CHAPTER 3: Crushed

720 48 4
                                    

3

"TELL ME...Bakit kamukha ko ang batang nasa picture?" Malamig nitong usal at nanlalaki ang mga mata ko na napa-atras dahil lumapit ito sa akin.

T-Teka? Kamukha? Anong nilaklak nito? Isang boteng katol ba?

"A-Anong kamukha? I-Idol na artista ko yan sa gwin bulilit! K-Kaya akin na ang pictures Sir" Pigil ko ang hininga at pilit tinitigan ang mga mata nito pero hindi ko magawa.

Sobrang lamig at lalim ng bawat titig nito sa akin. Nilalamig narin ako at kanina ko pa ramdam ang bilis ng tibok ng puso ko.

"Tsk, isusuli ko ito bukas." Anito na ikinalaki ng mga mata ko nang tinalikuran ako nito. "T-Teka sir hindi pwede!" Kunot ang noo nitong walang ganang napatingin sa akin. Nakapamulsa ito at napadila ito sa labi na parang naiinis na sa ginagawa ko.

"It's just a picture Ms. Fabroa" malamig nitong wika.

"Oo nga sir! Picture lang yan kaya a-akin na po." Pangungumbinsi ko rito pero matigas ito at tinalikuran ako kaya napakuyom ako sa aking kamay habang nagpapadyak na tinuro si Kaius na papalakad paitaas sa malaki at mahabang hagdan.

Nakakainis! Aanuhin niya ba ang picture ng anak ko?! At kamukha daw niya! Nagkakamali siya! Kamukha ng tatay niyang si Vile! Pinaglilihian ko kasi si Vile Montgomery nung pagbubuntis ko dahil nakita ko ito sa big screen ng TV namin.

Hindi ko rin kasi alam kung sino ang Tatay ng anak ko. At wala na akong paki-alam sa damuhong iyon! Basta buhay ang anak ko at hindi niya kami kilala, maayos na iyon sa akin.

Nanlalamig ang kamay ko habang papa-akyat ng hagdan. Niyayakap ko ang sarili ko dahil nakaramdam na ako ng ginaw.

Nakapaa lang ako pababa kanina na hindi ko nakasanayan dahil may tsinelas naman pero dahil sa kakamadali ko ay wala na akong paki-alam kung anong itsura ko o kung ano ang nakalimutan ko dahil lang sa picture ng anak ko.

——

"Patungo na si Sir Hunter dito!" Bungad na wika ng Mayor namin kaya mabilis kaming umayos sa pagkakaupo.

"Don't forget the formula that yesterday I teach you, okey dokey" bulong ng katabi ko.
Tumango ako rito.

Hindi naman iyon ang nagpakaba sa akin eh. Ang presenya ni Hunter ang kinakabahan ako. Tapos bobó pa ako sa math, paano na ito? Double kahihiyan!

Nasa panghuling seat ako malapit sa bintana. Sanayan na kasi, ito ang seat ko pag first year, hanggang sa nag 3rd year kami ay ganun narin ang seat namin para hindi awkward, nasanay na rin kasi kami sa katabi namin.

Naamoy ko na ang perfume ni Kaius, napalunok ako nang maramdaman ko na nakatayo na ito sa likuran ko, malapit din kasi ako sa exit na pintuan. Tumahimik ang mga kaklase ko so as me.

"Get 1/2 cross wise yellow pad. Number it 1 to 20" Malamig nitong wika. Mabilis ko namang sinimulang sinulatan ng pangalan ang papel ko at number hanggang 20.

Mahina akong napabuntong-hininga nang maramdaman ko na umalis na ito sa likuran ko at nagsimula na itong pumunta sa lamesa na nasa harapan malayo sa kinauupuan ko.

Napatingin ako sa papel ni Percie at hindi parin ako makapaniwala na sobrang ganda ng hand written nito, sa akin kasi sakto lang na mabasa at malalaki ang bawat letra at bold sa pagkakasulat, sa kanya ang cursive, ganda talaga.

"Kapag wala kang naiintindihan, kupya ka lang sa akin, okey?" Bulong nito habang nakatitig sa mga mata ko kaya tumango ako. Nakita ko ang pagsingkit non at ang pang model sa colgate nitong ngiti na ikinangiti ko rin dito.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon