"Okay, tapos na! Ano next song request n'yo?"
Ang tanong ko sa mga nanonood ng live ko sa Pumpon app!
'Kaakit-akit.'
Ang comment naman ni Tyler sa live ko!
"Kaakit-akit by Over October gusto mo, Tyler? Sige ba!"
At naghanap na nga ako ng karaoke version nito sa YouTube!
* Kaakit-akit by Over October *
At habang nasa intro pa lang ang kanta'y tumingin muna ako sa comment section kung saan ang ingay nila! Tinanong ko naman sila kung bakit! Pero nang mag-flash na ang lyrics ay doon na ako mas nag-focus dahil hindi ko masyadong kabisado ang lyrics ng kantang 'to! At hina-hum ko na nga lang 'yong part na bad word dahil baka ma-ban ako sa Pumpon! Hahaha!
Pero ganoon pa rin! Tinatawanan pa rin nila ako at hindi ko alam ang dahilan! Medyo nawiwirduhan na nga ako sa kanila, eh!
Nang matapos na ang kanta, saka ko sila tinanong ulit!
"So, ano 'yon? Bakit kayo tumatawa sa live ko? Wala naman akong dumi sa mukha, ah! Wala ba ako sa tono?"
At inulan ng laughing emoji ang comment section ko!
Hanggang sa may isang may mabuting puso na sumagot sa tanong ko!
"May bumabanat po sa comment section n'yo kanina pero hindi n'yo po ma-timing-an."
Ang pagbasa ko sa comment ng isang viewer ko!
"Ay, parang kilala ko na kung sino 'yan!" At tumawa ako!
"Tyler, magparamdam ka na! Tapos na akong kumanta, parinig na ako ng banat mo!" At tumawa ulit ako! Hahaha!
Pero walang Tyler na sumagot sa comment section!
"Mukhang nagtampo na po ang ating malanding tigre mga Pumponeros at Pumponeras! Hahaha!"
At nakitawa naman sila sa'kin sa comment section! Hahaha!
"Tara, tingnan natin kung nanonood pa ba siya o umalis na talaga!"
At tiningnan nga namin sa viewers count kung nandito pa si Tyler!
At nandito pa nga siya't hindi pa umaalis!
"Tyler, alam naming nandito ka pa! Please, pagalawin mo na ang baso! Hahaha!"
Pero ayaw pa rin talaga niya! Hahaha!
"Dali na, Tyler! 'Wag ka na po magtampo d'yan! Hindi mo ba nagustuhan 'yong kanta ko? Para sa'yo 'yon kasi ikaw nag-request n'on!"
At sa wakas, nag-comment na rin siya! Hahaha!
'I like it.'
"Ay, parang ang bitter naman n'yan! Parang napilitan ka lang na sabihing maganda 'yong kanta ko!" Pang-aasar ko pa sa kanya sabay tawa! Hahaha!
'I really do like it! 🥰😍❤'
At natawa na lang ako sa comment niya! Hahaha!
"So, ano nga 'yong banat mo sa'kin kanina?"
'There is?'
At ang mga viewers ko ang sumagot sa tanong niya! Hahaha!
"Oo! Mayroon daw sabi ng mga viewers ko!"
BINABASA MO ANG
Bees In My Stomach (BL)
RomanceChristopher Lee is a handsome and cute man adored by many, but he doesn't entertain them anymore 'coz he got scared as all of his previous girlfriends ended up at the hospital door. Or worst, at the heaven's gates. He already gave up on love for him...