69: Fac Et Spera

523 28 2
                                    

𓂃🜲𓂃

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

𓂃🜲𓂃

Clay

I thought I was okay, but seeing the man that I love kissing somebody else made my heart ache in a way I had never felt before. Nakipaghiwalay siya upang protektahan ako, ngunit unti-unti na akong nagdududa kung malinis nga ba talaga ang kanyang intensyon.

When I left the bar last night, I felt so lost. I wanted to cry, but my eyes had no strength to bring out some tears. I totally understand now the meaning of I can't cry, hard enough.

Hindi ako pumasok, dahil bukod sa masakit ang aking ulo at katawan ay wala rin akong lakas ng loob na pumasok sa loob ng Rio Grande Univeristy. I had a fear that I might cross path with River again, and I didn't know how I should face him after what happened last night.

Habang nakatulala sa veranda ay nakaramdam ako ng gutom. I went to my kitchen and opened the fridge, but just like my heart, it was empty.

I decided to buy some food from the nearby convenient store. Even at the convenient store, I couldn't control myself from looking from afar. After buying stuffs that I needed, I headed back to my apartment.

Nang makalabas ako sa elevator ay bumungad sa akin si Manang Esang, ang isa sa mga landlady ng Apex Apartment. 

"Manang, tungkol sa renta..." sambit ko, ngunit hindi niya ako pinatapos.

"Huwag mo ng isipin 'yon," saad niya. "May nagbayad na ng renta mo."

Mabilis na kumunot ang aking noo. "Si Westley po ba?" tanong ko.

Umiling si Manang Esang. "Hindi. Ang nagbayad ay 'yong matandang lalaki na araw-araw pumupunta dito."

"Araw-araw na pumupunta dito?"

"Oo," sagot niya. "Hindi ba't araw-araw na may dumadalaw sa'yong matandang lalaki? Si Mr. La... Lav... Lavinsky ba 'yon?"

"Si Mr. Lav? Nagpunta siya dito?"

"Oo. Dumaan siya para bayaran ang renta mo. Isa pa ay bakit ka nagtataka, hindi ba't lagi naman siyang pumupunta dito? Halos hindi nga siya pumalya sa pagpunta rito para magtanong tungkol sa'yo."

My head struck with confusion. Mr. Lav paid visits in my apartment, but not everyday, and I could only count the times in my finger. 

"Kung gano'n ay nasaan na po siya?" tanong ko.

"Umalis na, pero babalik raw siya mamaya para makausap ka."

My mind was filled with questions and uncertainty, but the most confusing part was why would Mr. Lav visit me everyday without me knowing it?

Matapos kaming makapag-usap ni Manang Esang ay nagtungo na ako sa aking apartment. I cooked the noodles I bought and went to my veranda to enjoy my meal.

RIVER AND THE WALLFLOWERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon