Kabanata 5: Si Ambrosio

20 2 0
                                    

Kabanata 5: Si Ambrosio

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 5: Si Ambrosio

NANG imulat ni Manaow ang kaniyang mga mata, nandoon pa rin sa kuwarto niya sina Thiago at Kang. Paulit-ulit niyang kinukusot ang mga mata; hindi siya makapaniwala na ang mga binata ay nakapasok at lumabas sa ipinintang larawan. Parang natatanaw niya ang dalawa na nakasuot ng tuxedo kahit hindi naman sila dadalo sa matrimonyo.

“P-paano kayo nakapasok sa painting, Thiago?” nauutal na sambit ni Manaow, sapo-sapo ang ulo. Pagkatapos, napalakad siya sa kaliwa’t kanan habang kagat-kagat ang mga kuko.

Dumako ang tingin ni Thiago kay Kang bago niya ibinaling ang atensyon sa dalaga. Saglit pa niyang naibaon ang ngipin sa ibabang labi sapagkat hindi niya maapuhap ang angkop na sasabihin. “A . . . ano kasi . . .”

“Monalisa Yngrid, bakit ang tagal mo riyan sa loob? Anong petsa na? Late ka na!” ang sigaw ng nanay ni Manaow sa labas ng kuwarto. Hindi na ito nagtangkang kumatok o pumasok sapagkat hindi pa ito tapos sa ginagawa at mayroon pang sabon ang mga kamay.

Ninenerbiyos, dahan-dahang lumapit si Manaow sa pinto, umaaktong nanghihina, at pagkatapos ay nagpakawala siya ng tatlong magkakasunod na pekeng ubo. Naisip niyang hindi maaaring makita ng mama niya ang dalawang binata sa kaniyang kuwarto. “’Ma, hindi na muna ako papasok sa school today. I’m not feeling well po, e.”

“Gano’n ba? Sige, magpahinga ka muna. Kailangan mo ring uminom ng gamot,” anang nanay niya.

Pagkatapos ng ilang sandali, nawala na ang yapak ng kaniyang ina kaya muling dumapo ang mga mata niya sa dalawang binata. “So,” aniya habang nakakubli ang mga kamay sa magkabilang kilikili, “paano nga kayo nakapasok sa loob ng self-portrait?”

Klinaro muna ni Thiago ang lalamunan bago siya magsalita: “Mahabang istorya, e. Pero, Manaow, ngayong nalaman mo na ang sikreto namin, puwede mo ba kaming tulungang hanapin si Henrie Kang?”

Tinambangan ng pagtataka ang isip ng dalawang lalaki nang tumawa ang dalaga.

“What nonsense are you talking about ba? Kasama mo naman si Henrie Kang, o!” Halos magtagpo na ang mga kilay ni Manaow habang itinuturo ang binatang may abuhing buhok.

Kaagad na umawang ang bibig ni Thiago kasabay ng paglaki ng mga mata. “N-namumukhaan mo siya?”

* * * * *

TAHIMIK na kumakain ang alkalde ng Primero de Julio na si Mayor Apollo Arreglado sa napakahaba at kulay-gatas na lamesa. Kasabay niya ang kaniyang anak na lalaki na nakaupo sa kabilang dulo. Ang tanging mauulinigan sa loob ng mansyon ay ang maya’t mayang pagtama ng kubyertos na kulay-ginto sa babasaging pinggan.

Sino ang anak ng alkalde ng Primero de Julio? Si Ambrosio Arreglado, o mas kilala bilang Ambrose, ay ang kaisa-isang anak ni Mayor Apollo. Hayskul pa lamang at sa edad na labing-walo, tinuturuan na siya nang paunti-unti ng kaniyang ama kung paano pamunuan ang bayan (na kailanman ay hindi niya gustong gawin). Ang pangarap niya at ng kaniyang matalik na kaibigan ay maging artista; nais nilang makita sa telebisyon.

The Mad ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon