* Sulat By CHNDTR *
And what's playing after the MV of Flirtiger's song cover is a letter that I guess is written by Derleng based na rin sa handwriting niya!
Anong mayroon..?
["Dear Tyler Padilla,
Hi, My Tiger. Sa oras na mabasa mo ang sulat kong ito, siguro'y wala na ako sa tabi mo. Siguro'y nakalayu-layo na ako. 'Wag mo akong alalahanin, may matutuluyan na naman ako. 'Wag mo na akong hanapin. At kung malaman mo man kung nasaan ako, 'wag mo na rin akong puntahan, pakiusap lang. Hindi rin naman ako sasama sa'yo, eh..."]
Ang sabi ng voice-over ni Derleng habang may lumalabas na malalabong short clips ng contents nila ni Flirtiger na magkasama sa Pumpon at sa vlogs nila sa YouTube, pati na rin ng mga sinasabi niya..!
"Break up letter... Ni Derleng para kay Flirtiger?! Shocks! Baka hindi ko kakayanin 'to!!!"
["Sa ilang taon na'ting magkaibigan, sa ilang buwan na'tin bilang magkasintahan, masasabi kong 'yon ang mga panahong napakasaya ko. Salamat sa mga oras na magkasama tayong dalawa. Masaya man tayo noon o nag-iiyakan. Nagtatalo man o nag-aasaran. Babaunin ko lahat ng 'yon mula sa'king paglisan..."]
At parang nag-reminisce na rin ako sa moments nila na nagpe-play sa video! At hindi ko na napigilan ang sarili kong mapaiyak!
"No, not to my favorite real BL ship..! Not them..!"
["Sinulat ko ang liham na ito umaga ng aking kaarawan. Noong mga oras na nasa resto ka pa para magtrabaho dahil kulang kayo sa tao. At mamayang gabi sa pagtulog mo ako aalis. Oo. Matagal ko na itong pinaplano. Hindi ko naman sinadyang iwanan ka sa mismong araw ng aking kaarawan. Nagkataon lang na ngayon din ang 90th day simula nang ika'y atakihin sa puso.
Ang sabi ng doctor, sa loob ng 90 days na 'yon, pwedeng maulit daw ulit ito at 'yon na ang magiging katapusan mo. At ngayon ngang ika-90th day mo, mukha namang hindi na mauulit 'yon. At gagawin ko talaga ang lahat para hindi talaga mangyari ulit 'yon ngayong araw. At kung lumisan nga ako mamayang gabi, ibig-sabihin ay nagtagumpay ako sa'king misyon..."]
"No... Please..! Say that this is just for the clout..! That this is just for the content..! Hindi ko kakayanin..! Huhuhu!"
["Marahil ay nagtataka ka kung bakit nakikipaghiwalay ako sa'yo mula sa liham na ito- Hindi. Marahil ay nagtataka ka kung bakit iniwan kita nang wala man lang pasabi. Natatakot kasi akong baka kung pigilan mo nga ako'y hindi na ako umalis sa piling mo. Ayoko man, pero kailangan ko talagang gawin ito. Para sa ikabubuti mo. Para hindi ka na dumagdag pa sa listahan ko ng mga namatay na minamahal sa buhay at wala nang mangyaring masama sa'yo..."]
"Please, pigilan mo siya, Flirtiger..! May pag-asa ka pa..!"
[Alagaan mo ang sarili mo 'pag wala na ako, ah. Maghanap ka na rin ng ibang taong mamahalin na handang manatili sa piling mo't hindi ka ipapahamak. Umasa kang susuportahan kita sa kahit anumang gawin mo sa buhay. 'Wag lang ang piliting bumalik ako sa'yo dahil ikapapahamak ka lang ng pagmamahal kong ito sa'yo..."]
"Please, no..! 'Wag kang makipag-hiwalay kay Flirtiger, Derleng..! Maawa ka sa kanya..! Maawa ka sa'ming mga fans n'yo..!"
["Iniwan man kita ngayon, hindi ibig-sabihin noon ay hindi na kita mahal. Mahal na mahal nga kita, eh. To the point na kaya kitang pakawalan kung mapapahamak ka lang nang dahil sa pesteng pagmamahal kong ito sa'yo. Ganoon kita kamahal, Tyler."]
BINABASA MO ANG
Bees In My Stomach (BL)
RomanceChristopher Lee is a handsome and cute man adored by many, but he doesn't entertain them anymore 'coz he got scared as all of his previous girlfriends ended up at the hospital door. Or worst, at the heaven's gates. He already gave up on love for him...