Chapter 1

100 4 0
                                    

* I Dare You
By Kelly Clarkson *

Grade 7...

"Riza, pwede bang tayo na?"

Ang tanong ko sa nililigawan ko. At umaasa akong sasagutin na niya ako!

"Oo, sinasagot na kita, Chris!"

At niyakap ko naman siya dahil sinagot na niya ako!

Isang gabi, bigla na lang nawala si Riza! Pagkatapos ng tatlong araw na paghahanap sa kanya'y natagpuan siyang wala nang buhay sa tabing-ilog at mukhang nagahasa pa! Napagbintangan pa nga ako ng mga magulang niya, eh, dahil magjowa raw kami! Dinepensahan naman ako ni Papa na nasa bahay lang ako noong nawala si Riza at kalaunan nga'y lumitaw na rin ang totoong salarin sa krimen kaya nalinis ko ang pangalan ko!

Grade 8...

"Itigil mo na ito, Chris..."

"Itigil ang alin, Elaine?"

"Ito! 'Yong panliligaw mo sa'kin!"

"Bakit naman?! May mali ba akong nagawa? Sabihin mo't aayusin ko! Basta't hayaan mo lang akong ligawan ka!"

"Pero, ayoko na talaga, eh!"

"B-binabasted mo na ba ako, Elaine?"

"Uhm... Hindi naman!"

"So, ano? Bakit mo ako pinapatigil?"

"Dahil sinasagot na kita, Chris!"

Dahil sa tuwa ko'y nabitawan ko ang plastic ng softdrinks na hawak ko't niyakap siya!

Isang gabi, nakatanggap na lang ako ng balitang patay na siya. May nanghold-up daw sa kay Elaine, nanlaban siya, at sinaksak ng holdaper nang ayaw niyang ibigay ang bag niya! Naitakbo pa naman daw siya sa hospital! Pero hindi na nakaabot...

At dahil ito na pangalawang beses na namatayan ako ng girlfriend, binansagan na nila akong Lover Killer. At parang naniwala na rin ako sa kanila...

Grade 10, hindi ko inasahang muling titibok ang puso ko para sa isang babaeng nagngangalang Lorie! At nang malaman kong crush din niya ako, hindi na ako magpatumpik-tumpik pang ligawan siya! At sa bandang huli, napasagot ko rin siya!

Alam naman niya ang tungkol sa past relationships ko! Na lahat sila'y namatay! Hindi naman daw siya natatakot dahil alam niyang may isang tao raw talagang nakalaan para sa'kin na magpapatunay na hindi ako isang Lover Killer! 'Yon nga lang, kontra sa'min ang parents niya! Pero tinuloy pa rin namin ito kahit ayaw nila! Pinagtanggol pa nga ako ni Lorie sa mga magulang niya, eh, na ikinatuwa ko naman!

Ayon! Bago mag-graduation, na-diagnose siyang may cancer! At ako ang sinisisi ng mga magulang niya dahil dito!

Kahit ganoon pa man, hindi ko iniwan si Lorie! Pero mas lalong lumalala ang kondisyon niya...

"Kung mahal mo talaga ang anak ko, makipaghiwalay ka sa kanya. Kung ayaw mong makita siya sa kabaong."

Ang pakiusap sa'kin ng papa niya.

At kahit labag sa kalooban ko, nakipaghiwalay ako kay Lorie dahil sa takot na baka sumunod nga siya sa mga naging kasintahan ko...

On my college days, nag-working student ako para matustusan ang pag-aaral ko! Kulang na kasi ang kinikita ni Papa sa pamamasada ng jeep! So, wala na talaga akong time para sa lovelife, at mas nag-focus talaga ako sa part time job ko't sa'king pag-aaral!

Bees In My Stomach (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon