CHAPTER 9
"YOU did what?!" Honey shouted at Themarie when they met in a secluded place outside Bachelor's Village. "Please, tell me, na nasa tama kang pag-iisip nang magdesisyon kang tanggapin ang alok niyang sa bahay ka na niya tumira. For all we know, he might be doing the same thing as you. Maybe he's spying on you too! God, Themarie, are you using your effing brain?"
Huminga siya ng malalim. Hindi ganoon katalino ang naging desisyon niya. Alam niya iyon. "I know my decision is not that smart, but that's okay. I mean, ngayong sa bahay na niya ako nakatira, mai-spiyahan ko rin siya. I can search through his house when he's not there."
Umiling-iling si Honey, halatang hindi ito sangayon sa sinabi niya. "You will get yourself killed, Them."
"Hindi ako mamamatay." Ngumiti siya. "I can do this, Honey."
"Whatever." Umatras si Honey ng dalawang hakbang. "Just call me when you need help."
Nakangiting tumango siya. "I will."
Nang makalayo sa kaniya si Honey, naglakad siya papasok sa Bachelor's Village. Hinarang siya ng Security Guard.
"I.D. ma'am." Anang Guard.
Inilabas niya mula sa bulsa sa likod ng fades jeans ang binigay sa kaniyang VIP I.D. ni Hell Boy. He said this will serve as her get pass.
"Heto ho."
Nang makita ng Guard ang ID, mabilis itong umalis sa pagkakaharang sa daraanan niya at iminuwestra ang kamay sa malaking gate ng Village.
"Pasok ho kayo, ma'am." Anito.
Magiliw siyang ngumiti saka pumasok. Hindi kalayuan ang bahay ni Shun mula sa gate kaya naman madali siyang nakarating sa distinasyon.
Hell Boy wasn't there when she arrived in the house. Nag-iwan lang ito ng note sa pintuan ng kuwarto nito.
The note says 'Hey, honey. May Board Meeting ako. I'll hurry back to you, don't you worry :)'
Kinilig siya sa nabasa. Sheyte naman oh! Nakakainis. Kahit anong sabi niya sa sarili na ginagawa niya ito para sa trabaho, kinokondena naman siya ng katawan niya. Her mind shouts work while her body shouts pleasure.
Why am i so messed up? Urgh!
Ibinulsa niya ang note saka bumalik sa sala.
Time to work.
Binusisi niya lahat ng sulok na puwedeng pagtaguan ng mga bagay-bagay na dapat ay tinatago pero wala siyang mahanap. Maliban sa Revolver na nasa closet nito, wala na siyang makitang kahina-hinalang bagay sa loob ng bahay.
Fuck! Imposibling wala siyang makita. Shun Kim is an agent. But an agent of what? Baka kalaban nila ang organisasyon na pinagmulan nito, iyon ang kinakakaba niya. Kaya kailangan niyang malaman kung sino ba talaga si Shun Kim/Hellion.
Umupo siya sa gilid ng kama at huminga ng malalim.
Why the fuck am i doing this? Tanong niya sa sarili.
Humiga siya sa kama at tumitig sa kisame. She's living in with Hell boy now. What to do?
Napabalikwas siya ng bangon ng marinig na bumukas ang pinto ng bahay ni Hell Boy. She was trained to hear from a far.
Mabilis siyang lumabas ng silid at sinilip sa hagdanan kung sino ang pumasok. Nakahinga siya ng maluwang nang makitang si Hell boy ang pumasok.
Tumakbo siya palapit sa binata at biglang yumakap dito.
BINABASA MO ANG
POSSESSIVE 8: Shun Kim
General FictionShun Kim had wide range connection when it comes to getting information. He would know ones deepest and darkest secret in just a snapped of his finger. He was the kind of man that someone never dreamt of lying because he'll know even before you spok...