Mikha Pov.
Nag aantay lang ako ngayon sa tapat ng operation room, sobrang kinakabahan, natatakot at halos hindi na ako mapakali dito sa pwesto ko. Sa ngayon ay tanging naiisip ko lang ay mabuhay yung mom ko, Kahit ano gagawin ko mabuhay lang sya.
Mga ilang oras ang tumagal at hindi pa rin natatapos ang operation. May dumating na nurse at binigyan nila ako ng pagkain.
"Ah Nurse wala po akong inoorder na food, wala po akong pang bayad dyan" I said.
Ngumiti naman yung nurse sakin. "Naku ma'am it's free po, Kailangan daw po namin kayong asikasuhin dahil special friend po kayo ni Ma'am Arceta. Yun din po yung utos nya samin and magagalit po sya samin kapag hindi mo tinanggap yung food na ibibigay namin" paliwang nung nurse.
Grabe naman, kinakabahan na tuloy ako sa kapalit nito ayts tsaka ko na nga lang yan iisip, si mom muna ang iisipin ko ngayon. Kinuha ko lang yung food at kumain na din, kanina pa kasi ako hindi nakain medyo nanghihina nadin ako ngayon. Buti nalang ay nag padala si Ms. Aiah ng food.
Mga ilang oras pa yung hinintay ko at sa wakas ay bumukas na ang door ng operation room, dali dali akong tumayo at lumapit sa doctor. "D-doc, how's the operation? Kamusta po si mom? Success po ba? Ayos na po yung mom ko doc?" Taranta kong tanong.
Tinanggal lang nung doctor yung facemask nya at ngumiti. "Ms. Lim okay na po yung mom nyo, success po ang operation, ililipat na po sya sa private room." the doctor said.
Agad akong napangiti sa sinabi sakin nung doctor. "Naku thank you po Doc, thank you so much po" saad ko at halos maiyak na ako dahil sa saya na nararamdaman ko.
"Welcome Ms. Lim, hindi ka dapat samin magpasalamat, kay Ma'am Arceta ka mag thank you dahil sya ang nag utos samin nito and wala na kayong babayaran na kahit na ano sa operation bayad na po kayo" the doctor said.
Napangiti naman ako dahil sa sinabi nya pero nawala din ito bigla dahil sa kapalit nito.
"I have to go now Ms. Lim" he said.
I nod. "Thank you po ulit" pagkasabi ko nun ay umalis na sya.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
- after 2 days-
Still mikha Pov.
Andito na kami sa private room ni mom, tulog lang sya ngayon, sabi ko kasi sa kanya ay mag pahinga lang sya at nang mabawi nya yung lakas nya. Medyo matatagalan pa din kami dito sa hospital sabi ng doctor para daw mas masecure yung safety ni mom.
Binabantayan ko lang si mom ng biglang nag ring yung phone ko. Nagtaka naman ako dahil number lang ang nasa screen, pero sinagot ko din naman ito agad baka kasi important call to.
"Hello?" -otp
"Hi baby" -otp
Ha? Sino naman to? Baka binigay nanaman nung mga girls yung phone number ko tsk.
"Who's this? I'm not your baby Bitch" -otp
"Hey! How dare you to call me bitch? I'm Aiah Arceta! You idiot!" -otp
Agad nanlaki ang mga mata ko ng malaman kong si Ms. Aiah yung kausap ko ngayon, ayts nakakahiya bwesit.
"A-uhm.... S-sorry po Ms. Aiah, hindi ko po alam, sorry po" -otp
"Tsk by the way, come here to my condo" -otp
"P-po? Bakit po? Binabantayan ko pa po si mom" -otp
"Nakalimutan mo na agad yung pinag usapan natin nung nakaraan hmm mikha kim?" -otp
