Kabanata 15: Masamang Balak

26 2 0
                                    

Kabanata 15: Masamang Balak

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 15: Masamang Balak

“IKAW na naglabas-pasok sa mahiwagang canvas ang may kakayahang tumapos ng lahat,” iyon ang sabi ng diyos ng sining na naglalaro sa isipan ni Thiago. Gumapang ang pangamba sa buo niyang katawan. Muntik nang sumayad ang panga niya sa sahig dahil sa rebelasyong narinig. Pagkatapos, dagli siyang naghagis ng isang kamay papunta sa kaniyang bibig.

Noon, nais lamang niyang patunayan na hindi totoo ang sumpa ng ipinintang larawan, pero ngayon, pasan na niya ang mabigat na responsibilidad. Inaamin niyang nakatulong si Kang upang madiskubre niya ang pagsusulat ng kuwento, subalit hindi niya alam kung ano ang mangyayari dito kung susunugin niya ang itinuturing nitong tahanan.

“Ano’ng . . . ano’ng mangyayari sa nakakulong sa loob ng larawan?” kapagkuwa’y muli siyang nagtapon ng kuwestiyon kay Herpes. “Mabubuhay ba siya . . . makalalaya . . . o tuluyang mawala?” Hindi siya nakuntento at dinagdagan pa niya ng panibagong tanong. Hangad niya ang ispesipikong sagot sa mga oras na iyon.

Sandaling natigil ang diyos ng sining. Makaraan ang ilang segundo, saka ito nagsalita, “Hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa biktima ng mahiwagang canvas, Thiago. Marami na rin akong nabigyan ng babala, subalit ni isa ay walang naniwala. Isang bagay ang sigurado: mawawakasan mo sumpa ng mahiwagang canvas kung susunod ka sa akin.”

“Pag-aari mo ba ang mahiwagang canvas?” patakang usisa ni Thiago na kaagad namang tinanguan ni Herpes. “Bakit ’di na lang ikaw ang sumunog sa larawan? Bakit ’di mo na lang iligtas ang nakakulong do’n? May kapangyarihan ka naman, ’di ba?”

Marahan natawa ang diyos ng sining na ikinakunot ng noo ni Thiago. “Ang aking tungkulin ay panatilihing maayos ang mundo ng sining, tulungang linangin ang talento ng mga tao, at parusahan ang mapang-abuso. Ikinalulungkot kong sabihin, pero limitado lamang ang kapangyarihan ko. Kung kaya’t kailangan ko ang tulong mo. Gaya ng sabi ko kanina, sa puntong ito, tanging ikaw lamang ang may kakayahang tumapos ng lahat sapagkat nakapasok ka na sa loob ng larawan.”

“Parusahan ang mapang-abuso,” pag-ulit niya sa sinabi nito, ang dalawang kilay ay halos magtagpo na dahil sa labis na pagtataka. “M-magsabi ka nga sa ’kin ng totoo, ikaw ba ang nagsumpa kay Kang sa loob ng mahiwagang canvas? M-may nagawa ba siyang masama noon?”

Nag-akmang sasagot si Herpes ngunit sa kasamaang-palad, bigla na lamang pumasok sa loob ng tindahan ang isang dalaga. Sa isang kisapmata’y muling nawala ang mga libro at namatay ang ilaw sa loob kasabay ng paglaho ng diyos ng sining na animo’y kinain ng dilim. Ilang sandali lamang ay tumapat kay Thiago ang liwanag na nagmumula sa selpon ng dalaga.

“Thiago? I knew it! Dito lang kita mahahanap!” bulalas iyon ni Manaow. Hindi niya matantiya ang nararamdaman nito—parang nabunutan ng tinik sa lalamunan, ngunit kasisilayan ng pagkabahala ang itsura. “Anyway, bakit namatay ang ilaw? Kanina lang, ’kita ko sa labas na bukas ang ilaw, a.”

“Manaow, bakit ka nagpunta rito?” paglipat ni Thiago ng paksa, ayaw niyang magtago sa mga damo. Sa tingin niya, mukhang hindi naman nakita ni Manaow si Herpes.

The Mad ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon