Chapter 41

184 10 2
                                    

She's been in Elderglen for two days, while Lucius is in Isla Fuego. During her stay, she's helped Ekeri make healing potions and has been teaching the village kids. So far, everything feels calm, and it seems the Arcane Lords have settled down—she hasn't heard any complaints about them lately.

"Bukas na tayo babalik sa Noctrisrealm, Elara?" Liwayway asked her.

"Oo. Hindi ko pa alam kung anong oras bukas." Sabat niya sa kanyang pixie.

Kakatapos niya lang turuan ang mga bata at wala na din siyang gagawin sa araw na iyon. Siguro ay yayayain niya na lang si Liwayway na maglilibot mamaya at mamitas nang mga prutas na pwede niyang dalhin sa Noctrisrealm. Nakasunod naman si Tacia sa kanila. Dinala niya nga si Tacia dito at nakita niya naman na mukhang enjoy ito. Some of the pixies even helped Tacia with her magic.

"Sayang nga hindi ko naabutan sina Mira dito." Bahagyang ngumiti siya habang patuloy na naglalakad.

"Kailangan mo na magpahinga muna para sa pagsasaya na magaganap mamaya." Sabi ni Liwayway sa kanya.

Ngayon niya lang ulit naalala na may konting kasiyahan mamayang gabi sa Elderglen. All the Kings in Seven Kingdoms are invited. Sinubukan niya ring padalhan nang sulat si Lucius gamit ang kanyang kalapati para iparating ang mensahe pero hanggang ngayon ay wala siyang natatanggap na sagot dito. Kung hindi man ito makapunta ay ayos lamang sa kanya.

"Hindi naman ako pagod. Mas gusto ko lang maglibot dahil matatagalan ulit bago tayo makabalik dito." Malungkot na sabi niya.

"Pwede ka naman na bumisita dito kung kailan mo gusto." Sabi ni Liwayway at naupo sa kanyang balikat.

"Oo nga pero kase napag-usapan namin ni Lucius na sasama na ako sa council meeting." Saad niya.

When that happens, it will be her first time sitting in a meeting with the Elder Council of Noctrisrealm. As Lucius's wife, it will be her duty to be there. Lucius talked to her about it so she could be prepared. He didn't force her, but she took the initiative. She didn't want to give the Elder Council a wrong impression. This is also a way for her to connect with the vampires and try to bridge the gap between her kind and Lucius's.

"You'll bring me too?" Natawa siya dahil sumimangot si Liwayway.

"Syempre hindi. Ano ka ba?" Malambing na sabi niya sa kanyang pixie kaya agad na ngumiti ito. "Huwag ka mag-alala. Wala naman silang gagawin na masama saken." Saad niya.

"Dapat lang! You're their lady and a royal." Liwayway said proudly. Nakangiting napailing na lamang siya.

Nang makarating sa pinakadulo nang Elderglen ay agad na sumalampak siya sa damo. Sinandig niya ang kanyang likod sa puno at inayos ang kanyang suot na bestida.

"Ikaw, Tacia? Sorceress are from Frostfire, right?" Tanong niya sa kanyang handmaiden na nakaupo kaharap niya.

"Yes, My Lady." Magalang na sagot nito. "A sorceress like me who cannot control my own black magic is forbidden in our kingdom." Naging mailap ang mga mata nito matapos sabihin ang salitang iyon.

"I'm sorry. I didn't mean to pry." Regret washed over her.

Mariing umiling ito sa kanyang sinabi.

"A royal shouldn't say sorry to a lowly creature like me." Nahihiyang sabi nito.

"You're my friend now. You're not just my handmaiden." Ginagap niya ang kamay nito. Mukhang nailanh ito sa kanyang ginawa pero mariinh hinawakan niya ang kamay nang babae at ngumiti. "I'll teach you to control your magic. I've been there. Nung una ay nahirapan rin ako." She said.

Beneath the Vampire King's DesireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon