CHAPTER 22: Tatakbo o Susulong?

526 33 2
                                    

22

NANG marinig ko ang katagang iyon ay para akong nabingi sa narinig, masakit sa tenga. Bumaha ang luha sa mga mata ko, ang nakangiting si Tita ang nakikita ko, at kahit hindi ko pa nakikita ang grandparents ni Percieval at lahat ng pamilya nito ay masakit malaman ang nangyari sa kanya.

Nakaya niyang itago at mag heal ng nag-iisa sa apat na taon, na ang ginawa ko ay e blame siya bakit niya ako iniwan. Na may nangyari din pala sa kanya. At parang De Ja Vu na katulad ng pagkamátay ng parents niya sa pamilya ko, kung totoo ang sinasabi ng Lawyer ni Papa na mássácre din ang nangyari.

Niyakap ko ng mahigpit ang umiiyak na parang bata si Percieval. Ramdam ko ang sakit, poot at hapdi na kinikimkim nito.

"Shh it's going to be alright... it's going to be alright... Percie" usal ko sabay kagat sa labi ko para pigilan ang hikbi dahil sa naririnig kong hikbi kay Percieval.

Napatingala ako at napalunok, sumiksik ang ulo ni Percieval sa leeg ko at ramdam ko ang luha nito na kumikiliti sa akin. Napasandal na ako sa kotse ko habang yakap yakap ako nito. Nakabend ito at mahigpit ang yakap sa akin.

I comb his hair, naamoy ko ang normal nitong amoy, nanatili akong nakatingala pero umaalpas ang luha ko sa mga mata. Ang sakit marinig ang pigil na hikbi ni Percieval.

Naramdaman ko rin naman ang ganyan noon, walang karamay, nag-iisa at biniblame pa ng mga kadugo ko sa nangyari sa kanila. Pero ayoko kasing may makaranas ng ganoon sa akin, as much as possible gusto kong wala ng makaramdam non. Kaya ng malaman ko na ginawa iyon ni Percieval dahil ayaw niyang dagdagan ang problema ko.

I feel regretful. Parang ang laki ng kasalanan ko. I blame myself kahit alam kong wala naman akong kasalanan. Iyong sa lahat ng ups at down ko ay nandoon si Percieval sa gilid ko pero nung siya naman ang nakaranas non, wala ako sa tabi niya.

"I'll find them..." He said in whisper but dangerously.

Napatango ako habang naka-awang ang labi dahil ganyan din ang nararamdaman ko noon. Nung malaman ko na mássácre ang nangyari sa parents ko ay gusto kong pumatáy din. Pero I realized masama iyon. Lalo na ang revenge.

Even though Percieval cried to me, hindi nagbabago ang ugali nito, he is cold but there's a gentle way. Hindi ko na palagi nakikita ang matamis nitong ngiti.

He became cold and there's a nothingness to his eyes. But I understand him. Wala na si Tita at nalaman ko na tinulungan siya ng gangs niya. Pero umalis na siya bilang Leader dahil hindi niya kayang gampanan ito kapag may nangyaring trahedya sa buhay niya.

——

Nakaupo ako ngayon sa opisina ko. Tinignan ko ang mga new brands and styles sa mga clothes. Every fiber ay tinignan ko, at need lang ng confirmation at perma ko at ang mga employees ko na ang bahala.

May mahinang kumatok, "Ms. Fabroa nandito po si Mr. Montessori" usal ni Secretary Chui.

"Come In," sagot ko habang nagpatuloy sa pagperma. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan ng opisina ko. Naamoy ko agad ang perfume na BOSS ni Maximilogio 'Ilog' Montessori.

"Key," anito sa preskong paraan. Napatingala ako rito at nakapamulsa ito habang tinitignan ang kabuuan ng opisina ko. "Your office is nice huh," anito at tingin sa akin. Ngumiti ito at pumunta sa chairs na nasa harapan ko.

"So hindi na siya galit sayo?" Nakataas kilay kong wika. Nagseselos kasi ang fiance nito sa akin, akala kasi nito na may relationship kami ni Ilog. Magkaibigan lang kami.

"She's mad until now," anito na parang napapagod.

Napailing nalang ako, "Nasaan si Amanda?"

"Busy with her career," anito.

The Rejected Wife Of Professor Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon