CHAPTER 18: Peaceful

495 39 0
                                    

❦ 18 ❦

NANG mapermahan ang clearance namin ay napagpasyahan ng mga kaklase ko na mag videoke ang iba ay pupunta sa Bar, ang iba ay sa dagat, the rest na katulad ko ay uuwi, dahil mas gusto ko pang matulog dahil sa pagod lalo na ay may trabaho ako sa gabi.

Hapon na at naghihintay ako ng jeep na masasakyan. Walang bago marami paring tao, kaya unahan sa sakayan. Amoy usok, malansa at iba pa na kinasanayan ko nalang din. Lalo na at wala na si Papa para magkunwari akong spoiled.

"MALÍBOG STREET! MALÍBOG STREET BABYAHE!"

"AKO KUYA MALÍBOG AKO!" sagot ng katabi kong babae.

Napangiwi ako sa sagutan nilang iyon. Kung ignorante lang ako baka kanina pa ako tumatawa sa Malíbog Street na iyan. Nung una, natawa talaga ako pero seryuso may place palang ganun, napuntahan ko na nga eh. Madadaanan ko bago makarating sa convenience store.

Nang makita ko ang kasunod ng Malíbog na Jeep este Jeep na patungong Malíbog Street, nakita ko na iyon ang papunta sa Street ng bahay ni Kaius kaya pumara ako sabay sakay buti nalang at may space pa.

Nauna na ako kay Percie hindi naman kami same street. Pero hindi ko pa kasi siya nakikita, hindi pa siguro sila tapos mag-usap ni Rez. Ang tagal naman. Tulala ako habang nagpatuloy sa pag-andar ang Jeep. Natauhan lang ako nang may nag-abot ng bayad pinasuyo sa akin, kaya nagbayad na rin ako.

Nag-vibrate ang cellphone ko kaya kinuha ko iyon at inopen. Nabasa ko ang message ni Perci.

Percieval: “Where are you?"

Nag type ako para ereply. “Umuwi na”

Percieval: "Take care...(⁠ ⁠˘⁠ ⁠³⁠˘⁠)⁠♥"

Napangiti ako dahil ang cute ng emojis na gamit nito, kamukha ni Percieval.

“You too. (⁠。⁠•̀⁠ᴗ⁠-⁠)⁠✧” I reply.

As usual, unti-unting nawala ang bigat ng pakiramdam ko. Stress reliever ko rin itong si Percieval, my first SR ay ang anak ko. Magaan kasi ang loob ko sa kanya, at iyon ang gusto kong maramdaman sa isang tao.

Nang makarating sa bahay ni Kaius ay nagtaka ako dahil maraming mga kotse at rinig na rinig ko ang ingay sa loob. Nakita ko si Manang sa labas ng gate na parang may hinihintay, nang makita ako ay mabilis itong lumapit sa akin at nagsalita.

"I-Iha pinapasabi ni Senorito Hunter na huwag ka munang umuwi sa bahay, kung maari ay pumunta ka nalang daw muna pansamantala sa pinagtatrabahuan mo. Nandito kasi ang mga kasamang professors niya at nila Ms. Laura. Ayaw lang nilang may issue kapag makita ka." Mahabang paliwanag ni Manang.

Napangiti ako ng mapait at tumango kay Manang na may lungkot sa mga mata nito, napatingin ako sa bahay at may nakita akong tao sa veranda.

Even though I'm his wife I'm not his woman na pinakilala at nakikilala ng lahat. Si Laura iyon. I stared to Kaius coldly and dissapointly , hindi na ako tumingala pa at tumingin sa kanya. Hindi siya kawalan.

"Sige Manang wag kayong mag-alala."

"Pasensya na talaga Iha, kung ako lang ang masusunod, gusto kong dito ka lang pero amo ko rin si Sir Hunter eh"

"It's okay Manang, saka malapit narin kasi ang time ko sa trabaho. Sige po alis na ako." Nakangiting wika ko at nagbabye pa kay Manang sabay talikod.

Habang naglakad paalis ay unti-unting nawala ang matamis kong ngiti, nangingilid ang luha ko, napatingala ako para pigilan ang luha. Masakit parin talaga. Matatapos din ang lahat ng ito. At kapag nangyari iyon, aalis at aalis ako sa Pilipinas, at hindi na babalik pa kasama ang anak ko.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon