CHAPTER 19

1.5M 34.2K 8.2K
                                    

CHAPTER 19

HINDI makapaniwala si Themarie na magkapareho sila nang boss ni Shun. Lord Vandreck sent Shun to kill Chi Wong, and he sent her to kill and stole from Chi Wong. Ganoon din ang nangyari sa kapatid nitong si Zy Wong.

Siya ang nagnakaw, si Shun ang pumatay. Napailing-iling siya.

"What now?" Tanong ni Themarie kay Shun habang nasa loob pa rin sila ng sasakyan na nakaparada sa gilid ng kalsada.

"Sasabihin natin kay boss ang nalaman natin. Mission accomplished. 'Yon lang naman ang pinapagawa niya diba? Wala siyang sinabing patayin o wasakin ang sindikato."

Tumango siya saka bumuga ng marahas na hangin. "Yeah. Mission accomplished." Parang may kumurot sa puso niya ng maisip na baka uuwi na ito sa Pilipinas ngayong tapos na ang misyon nilang dalawa. "Uuwi ka na?" She felt like choking.

Tumango si Shun. "Oo. Ano pa ang gagawin ko rito? I don't want to see you get married to another guy, so I'm leaving."

"Iiwan mo ako." It wasn't a question.

"Iniwan mo rin naman ako noon." Shun pointed out. "Patas na tayo."

Her heart broke. "So you want to get even? 'Yon ba ang dahilan kaya niyakap mo ako at hinalikan?"

Mapaklang tumawa si Shun. "Themarie, kung alam mo lang ang nararamdaman ko at kung ano ang laman ng isip ko, hindi mo masasabi ang bagay na iyan."

Bumaling siya sa binata. "Kung ganoon sabihin mo sakin kung anong nararamdaman mo." Sabi niya na para bang napakadali niyon gawin.

Malungkot na ngumiti ang binata. "What's the use, Themarie? Kahit naman anong gawin ko, ikakasal ka pa rin. Sasaktan lang natin ang isa't-isa kapag hindi pa tayo maghiwalay ngayon. Or are you willing to abandon everything here and come back to the Philippines with me? Kung kaya mong iwan ang lahat dito sa Tuscany para sa sumama sakin, ipagsisigawan ko ang nararamdaman ko para sa'yo."

"I can't abandon my father and country. I'm sorry. Hindi ako pwedeng sumama sa'yo sa Pilipinas." Responsibility before love. Kinagat niya ang pang-ibabang labi para pigilan ang luha na gustong kumawala sa mga mata niya. She feels like her heart is being wrench away from her ribcage. It hurts so much. "Wala akong ibang kapatid. Ako lang ang tagapamana ni Daddy. Siguro nga dapat ka nang umuwi," Parang pinipira-piraso ang puso niya habang nagsasalita. "hindi ako puwedeng sumama sayo."

"Okay." Walangemosyon ang mukha nito pero puno naman ng sakit ang kislap ng mga mata nito."Uuwi na ako sa Pilipinas. Tapos na ang pakay ko sa bansang ito. I don't belong here, Thems," he exhaled loudly and pain shadowed his eyes, "and as much as it pained me, you don't belong to me either."

Umiling siya, ngayon ay namumuo na ang luha sa mga mata niya. "Huwag mong sabihin 'yan. Shun, I love y—"

"Stop torturing me, Themarie!" Sigaw nito sa kaniya, ang mga mata nito ay nagmamakaawa at nababasa niya ang sakit na nakapaloob do'n. "Tama na. Masakit na. Okay, you love me, but what can those three words do? Wala! Kahit pa hanggang langit ang pagmamahal mo sakin, walang mangyayari. Sasaktan lang natin ang isa't-isa. You are breaking my heart without you knowing it. Jesus, Themarie! I want to fight for you, i really do. But how can i fight when in the first place, you weren't mine to begin with. Give me some fucking break. I already went insane searching for you; i don't want to totally lose my sanity now that I'll lose you. I'm barely hanging on my sanity. Sa tingin mo ayos lang sakin na ikasal ka sa iba?!" Puno ng galit at selos ang mga mata nito. "Masakit na masakit na isiping ikakasal ka sa iba. Bakit? Dahil mahal na mahal kita, Themarie Alfonso! Mahal na mahal! Kahit pa nagsinungaling ka sakin, kahit pa pinagmukha mo akong baliw at tanga, kahit pa sinaktan mo ako ng hindi mo namamalayan, mahal na mahal pa rin kita. So please, i beg you! If you can't be with me, don't tell me that you fucking love me."

POSSESSIVE 8: Shun KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon