Kabanata 18: Ating Kabanata

50 3 0
                                    

Kabanata 18: Ating Kabanata

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Kabanata 18: Ating Kabanata

KAPUWA namilipit sa sobrang sakit at panaka-nakang napahalinghing sina Ambrose at Manaow pagkatapos silang itapon ni Kahlo malapit sa tarangkahan na tila bagay na hindi na napakikinabangan. Sinikap nilang makatayo, subalit hindi pa kaya ng kanilang katawan, kung kaya’t muli silang bumalik sa pagkakahiga.

Samantala, habang lumalapit ang masamang espiritu sa kinatatayuan ng dalawang binata, itinago naman ni Henrie Kang si Thiago sa kaniyang likuran. Mas lalong humigpit ang pagkakahawak nila sa isa’t isa habang tumatahip-tahip ang kanilang puso dahil sa pinaghalong gulat, kaba, at pangamba. Dagli namang nanalangin si Thiago na sana ay dumating na ang diyos ng sining upang tulungan sila.

“’Wag kang lalapit sa ’min. ’Wag mong sasaktan si Thiago,” matigas na saad ni Henrie Kang habang patuloy pa ring pinoprotektahan ang taong mahal niya.

Mas lalong lumapad ang ngiti ni Kahlo nang dumaan sa paligid ng magkabila niyang tainga ang mga salitang binitiwan ng pintor. “Tunay ngang nakababaliw ang pag-ibig. Noon, gusto mong iligtas ang sarili mo at makalaya, ngayon, handa kang mamatay para sa kaniya. Naalala ko tuloy ang ina”—may namuong luha sa mga mata nito—“ang ina ko.” Walang ano-ano’y tumakas sa bibig ng masamang espiritu ang malakas na tawa. Mahihinuhang nasisiraan ito ng ulo.

Ilan pang sandali, tumigil si Kahlo sa pagtawa at walang kaemo-emosyong tinitigan si Henrie Kang. Maya-maya, bigla na lamang umangat sa ere ang katawan ng pintor at napahawak siya sa kaniyang leeg—kahit hindi siya hinahawakan ng masamang espiritu—kaya tuluyang napabitiw sa kaniya si Thiago. “Kang! Kang! Kahlo, pakiusap ibaba mo siya!” mangiyak-ngiyak na sambit ng binata.

Parang walang narinig ang masamang espiritu. At sa isang kisapmata’y bigla siyang nalipat sa harapan ni Thiago. Ipinuwesto niya ang kamay na napalilibutan ng itim na usok sa leeg ni Thiago. Pagkatapos, itinaas niya ito sa ere, dahilan upang mahirapang makahinga ang binata.

“Tama na, Kahlo! ’Wag mong idamay si Thiago rito!” iyon ang sigaw ni Henrie Kang habang lumulutang sa ere at sinalakay ng itim na usok. “Ako . . . ako na lang ang saktan mo!”

Sa hindi inaasahang pangyayari, bigla na lamang tumilapon sa di-kalayuan ang masamang espiritu nang dumating ang diyos ng sining na si Herpes. Dahil doon, tuluyang bumagsak sina Henrie Kang at Thiago sa damuhang maayos na tinabas habang naghahabol ng hininga. Mabilis pa sa alas-kuwatro na nilapitan nila ang isa’t isa upang magyakapan.

“Okey ka lang ba?” dali-daling nagsaboy ng kuwestiyon si Henrie Kang.

Kapagkuwa’y kumalas si Thiago sa pagkakayakap sa pintor at tumango siya bilang tugon. Pagkatapos, iginala niya ang kaniyang mga mata sa paligid. “Ang painting. Kailangan nating sunugin ang painting!” bulalas niya.

Maya-maya pa ay tuluyang lumabas si Imani sa mansyon at sorpresang napatingin sa nangyayari sa hardin. Tinakbo niya ang distansiya sa pagitan nila ng kaniyang pamangkin at mabilis siyang nagbato ng tanong: “What happened? Ayos ka lang ba, Thiago?” Kaagad naman siyang tinanguan ng binata.

The Mad ArtistTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon