67: Gradatim Ferociter

566 30 4
                                    

𓂃🜲𓂃

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𓂃🜲𓂃

Clay

The holiday just ended. It's a  new year and a new semester. I was feeling pretty down as I waited for Westley outside the Apex Apartment building. Dahil sa paghihiwalay namin ni River ay nag-desisyon akong itigil na rin ang koneksyon ko sa Lucky Nine na siguradong babalik na bilang Fortune Seven.

I didn't belong on that group from the very beginning, not in their world, not in River's world, so it's best for me to go back where I used to be. Kinaya kong mag-isa, kaya tulad ng sinabi ni River ay kakayanin ko rin ang wala siya.

Habang malalim ang aking iniisip ay isang sasakyan ang huminto sa aking harapan. I was expecting Westley's car, but it's not. I tilted my head to see who's inside the car, and when the window rolled down, my eyes widened, and my eyebrows raised.

"What are you doing here?" I asked.

He put a smile and went out of the car. "I came to pick you up for school."

My eyebrows knitted. "I don't want to be rude, but I guess it's a bad idea."

His smile remained flashing on his face. "Clayton, picking up someone important is not a bad idea."

I loosened a breath. "Please don't make this hard for me. Kailangan kong ilayo ang sarili ko para masanay ulit ako sa kung paano ako nabubuhay noon."

"Why would you do that?" he asked. "Walang kailangang magbago sa atin at hindi mo kailangan bumalik sa dati."

"Para saan pa?" matapang kong tanong.

"Para sa pagkakaibigan," sagot niya.

I displayed an empty face. "You think it's possible?"

"Yes," he answered with firmness. "May problema kayo ni River, pero hindi ibig sabihin ay kailangan mo ring lumayo sa akin."

I averted my gaze from him. "Harris, please. Alam kong makasarili ako sa pagpili sa sarili ko, pero kailangan ko ring lumayo sa inyo para hindi na rin mahirapan si River."

"Ayaw mong mahirapan si River, pero naisip ba niya ang mararamdaman mo bago siya nag-desisyon?" seryoso niyang tanong.

"Sa ating dalawa, ikaw dapat ang mas nakakaintindi sa kanya dahil matalik mo siyang kaibigan. I'm just nobody, Harris, so stop wasting your time with me. Ayaw ko ring maipit kayo sa pagitan namin ni River."

"He chose to break up with you, but I chose to stay and continue our friendship," he expressed. "Labas ako sa hiwalayan niyo, kaya sana ay hayaan mo pa rin akong maging kaibigan ka."

Humigpit ang aking hawak sa aking libro. "Salamat, Harris, pero ayaw kong maging rason sa pagkakaroon ng lamat sa pagitan niyo ni River. I know you have a good intention, and I thank you for that, but it would only worsen our situation, so I'm sorry."

RIVER AND THE WALLFLOWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon