gilid sabay tingin sa akin na parang nagulat pa.

"Pasensya na iha, nasanay lang ako na magbunot ng damo... Pisténg Vile kasi." Anito at tumawa, hindi halata dito na magbubunot pala ng damo.

"Okay lang po" sagot ko.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon