Mikha POV.
Ilang Months na ang nakalipas simula nung nanalo kami sa Volleyball. And hanggang ngayon hindi ko pa din alam kung nasan si Clarah, hindi ko na sya nakikita, I try to call her pero hindi nya ako sinasagot, pinuntahan ko din sya sa work place and apartment nya pero wala din sya dun.
And kami naman ni Ms. Aiah, napansin ko na nag bago yung pakikitungo nya sakin, it's seems like she's distancing herself to me, like what the heck? Ilang beses may nangyari samin tapos biglang ganun nalang ituturing nya? Kainis. And take note sinasadya nya yatang ipakita sakin na sobrang sweet at clingy sya kay kuya Mark.
"Mikha? Right?" Biglang saad ni Prof. Jacob.
Taka naman akong tumingin sa kanya. Hmm?
"Yes po, why?" Magalang kong sagot sa kanya.
Tumingin tingin muna sya sa paligid nya bago ulit humarap sakin. Tsk problema nito.
"I just want to warned you Mikha, mag ingat ka sa bawat galaw mo, and kung may magugustuhan ka man or may makakasama kang iba, itigil mo na agad yan, please lang wag kana munang makihalubilo sa iba" he said in a scared tone.
Ha? Ano bang pinag sasasabi nito? Nababaliw na siguro to.
"Ha? What do you mean po prof.? Hindi ko maintindihan yung mga sinasabi mo""Hayst basta tandaan mo nalang yung mga sinabi ko, sige na aalis na ako" pagkasabi nya nun ay bilis bilis na syang umalis.
Ako naman ay taka lang na pinanuod sya habang papaalis. Maya maya din naman ay nakita ko si Jass na papalapit sakin.
"Hi Mikha, wala na daw tayong klase ngayong morning kasi may meeting ang mga professor para sa gaganapin nating camping." saad nya.I smile at her. "Hm... Oo nga pala yan nga pala yung announcement nung nakaraang araw"
Umupo sya sa tabi ko. "Yeah, nakabayad kana ba sa ambagan natin? And nakabili kana din ng mga gamit para sa camping?" Tanong nito.
I shook my head. Hanggang ngayon ay hindi pa ako nakakapag ambag at nakakabili ng gagamitin ko para sa gaganaping camping namin. Nahihiya kasi akong mag sabi kay Kuya Mark lalo na kay Ms. Aiah. Si kuya Mark kasi laging wala sa house nila and puro si Ms. Aiah yung nakikita ko dun.
"Hindi pa eh, siguro hindi nalang ako sasama" saad ko.
Tumingin naman sya sakin. "Ha? Required na sumama lahat diba? Baka mapagalitan ka ni Prof."
"Wala pa kasi akong pang bayad eh" saad ko.
Ngumiti naman sya sakin at hinawakan ako sa balikat. "Ako na, ako na mag babayad sayo, ako nalang din bibili ng mga gagamitin mo basta sumama ka lang" saad ni jass.
I shook my head again. "Ano ka ba jass wag na, tsaka okay lang sakin hindi mo kailangang gawin yan. Hindi ako tumatanggap ng tulong kapag hindi ko pinaghihirapan, thank you nalang okay?" saad ko.
"Uhmm... Or pwede kang humiram nalang sakin ng pera? And share nalang tayo sa mga gamit na binili ko" she said and smile again.
"Hindi na talaga Jass, thanks to your offer but no, hindi ko talaga matatanggap yan" saad ko.
Halata sa muka nya ang pagkadismaya kaya naman medyo naguilty ako.
"Ano kaba jass wag kana malungkot dyan. Hmmm... Diba wala naman tayong klase? What if ituloy na natin yung plano nating mag coffee?" Saad ko.
Agad namang napangiti sya sa sinabi ko. "T-talaga?! Oh sige let's go! Hihi" excited nyang sabi at tumayo na.
Ako naman ay tumayo na din sa kinauupuan ko at sinundan lang sya.