Chapter Three

245 12 0
                                    


Nang sumunod na araw ay muli akong sumama kay Kade sa rancho matapos mananghalian. Sa kwadra niya ulit ako ibinaba. Gusto ko ulit kasing mamasyal at mangabayo, lalo pa't itinulog na naman ni Kourtney ang buong maghapon. Puyat kasi iyon kagabi, may kung anong pinanuod na panibagong series.

"Caice! Ang ganda naman kung araw-araw ay bibisita ka dito sa rancho," si Dumas iyon, feeling close na. Akala mo'y hindi kami kahapon lang nagkakilala. "Si Meadow ba ulit?"

Tumango ako at ngumiti sa kaniya. "Magandang tanghali, Dumas. Oo sana, eh. Ayos ba siya ngayon? Hindi ko naman ba siya napagod ng husto kahapon?"

"Hindi, ayos nga 'yun. Sa dami ng mga kabayo dito sa kwadra, may ilan na bihirang mailabas. Malibang aakyat rito si Thalia at iba mo pang mga pinsan."

"Kung ganoon ay sige, pakikuhang muli si Meadow. Papasyal lang kami sa palibot ng rancho," pakiusap ko kay Dumas. "Kung hindi rin kami masyadong gagabihin ay gusto ko pang akyatin ang peak,"

"Walang problema, Caice. Maganda naman ang kondisyon ni Meadow, kayang kaya niya ang pasyal na gusto mo." Tumalima na si Dumas, muli siyang pumasok sa kwadra upang kunin ang kabayo. Susunod na sana ako nang biglang may magsalita mula sa aking likuran.

"Kapag si Dumas ay payag kang pangalan lang, sa iba'y kailangan ng titulo."

Napasinghap ako sa sinabing iyon ni Hans. Alam kong narito siya ngayon sa rancho, but I hadn't expected to see him here in the stables. Biglang sinalakay ng kakaibang kaba ang aking damdamin nang dahan-dahan ko siyang lingunin, there he was, shirtless and dirty, his presence sending my heart into a frenzied rhythm. Kung bakit ay hindi ko masagot.

Muli ay hindi ko na naman matanggal ang aking mga mata sa kaniya. He was rugged and raw, his body glistening with sweat in the afternoon sun. His boots were caked with mud, kita mo talagang mabigat ang trabaho dito sa rancho.

But it was his jeans, riding low on his hips, that drew my attention the most.

My gaze lingered on the tantalizing glimpse of skin that peeked out from beneath the denim, the curve of his hips leading down to where the fabric strained against the outline of his sex lines. Kung magiging magkaibigan kami ay reregaluhan ko siya ng sinturon!

Napalunok ako, pilit na hinahamig ang aking sarili dahil kung saan saan na naman lumilipad ang aking isipan. It was wrong to feel this way, to be drawn to him, lalo't hindi ko naman siya kilala bukod sa pangalan.

"Magandang tanghali, Señorita Caice," bati niya sa akin, may lihim na insultong nakapailalim sa kaniyang ngiti bago ako lagpasan. Tinungo niya rin ang papasok sa stable kaya sinundan ko siya.

Ano nga 'yung sinabi niya kanina? Na kay Dumas pumapayag akong pangalan lang ang itawag sa akin? Bakit? Sinabihan ko ba siyang tawagin akong Señorita? Siya naman ang may gusto niyan! Hindi lang ako nagreklamo at hindi ko siya itinama dahil gusto ko ang paraan ng pagtawag niya sa akin ng gano'n. Si Dumas ay hindi naman!

Teka?

Ipinagkakamali niya ba iyon sa kung ano?

"Caice, naayos ko na ang saddle ni Meadow," sabi agad ni Dumas nang makita ang aming pagpasok.

Tinignan ko siya sandali at inestima. Maayos naman ang itsura nito, matangos pa nga ang ilong, kayumanggi ang balat at may katamtamang taas. Mas matangkad sa akin ng bahagya, pero maliit kung ikukumpara kay Hans.

"Thank you, Dumas," nginitian ko siya ng tipid.

Imbes ano pa man ay si Meadow na lang pinagtuunan ko ng pansin. I thought I heard a scoff from behind me, but when I glanced over my shoulder, Hans was already busy checking on the other horses. Maybe it was just my imagination playing tricks on me.

Chaos and RainbowsWhere stories live. Discover now