CHAPTER 21
NANG makarating si Shun at ang mga kaibigan niya sa Tuscany, kaagad na naghanap sila ng Hotel. At sa hindi malamang kadahilanan ni Shun, isa lang ang kinuhang silid ng mga baliw niyang kaibigan samantalang sobra sampu ang bilang nila.
"Don't look at me." Ani Lash na nakataas ang dalawang kamay sa ere. "Ang mahal kaya ng room sa Hotel na 'to."
Shun gaped at his friends. "Ang yayaman niyo tapos namamahalan kayo?"
Umingos si Ymar. "Ikaw ang mandurugas sa aming lahat kaya sagot mo ang room na 'to."
Itinirik niya ang mga mata. "Ewan ko sa inyo."
Pumasok siya sa banyo at naligo. Nang lumabas siya ay naka-ahit na at guwapo na ulit. He's wearing only a boxer. Ang mga baliw kasi niyang kaibigan, nakalimutang dalhan siya ng damit. Ano ngayon ang isusuot niya? Alang naman naka-boxer lang siya kapag nakipag-usap sa ama ni Themarie?
Tumaas ang dalawang kilay niya ng makitang may hawak na tuxedo si Knight. At mas lalong nagsalubong ang kilay niya ng i-abot sa kaniya ni Knight ang tuxedo.
"Anong gagawin ko riyan?" Nagtatakang tanong niya.
"Kainin mo baka masarap ang tela." Sarkastikong sabad ni Valerian.
Shun flipped Valerian with his middle finger and looked at Knight. "Anong paggagamitan ko niyan?"
"Isusuot mo 'to kapag nakipagusap ka sa Duke. Alang naman denim jeans ang isuot mo at sneakers? Pupunta ka sa palasyo at kakausapin ang ama ng babaeng mahal mo, kailangan magpa-impress ka." Knight smirked. "And this tuxedo is made to impress."
Huminga siya ng malalim at tinanggap ang Tuxedo. Nagbihis siya sa harapan mismo ng mga kaibigan niya na walang pakialam kahit pa yata maghubad siya.
After putting on the Tuxedo, he faced his friends. "Better?"
May inilapag na Italian shoes si Calyx sa sa harapan niya. "Plus that shoes? Much better."
Natatawang isinuot niya ang sapatos at humugot ng isang malalim na hininga.
"Ready?" Tanong ni Dark.
Tumango siya. "As i can ever be."
"Good." May iniabot ito sa kaniyang susi. "'Yan ang susi ng sasakyan na nirentahan ko para magamit mo. Pag-uwi natin sa Pilipinas, babayaran mo ako ng may doble pa sa nirenta ko."
"Okay. Thanks." Tinanggap niya ang susi. Hindi na niya naisip na kinukutugan siya ni Dark. Bahala ito sa buhay nito basta makita lang niya si Themarie.
Shun was about to twist the door open when he heard his friends murmuring 'Good luck' and 'you can do it'.
It was weird but at the same time, it made him feel at ease. Halos kalahati sa mga kaibigang kasama niya ngayon ay pinagdaanan na ang pinagdadanan niya. Nasaktan at nakipaglaban ang mga ito para maging masaya. They lower their egos and pride for the woman they love. And now, it's his turn to fight for his happy ending.
And he will win. No matter what.
ANOTHER day had passed and still no sign of Shun Kim. Araw-araw ay umaasa siya na darating ito pero ni anino nito ay hindi dumating.
Sinubukan niyang tumakas, pero masyadong madami ang body guard na palagi niyang kasama kaya hindi niya nagawa. Sinubukan niyang kunin ang cell phone niya na nasa pangangalaga ng kaniyang ama pero bago pa niya mahawakan ay naunahan siya ng kaniyang ama na binabantayan din pala ang naturang gadget.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 8: Shun Kim
General FictionShun Kim had wide range connection when it comes to getting information. He would know ones deepest and darkest secret in just a snapped of his finger. He was the kind of man that someone never dreamt of lying because he'll know even before you spok...