Mikha Pov.
Ilang weeks na din ang nakakalipas. Medyo naging busy na din ako sa school at pag papraktis dahil may gaganapin kaming sport fest. Kalaban namin ang ibat ibang course and year, ako ang team captain kaya kailangan na mas mag focus ako. And lagi na din kaming nag kakausap ni Clarah medyo nagiging close na din kami kaya naman sobrang happy ko.
Palagi ko din syang hinahatid at sinusundo sa work nya, kaya nakakapag bonding na din kami. Dahil sa busy na ako hindi ko na din masyadong nakakasama or napupuntahan si Ms. Aiah sa house nila, sabi nya naman sakin naiintidihan nya dahil pag aaral ko daw naman yung inaasikaso ko.
Bukas na din gaganapin yung sport fest kaya naman mas subsob kami sa pag tetraining.
"Hi mikha, here oh water" Clarah said at inabutan ako ng tubig.
Ngumiti naman ako dito at kinuha ang binigay nyang tubig. "Thanks Clarah" i said.
Umupo lang sya sa tabi ko at isinandal ang ulo sa balikat ko. Hayst ayan nanaman sya pafall amp!
"You okay?" Tanong ko sa kanya.
Naramdaman ko naman na nod sya. "Yeah, just tired" she said.
I tap her head softly and play her hair. "Don't worry tapos na mana tayo mag practice, imemeeting nalang tayo ni coach para sa laro natin bukas" i said.
Hinintay lang namin si Coach habang nanatili pa din kami sa pwesto namin.
.
.
.
Pagkatapos kaming emeeting ni coach ay pinauwi na din nya agad kami para daw makapag pahinga pa para sa laro bukas. Pero si Clarah ihahatid ko sya sa work place nya, ayaw daw nya mag absent sa work nya sayang daw sweldo. Kaya ito nandito na kami sa harap ng restaurant na pinag tatrabahuhan nya.
"So pano? Text mo nalang ako pag mag papasundo ka ah" saad ko sa kanya.
"Uhm.. mikha, I have a question" she said.
Taka naman akong tumingin sa kanya. "Ano yun?"
"Uhm... What are we? I mean nag bibigay ka ng motibo sakin, and parang pang liligaw na din tong mga ginagawa mo sakin pero hindi ka naman nag sasabi kung nanliligaw ka nga, Y-you like me ba?" Saad nya.
Ayts oo nga pala hanggang ngayon hindi ko ba din nasasabi na may gusto ako sa kanya, nahihiya and natatakot pa din ako eh, what if hindi nya pala ako gusto? What if wala akong pag asa? Ayaw ko mapalayo sa kanya. Argh bahala na nga take a risk na.
"Y-yeah, I Like you Clarah I'm sorry pero matagal na kitang gusto" i said and look down.
Sa wakas ay nasabi ko na din sa kanya. Tanggapin ko nalang kung ano yung isasagot nya sakin.
"It's okay Mikha, I like you too" she said.
Pagkarinig ko nun ay agad akong napatingin sa kanya.
"W-what?" Tanong ko ulit.
She smile. "I said I like you too mikha" she said.
Agad naman akong napangiti sa kanya. "Talaga?! S-so Can I court you na?" Masaya kong tanong sa kanya.
She chuckle and nod her head. "Yes, you can court me mikha, matagal na kitang iniintay na mag sabi sakin, kaso ang hina mo kaya inunahan na kita" she said.
Ackkk sobrang saya, she like me too omygosh!
Sa sobrang saya ng nararamdaman ko ay niyakap ko sya ng mahigpit.
"I'm so happy Clarah" i said.
"Me too mikha" she said.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nakauwi na ako ng bahay, hanggang ngayon ay hindi pa din matanggal ang ngiti ko sa tuwing naaalala ko ang pag uusap namin ni Clarah. Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko, kaya naman tiningnan ko ito at nakita ko naman na si Ms. Aiah ang nag text, binasa ko naman ito.
