Chapter 53

137 9 9
                                    

I sat by the window, my book resting in my lap as my fingers absentmindedly reached for the bowl of peanuts beside me. I popped one into my mouth as the soft crunch breaking the quiet as my eyes scanned the words on the page. I would pause, my gaze lingering on a line before moving on. My hand finding another peanut without thought.

I turned the page, only to realize it was the last one. The book's cover now staring back at me. A soft sigh escaped my lips as I closed the book. My fingers lingering on the worn edges before placing it gently on the table. My gaze shifted to the small stack of books in front of me, the spines lined up neatly waiting to be opened. I let out another breath, my shoulders rising and falling with the motion as if trying to muster the energy to begin again. After a brief pause, I reached for the book on top. My fingers brushing against its surface before I finally picked it up.

Inangat niya ang ulo mula sa binabasang libro nang marinig ang mahina ngunit malinaw na tunog ng pagbukas ng pinto. Pagtingala niya ay nakita niya si Liwayway na lumilipad papalapit sa kanya. Kasunod nito ay ang ilang libro na umiikot at lumulutang sa ere na sinasayaw ng mahika ni Liwayway.

"These are all I could find." Sabi ni Liwayway habang lumilipad patungo sa kanyang kinauupuan.

Liwayway flicks her wrist and the books settle gently onto the table in neat stacks. My gaze shifts from the floating books to Liwayway. Nagpapasalamat na tumingin siya sa kanyang pixie.

"All of them?" Tanong niya sa mababang tono habang tinitingnan ang bagong libro na kakalapag lamang sa mesa.

Tumango naman si Liwayway sa kanyang tanong at nagsalita.

"Every corner. Every shelf. Ancient languages, forgotten scripts, and a few... oddities I can't even name." Paliwanag nito habang tinuturo isa-isa ang mga libro.

Sa mga nakalipas na araw ay naging ganito na ang araw-araw na ginagawa niya. Ilang araw na siyang nagbabasa ng mga aklat sa aklatan ni Lucius at bawat pahina ay pinagbubuti niya upang mahanap ang mga lenggwahe na makakatulong sa pagpapaliwanag ng mga salitang napapanaginipan ni Eira. Wala pa siya may pinagsabihan tungkol sa naging pag-uusap nila ni Eira at ang mga sinabi nito sa kanya. Kahit kay Lucius na lagi niyang kasama o kay Liwayway na palaging nagmamasid lamang sa kanyang ginagawa ay hindi siya nagbukas ng kahit anong salita tungkol dito.

"Ano ba ang hinahanap mo? Ilang araw ka ng ganito." Sabi ni Liwayway habang nakatingin sa libro na binabasa.

"May hinahanap lamang ako na salita." Sagot niya at ngumiti dito.

"Gaano ba kaimportante at halos hindi ka na lumalabas sa kwarto niyo." Napasimangot naman ito matapos itanong sa kanya.

"W-wala naman. May gusto lang akong siguruhin." Ngumiti siya dito at ininom ang herbal tea na gawa ni Tacia para sa kanya.

"Hmp!" Tanging sabi nito at umupo sa mesa habang nakanguso.

"Tulungan mo na ako na hanapin ang salitang khazeth." Sabi niya sa pixie.

"And you'll give me a lot of honey?" Nangingislap ang matang tanong ni Liwayway sa kanya.

Natatawang tumango naman siya dahil sa tanong nito.

"Oo. Nagpadala ako kay Lucius." Mabilis naman na tumayo ito dahil sa kanyang sinabi.

"Fine!" Pagsusungit pa din nito sa kanya.

Liwayway raised her hand with a graceful movement while her fingers poised as if weaving a delicate spell in the air. With a subtle swirl of her finger, the pages of the book before her began to turn, fluttering gently. The magic shimmered in the air around her small finger. An ethereal glow surrounding her hand as she effortlessly moved through the pages.

Beneath the Vampire King's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon