CHAPTER 4

1.7M 38.6K 13.1K
                                    

CHAPTER 4

"SAGUTIN mo ako, Them. Magkano ba?" Tanong ulit ni Shun sa kaniya habang siya ay namimilog pa rin ang mga mata at hindi alam ang isasagot sa lalaki.

A lap dance? Crap! Bakit ba hinihiling ng lalaking 'to na i-lap dance niya ito? Baliw din, e.

Tumikhim muna siya bago nagsalita. Masubukan nga ang lalaking 'to. "Half million for a lap dance."

Hellion didn't even blink. Mabilis ang naging tugon nito. "Deal."

Umawang ang labi niya. "For real?"

Akala niya hindi ito papayag kaya naman nagbigay siya ng halaga. Themarie thought Hellion was just bluffing. I mean he's pretending to be a poor bartender ... right?

"Yes."

Napailing-iling siya. "You're unbelievable."

"Kapag may gusto akong bagay, gagawin ko lahat makuha lang 'yon. Even if it means i have to pay half million just to get it." Seryusong sabi nito.

Sumandal siya sa likod ng upuan. "Paano kong ayoko?"

His brow quirks up. "Ayaw mo nga ba? You already give a price."

Napipilan siya. Nakikita ba nito sa kislap ng kaniyang mga mata na gusto niya? Did he see the flash of desire that shadowed her eyes seconds ago?

Huminga siya ng malalim saka inilahad ang palad. "My phone please."

Kinuha nito ang cell phone niya sa bulsa ng pantalon nito saka inilagay iyon sa mga palad niya.

"Thanks." Tumayo siya saka tumingin sa mga mata nito. "Pag-iisipan ko ang hinihiling mo. I was just kidding earlier." Kinuha niya ang katakam-takam na soup na nasa mesa. "Sakin na 'to, hell boy."

Naglakad siya palayo kay Hellion.

"Oi, 'yong lalagyan ng soup huwag mong dalhin." Hellion shouted after her.

Napatitig siya sa lalagayan ng soup. Wow. Ang ganda naman. Puwede nang ipagbili 'to sa mga Antique shop. Akin na 'to.

"Sakin na 'to, hell boy." Sabi niya saka mabilis na umalis sa Thai Cuisine Floor.

Nang makalabas siya sa Délicieux Restaurant, napatigil siya ng makita si Honey na nakasakay sa Ducati nito. She's wearing a helmet. Hindi niya makita ang mukha nito, pero nang makita niya ang plate number ng Ducati, kaagad siyang nagka-ideya kung sino 'yon.

And the color gray leather over all suit shouts Honey.

Honey is one of her best friends. Ang isa ay si Amethyst. At silang magkakaibigan ay narito lahat sa Pilipinas para sa misyong ibinigay sa kanila.

"Hop in, pretty lady." Sabi ni Honey na pinalalaki ang boses.

Napailing-iling siya saka mabilis na sumakay sa Ducati nito at niyakap si Honey mula sa likuran. And as they drove off, Them was thinking about Hell boy's offer.

Papayag ba siya? It's just a freaking lap dance.

NAGDILIM ang mukha ni Shun ng makita si Themarie na sumakay sa isang Ducati. She even hugged the driver tightly. Was the driver her live-in partner or a boyfriend, maybe? Fuck! Why is his heart tightening inside his fucking chest? Why is he feeling pissed off?

Pilit niyang pinakalma ang sarili. May lunch meeting pa siya sa isang DSWD personnel. Kailangan niyang kumalma.

Ilang beses siyang huminga ng malalim bago sumakay sa Hammer niya. He have this strong urge to follow Them, but why? Kaya pinilit niya ang sarili na kabigin ang monabela patungo sa Restaurant kung saan siya may ka-meeting.

POSSESSIVE 8: Shun KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon