EPILOGUE

2.3M 48.5K 11.4K
                                    

A/N: I dedicate this to THEMARIE ALFONSO for letting me use her name. I hope you find your very own SHUN KIM in the future. Thank you so much for the friendship and i'll treasure you always. You are not just a reader to me, you are a friend and i hope to see you soon. - C.C.


EPILOGUE

Seven Months Later - Black Pearl Cruise Ship

"SHUUUUUUUN!" Parang hinahati sa sakit ang tiyan ni Themarie habang sumisigaw ng malakas. She was screaming her husband name as the pain in her stomach intensified.

She's laboring. In a cruise ship! At naghahanap pa ng Doctor ang asawa niya.

Oh hell! Paano kung walang Doctor sa cruise ship na 'to? Kasalanan 'to lahat ng Shun. Nuong isang buwan pa niya gustong umuwi sa Pilipinas, pero ayaw nito, dadaong naman daw ang barko sa Pilipinas bago siya manganak.

Buwesit! Bakit ba nakinig siya rito?

"Shun! Shun!" Hinawakan niya ang tagiliran habang kagat ang labi sa sobrang sakit na nararamdaman.

Mahihimatay siya sa sobrang sakit.

"Shun!"

"Babe!" Humahangos na pumasok si Shun sa silid na inuokupa nila saka pumuwesto sa paanan niya. "May babaeng Doctor daw dito. Pero hinahanap pa nila Lash at Lath." Puno ng pag-aalala ang boses nito. "Babe, oh God. Are you okay?"

Umangat ang paa niya at sinipa ito na kaagad naman nitong nasalag.

"Buweset ka!" Humilab ulit ang tiyan niya at napasigaw siya sa sakit. "Nagtatanong ka kung okay lang ako?! Tingnan mo nga ako at sabihin mong okay lang ako! Kasalanan mo 'to- Araaaaaaay!"

Shun kissed her trembling knees. "I'm sorry, babe."

Themarie breathing ragged as she tried to fight the pain. Nasapo niya ang tiyan ng maramdamang parang nilabasan siya ng likido sa kaniyang pagkakabe.

"Oh God." Themarie looked at Shun in panicked. "Shun, ang panubigan ko!"

Nakaawang ang bibig na bumaba ang tingin ni Shun sa pagkababae niya. Puno ng pag-aalala at takot ang mukha nito habang nakatingin doon.

"Hell boy-"

"Lalabas na ba siya?" May takot sa boses nito.

Themarie bit back a scream of pain as her hands tightened around her stomach. "Nararamdaman ko na siya, Shun." Habol niya ang hininga habang ang puno ng pawis ang buong katawan niya. "Lalabas na yata siya, Shun."

"Fuck!"

"Kasalan mo 'to!" Themarie was now in full panic. "Kung umuwi na tayo sa Pilipinas-anong ginagawa mo?" Pinandilatan niya ang asawa na ang isang kamay ay nasa tiyan niya ang isa ay nasa pagkababae niya.

"Push, babe. Nakikita ko na ang ulo ng bata. Baka mapano siya." Anito habang nakaluhod sa nakabuka niyang mga hita. "Umire ka. Sige na. Dadating na ang Doctor, but now, you need to push."

Kinagat niya ang pang-ibabang labi saka malakas na umere.

"Shit!" Shun cursed. Umangat ang kamay nito na nasa pagbabae niya para tuyuin ang pawis nito sa nuo.

Themarie gasped when she saw blood coating his hand. "Shun-"

"Umire ka, babe. Umire ka." Utos ng asawa niya.

Mariing ipinikit ni Themarie ang mga mata saka malakas na umire ng umire. Nawawalan na siya ng lakas pero kailangan niyang umire. Naliligo na siya sa sariling pawis pero itinulak pa rin niya ang sarili na umire.

POSSESSIVE 8: Shun KimTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon