Chapter 10

65 2 0
                                    

'Derleng, I dare you to reveal who's Flirtiger's crush is! (Kahit alam na namin kung sino talaga 'yon! 🤣🤣🤣)'

'Guys, itigil n'yo na ang kaka-dare kay Derleng na i-reveal kung sino ang crush ni Flirtiger! Label reveal na lang nila ni Flirtiger ang i-dare natin sa kanya! 🤣🤣🤣'

"Derleng, I dare you to do a song cover and make an MV for it, too, just like what Flirtiger did in his Tuwing Umuulan cover!"

Ang pagbasa ko sa comment ng isa sa mga followers ko habang kinukuhanan ko ng video ang sarili ko!

"Kahit anong kanta okay lang, 'di ba? At gusto mo katulad ng ginawa ni Tyler? Challenge accepted!"

"Nakapag-record na ako ng song cover, at nandito na rin kami sa kung saan namin ishu-shoot ang MV! Tapos mag-eedit pa ako! So, konting hintay lang, ah!"

* Sining by Dionela
Feat. Jay R *

At naglibut-libot na nga kami sa buong museum habang kinukunan si Cath na ginawa kong bida sa MV ko! At katulad nga sa ginawang MV ni Tyler, POV ito ng ka-date niya! Ang twist, nahimatay ang lalaking ka-date niya sa dulo! Hahaha!

"Ang ganda po ng ginawa n'yong cover at MV."

Ang pagbasa ko sa isang comment sa live ko!

"Ay, salamat naman po't nagustuhan n'yo ang gawa ko! Maraming salamat po!" Sabi ko pa!

"Derleng, sino 'yong bida sa MV mo? Si Cath, Catherine Padilla! Nakababatang kapatid ni Tyler! Ganda, 'no?"

"Ano username niya? padilla_cathcath, small letters lahat! 'Yan gamit niya sa Pumpon, IG, at X app! Sa FB naman, 'yong full name niya!"

"Ay, sayang, may jowa na. No, hindi pa sila. Nasa dating stage pa lang sila, but they're going there someday!"

"Si Sir Noel- oo, si Sir Noel ang dine-date niya ngayon na owner ng Palpitaste at ang gustong tumayong tatay ko 'pag kinasal ako! Kaya Dad na rin ang tawag ko sa kanya ngayon! Hahaha!"

At nagwala sila sa comment section! Hindi dahil sa nakumpirma nilang si Dad nga ang dine-date ni Cath, kung hindi dahil sa sinabi kong kasal ko! Hahaha!

"Guys, kalma! Hindi pa ako ikakasal, wala pa akong papakasalan at ayoko pang magpasakal!" Biro ko pa sa live ko't tinawanan ko pa sila! Hahaha!

"If ever, kanino mo gustong magpakasal? Sa babae o sa lalaki?"

Ang pagbasa ko sa comment ng isang viewer ko!

"Uhm... To be honest, okay lang sa'kin kahit ano basta mapatibok niya lang ulit puso ko." Sagot ko naman sa kanila!

At nagwala ulit sila dahil hindi raw nag-match ang sagot ko dati noong tinanong nila ako kung gusto ko raw bang magpakasal o hindi sa sagot ko ngayon!

Ang sagot ko raw kasi dati sa kanila'y ayoko na't sawa na akong masaktan at napaka-bitter ko raw that time! Ngayon naman daw ay parang may laman daw ang sagot ko! Hahaha!

"Syempre! Kahit papaano, ayoko rin namang tumanda mag-isa! Malungkot daw sabi ni Dad kaya noong natipuhan siya ni Cath, nag-set agad kami ng date para mag-meet sila personally!"

"Oo, si Cath ang unang nag-first move kay Sir Noel na Dad ko na ngayon! Hahaha!" Ang sagot ko sa tanong ng isang viewer ko!

"Ilang taon agwat nila? Uhm... 51 si Dad, tapos ka-edad ko naman si Cath which is 27, so... 24? Tama ba?"

Bees In My Stomach (BL) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon