CHAPTER 24

1.6M 37.5K 7.6K
                                    

A/N: I dedicate this to all SILENT READERS! Thank you so much for the READS <3 Love you, Silent CCBells. - C.C.


CHAPTER 24

"HERE you go, babe," inilapag ni Shun ang medyo mainit pang gatas sa ibabaw ng bed side table. "Inumin mo, okay? Sabi ng Ob-Gyne mo ay kailangan ni baby ang gatas."

Czarina is Themarie's Ob-Gyne. Hindi niya hahayaang lalaki ang magpa-anak sa asawa niya.

"Hell boy, ayokong inumin ang gatas na 'yan!" Naiinis na tugon ni Themarie saka nagtalukbong ng kumot.

Napailing-iling nalang siya. Tatlong buwan na ang tiyan ni Themarie at may mood swing na ito. At siya palagi ang napagbubuntunan. Walang nangyari sa balak nilang Honeymoon.

"Iiwan ko lang dito ang gatas." Aniya saka umalis sa silid nila.

Shun went to the first deck of Black pearl cruise ship to breathe some fresh air.

After their wedding two days ago, napagdesisyonan nila ni Themarie na mag-honeymoon sa Black Pearl cruise ship na umiikot ngayon sa buong Asya. And it's for free.

It's Lash and Lath's wedding gift. Yes. Ganoon ka kuripot ang dalawang 'yon.

"Dapat nasa tabi ka ngayon ng mahal mong asawa." Anang boses mula sa tabi niya.

Binalingan niya ang nagsalita, hindi niya alam kung si Lath o Lash ito. Wala kasi itong suot na sunglasses. Lath loves sunglasses.

"It's Lash." Imporma nito sa kaniya.

Ibinalik ni Shun ang tingin sa karagatan. "Themarie is three months pregnant. She had mood swings and all that pregnant stuff. At saka simula ng sumakay kami sa cruise ship na 'to, ayaw niyang magpahawak sakin. Ayoko namang puwersahin siya."

Lash snickered beside him. "The life of a married man." Bumuga ito ng hangin. "So, tigang ka ngayon."

Nagkibit-balikat si Shun. "Yeah."

"Nasaan naman ngayon ang asawa mo?"

"In bed. She was vomiting this morning." Worry crossed his face. "Nag-aalala ako sa kaniya kanina. Hinang-hina siya habang sumusuka. I want to punch myself for being so useless. I was just standing there, walang magawa."

Mahinang tumawa si Lash. "Tatlong buwan palang 'yan. Ano pa kaya kapag narinig mong sumigaw sa sakit ang asawa mo habang nanganganak. I'm sure magwawala ka."

Shun shudder in fear. "Damn. How did our married friends survive that ordeal?"

"Malay ko. Malalaman mo kapag nanganak ang asawa mo."

To be honest, Shun is afraid for that day to come. Ayaw niyang makitang nasasaktan ang asawa niya. He loves Themarie so much.

Lash patted his back. "Chill. Three months palang. May anim na buwan ka pa para sisihin ang sarili mo." He chuckled, parang siyang-siya ito sa pinagdadaanan niya. "This should be fun to watch."

Shun rolled his eyes and sighed. "Bakit kaya ayaw niyang hawakan ko siya?"

"Baka nauntog na ang asawa mo at nagising na siya sa katutuhanang hindi ka pala niya mahal talaga." Sagot ng bagong dating na si Lath.

Pinukol niya ito ng masamang tingin. "Gusto mong malunod? Kaya kitang itulak."

Tumawa si Lath. "Pikon ka talaga, Shun. Hindi ka naman dati ganyan. Ang nagagawa nga naman ng pag-aasawa." He tsked.

He rolled his eyes and left the first deck. Baka nga maitulak niya si Lath.

Sino ang hindi mapipikon? Themarie loves him, damn it!

POSSESSIVE 8: Shun KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon