Mikha Pov.
-next day-Nakauwi na ako ng bahay ngayon dahil may pasok pa ako sa school, and mag tatrabaho lang ako kay Ms. Aiah kapag wala na akong pasok or klase sa school, and yung mga nurse na daw ang bahalang mag alaga at mag asikaso kay mom, sinabi ko naman iyon kay mom na baka hindi ako lagi makapag bantay sa kanya dahil may bago akong trabaho, kaya mga nurse na muna ang bahala sa kanya, pumayag naman sya agad.
Tapos na din ako maligo, inagapan ko ngayon, mahirap kasi makasakay dahil monday, punuan ang sasakyan baka malate pa ako. Maya maya pa ay may narinig ako sa labas na may tumatawag sa name ko kaya naman lumabas ako at tiningnan kung sino yung tumatawag sa labas.
Pagkalabas ko may nakita akong isang boy. "Yes po? Ano pong kailan?" Tanong ko.
"Ikaw ba si Ms. Mikha lim?" Saad nung lalaki.
I nod my head. "Ako nga po, why ?" Tanong ko ulit.
"Ah nandito na po yung sport bike and brand new Iphone nyo po, papirma na lang po dito para okay na" saad nya.
Nakita ko naman yung sport bike na kagayang kagaya nung nasa wallpaper ko and nakalagay din sa upuan yung brand new Iphone daw. Ha? Wala akong pera pano ko'to babayaran? Tsaka hindi ako nag order nyan jusko.
"Uhm.. I'm sorry sir p-pero wala akong inoorder na ganyan, t-tsaka wala po akong pera pang bayad dyan" saad ko at napakamot nalang sa ulo.
"Ma'am bayad na po yan lahat, kailangan ko nalang po ay yung pirma nyo" the boy said.
I shook my head. Bayad na? Ha?.
"What you mean bayad na? Teka po kanino ba yan galing?" Taka ko paring tanong."Hindi ko din po alam eh, basta mag cacall nalang daw po sya sayo, sige na Ms. May pupuntahan pa po kasi ako eh, papirma nalang po dito" the boy said.
Wala na akong nagawa at pinirmahan na yung pinapapirmahan sakin nung lalaki, ibinigay nya sakin yung susi nung motor at umalis na din agad.
Lumapit naman ako sa sport bike na pangarap ko at hindi pa din makapaniwala. Oh gosh hindi ko alam kung anong mararamdaman ko ngayon, nasa harapan ko na yung pangarap kong motor huhu.
Maya maya pa ay nag ring yung phone ko at agad ko naman itong sinagot nung makita ko kung sino yung tumatawag.
"Hi mikha lim, do you like it?" -otp
"Ikaw nag padala nito sakin Ms. aiah?" -otp
"Yes, dahil naging happy ako kahapon, yan na yung reward mo, palitan mo na yang lag mong cellphone and hindi kana din mag aalala dahil may sasakyan kana para sa pag pasok mo sa school at para madali mo nalang ako mapupuntahan when I need you" -otp
"Naku Ms. Aiah, hindi naman na po kailangan ng ganito eh, sapat na yung pinag aaral nyo ako and sinasagot yung mga gastusin ni mom sa hospital" -otp
"Shh... Deserve mo yan, sige na pumasok kana sa school and papasok na din ako sa work ko" -otp
"O-okay po, thank you and take care" -otp
"Your so sweet, welcome and take care din hmm.. " -otp
-end call-
Pagkatapos nung call namin ni Ms. Aiah ay kinuha ko na yung iphone na binigay nya and pumasok na sa loob para kunin yung bag ko. Pagkatapos nun ay sumakay na ako sa sport bike na binigay sakin ni Ms. Aiah, argh sobrang saya ko.
.
.
.
.
.
.Mga ilang minuto ay nakarating na ako sa school namin, marami na ding mga student dito, and mga nakatingin lang sila sakin. Hindi naman sa pag mamayabang ah, sikat ako sa school and ako ang team captain ng volleyball dito, dagdag pa ang kapogian ko diba hihi joke.