Tahimik na kumakain sila nang agahan. Kasama nila ang ina ni Lucius sa hapag habang wala naman ang ama nito. Hindi naman nagsasalita ang babae at parang ayaw naman bumuka nang bibig niya.
Nang matapos naman sila ay nagpaalam muna siya sa ina ni Lucius bago sila lumabas hapag. Tumango lang naman ito sa kanya. Isang linggo na simula nang tumira siya sa Noctrisrealm. Nakakalibot din naman siya minsan kapag kasama si Lucius. Kung wala ito ay si Liwayway lang ang kasama niya o kausap.
"We're leaving for Verdant later." Sabi ni Lucius nang makapasok sa kanilang kwarto.
Verdant? Parang pamilyar ang lugar na iyon sa kanya. Saan niya ba narinig iyon?
"Mamaya na agad?" Tanong niya dito.
"Yeah. I'll tell the maid to pack your things." Hinagod nito ang kanyang buhok.
"Ano, ako na lang ang magliligpit." Sabi niya dito. "Ano ang gagawin natin doon?" Tanong niya dito.
"You like to visit a city, right?" Pagkokompirma nito sa kanya. "I'll bring you there."
"Really?!" Hindi makapaniwalang tanong niya dito.
Hindi niya mapigilan ang ma-excite dahil sa sinabi ni Lucius. Naalala niya na may sinabi siya dito na gusto niyang pumunta sa syudad dahil hindi pa siya nakakapunta doon. Dahan-dahan na tumango naman ito sa kanya.
"Uhm, si Liwayway pala—"
"I asked her and she said she'll go to Elderglen until we come back here." Sagot naman ni Lucius.
So, silang dalawa lang ang aalis? Nawala naman ang attention niya kay Lucius nang may kumatok.
"My Lord, it's Calius." Narinig niya ang boses nito.
"Aayusin ko lang ang mga gamit ko." Sabi niya at tumayo na.
"Don't bring a lot. We'll buy your clothes there." Sabi nito sa kanya bago tumayo at pumunta sa pinto
Pumasok siya sa kanilang closet at kinuha ang kanyang bag. Naglagay siya nang ilang damit at mga gamit na kakailanganin niya. Nang matapos na ay nilabas niya ang kanyang bag. Pumasok naman si Liwayway sa kanilang kwarto habang pakanta-kantang lumilipad ito. Mukhang maganda ang mood nito ngayon.
"Liwayway! Saan ka ba nagpunga kanina? Wala ka sa kwarto mo." Sabi niya nang makalapit ang pixie sa kanya.
"Naglibot lang ako 'no!" Sabi nito.
"Hindi ka daw sasama samin?" Tanong niya dito at hinayaan na umupo ito sa kanyang unan.
Mabilis na umilinh naman ito at ngumiti nang malapad sa kanya.
"Babalik muna ako sa Elderglen." Masayang sabi nito.
Hinayaan niya na lamang si Liwayway. Alam niya naman na namiss nito ang Elderglen at mas gusto nitong bumisita doon kaysa sumama sa kanila ni Lucius. Saktong umalis na si Liwayway nang pumasok naman si Lucius. Napakunot ang noo niya nang makita ang madilim na mukha nito. May nangyaring masama ba?
"Okay ka lang?" Tanong niya at nilapitan ito.
"Tapos mo nang ayusin ang mga gamit mo?" Hindi nito sinagot ang kanyang tanong.
"Oo." Sagot naman niya habang nakatingin dito. "Ako na lang ang mag-aayos nang gamit mo." She said to him.
His face softened. Nawala din ang pagkunot nang noo nito at umaliwalas ang mata nito kompara kanina na para 'bang may kalaban ito.
"May nangyari ba?" Tanong niya dito at hinawakan ang pisngi niyo.
"I'm fine." Bahagyang ngumiti ito.
BINABASA MO ANG
Beneath the Vampire King's Desire
VampireHe is darkness; she is light. He embodies rage, while she represents kindness. He evokes fear, she brings calmness. They come from two entirely different worlds. Lucius Thorin Ravenscroft is notorious for his ruthless, demonic methods. His name s...