Aiah Pov.
We're here in our bedroom, kakatapos ko lang mag shower and si mark naman ay nakahiga na sa bed naman, pinatuyo ko lang yung hair ko and then humiga na din ako sa tabi nya.
Agad kong naramdaman ang pag yakap nya sakin. "I miss you babe, ang bango mo po" he said.
Yan ang isa sa nagustuhan sa kanya, bukod sa binibigyan nya ako ng assurance ay pinupuri nya pa ako. Ang nakakahanga pa sa kanya higit sa lahat ay nirerespeto nya ako, hindi nya ako ginagalaw pag hindi ko sya binibigyan ng permission. I think bilang lang sa mga daliri ko na may nangyari samin ni Mark, kapag nasa Mood lang ako or may occasion na importante.
I chuckle. "Ano pa bang bago lagi mo naman akong namimiss eh" I said.
"Babe naman, uhm... Tsaka nga pala yung maid kanina, I know bata pa sya and parang ang gaan ng loob ko sa kanya, nag aaral pa ba sya?" Tanong nya sakin.
Ayts oo nga pala si Mikha Lim, hindi ko naipaliwanag sa kanya na may asawa at kasal na ako, kitang kita ko sa muka nya kanina ang pagka gulat at nasabi ko pang nag apply sya bilang maid.
"Y-yeah she still studying, kakaopera lang sa mom nya and nawalan sya ng mga work and scholarship" Paliwanag ko sa kanya.
Tumingin naman sya sakin. "Kawawa naman pala sya, Pwede ba natin syang tulungan? Para kasing nakikita ko yung sarili ko sa kanya. You know naman na hindi ako sinupport ni daddy sa lahat ng bagay diba? Palagi syang busy sa lahat, pero proud pa rin ako sa sarili ko kasi kahit kami yung pinaka mayaman dito sa bansa eh hindi ako umasa sa kaniya, sariling sikap ko kung anong meron ako ngayon" he said while smiling.
I smile at him. Yan din yung isa sa nagustuhan ko sa pagkatao nya, sobrang nakakaproud sya and bihira nalang ang mga ganitong lalake.
"Yeah and I'm so proud of you too Mark" I said.
"Iiiiihhh thank you babe I love you" he said.
"I love you too babe, uhm.. by the way You want to help Mikha? Sa paanong paraan?" Taka kong tanong sa kanya.
"Pwede natin syang pag aralin babe, let's support her education. I want her to finish her study" masaya nyang saad.
Napaka green flag talaga nito eh kainis.
"Pwede naman natin syang isupport pag aaral nya pero hindi sya napayag kapag hindi nya pinag hihirapan yung tulong na iaalok natin sa kanya, tsaka yung mommy nya nasa hospital pa hanggang ngayon and matatagalan sya dun" paliwanag ko ulit.
"Let say na yung pagiging maid nya yung kabayaran sa lahat ng iaalok nating tulong sa kanya. Tsaka babe diba nag paalam na yung personal made mong si aling lenda kasi masyado na syang matanda, sya nalang ipalit mo" saad nya.
Agad akong napangiti sa mga naisip nyang idea, hihi hindi ko naisip yun ah? So kapag naging personal made ko sya mas mapapalapit kami sa isat isa at magagawa ko yung gusto kong gawin sa kanya nang hindi kami nahahalata ni mark na may ginagawa kaming kung ano. Yass! Tama tama!
I pinch his cheek. "You're right Babe! Ang galing mo talaga!" Masaya kong saad sa kanya.
He smile widely. "Of course ako pa ba, ako na'to eh" saad nya.
Talagang gumagawa ng paraan si tadhana para makapag enjoy ako.
"Sige na let's sleep na babe Goodnight" I said.
"Goodnight babe" he said and kiss my forehead softly.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
..
.
.
.
.-Next day-
Mikha Pov.Hanggang ngayon ay iniisip ko pa din kung tama ba yung desesyon na ginawa ko, argh! May asawa at kasal na pala sya bakit hindi nya sinabi sakin? Tsaka bakit pa sya gumagawa ng ganun? Cheating yun eh. Magiging dahilan pa yata ako para makasira ng isang relasyon ayaw ko pa naman ng ganun ayts!
