CHAPTER 22
BUMILIS ang tibok ng puso ni Themarie ng makita ang kaniyang ama na papalapit sa harden. Hindi niya alam kung dahil iyon sa takot, pangamba para kay Shun o dahil sa kabang nararamdaman. Nasaan na kaya si Shun? Hindi ito kasama ng Daddy niya.
Did her father throw Shun out? No!
"Daddy, where's Shun?" Kaagad na tanong niya ng makalapit sa kanila ni Terron ang kaniyang ama.
Tumingin sa mga bulaklak ang kaniyang ama saka nagsalita. "That man doesn't deserve you, Themarie."
Parang nahulog ang puso niya at nagkapira-piraso. "What did you do to him, Dad?" Nangumpisa nang malaglag ang mga luha niya. "You said if he came back—"
"I know what i said, Themarie." Putol ng ama niya sa iba niyang sasabihin. "Before i gave you any information about Mr. Kim, i want us to go to an Ob-gyne clinic. I want to know for myself that you are really pregnant." May kakaibang kislap ang mga mata nito na hindi niya kayang intindihin. "Go to your room and change." Tinalikuran na siya nito, "Terron, come with me to my office."
Walang nagawa si Themarie kundi ang makinig sa kaniyang ama. Si Terron ay walang imik na sumunod dito at siya naman ay nagtungo sa kaniyang silid na laglag ang balikat at basa ang pisngi ng luha.
Themarie pushed open her door and step inside her room. Pakiramdam niya ay may pumipiga sa puso niya at napakasakit niyon. Narito na si Shun. Nagbalik ito. Pero bakit hindi siya nito kinausap? Things could have been different if he just talks to her first.
Does he love her at all? Like what he said? Maniniwala ba siya? Should she dare herself to hope for her happy ever after ending?
Nag-usap na ang Daddy niya at si Shun. I don't know what happened inside Dad's office but I'm pretty sure the answer is negative. At kapag nalaman ng ama niya na hindi naman talaga siya buntis, siguradong tuloy ang kasal—
"Tatayo ka nalang ba riyan?"
Napaigtad at napasinghap si Themarie ng marinig ang pamilyar na boses ni Shun. Hinanap ng mata niya ang pinanggalin ng boses nito.
And there he is, comfortably lying in his bed. Pinagkrus nito ang braso sa likod ng ulo nito at ginawang unan, may ngiti ito sa mga labi at ang mga mata nito ay may kislap na kasiyahan na makita siya at naroon din ang pagmamahal nito sa kaniya.
"Hell boy..." ayaw kumurap ni Themarie sa isiping baka halusinasyon lang niya ang binata.
Shun chuckled and then patted the space beside him. "Come here, babe."
Kaagad siyang lumapit sa kama niya at nahiga sa tabi ng binata. If this is just her hallucination, he felt so real. He felt so good. So damn good.
"Babe," patigilid na humarap sa kaniya ang binata at masuyong hinaplos ang pisngi niya. "I'm sorry i left." Puno ng pagsisisi ang mga mata nito.
"Pero bumalik ka." Pabulong na sabi niya. "Am i hallucinating?"
Mahina itong natawa. "Hallucinating? Babe, I'm wounded. I'm real you know."
Matiim niyang tinitigan ang binata saka sinapo ang mukha nito. He is real! "Akala ko umalis ka na. Sabi ni Daddy hindi ka nararapat para sakin, so, i assumed that he sent you away."
Shun grinned. "Sabi ng Daddy mo sakin, hintayin kita rito sa kuwarto mo at pasayahin ka sa abot ng aking makakaya. Of course, who am I in to turn him down? Gusto kong ma-impress siya kaya umo-o kaagad ako, it's not like it's hard to do. Gagawin ko ang lahat maging masaya ka lang, hindi ko kailangan ang Daddy mo para pagsabihan ako."
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 8: Shun Kim
Ficción GeneralShun Kim had wide range connection when it comes to getting information. He would know ones deepest and darkest secret in just a snapped of his finger. He was the kind of man that someone never dreamt of lying because he'll know even before you spok...