Nakahanda na ang lahat ng dadalhin ko. Isang duffle bag lang naman iyon na may lamang ilang damit, cash at iba pang pangunahing pangangailangan. Pinatay ko na ang cellphone ko at iniwan iyon sa nightstand.
"Caice, beh! Halika na sa baba. Nariyan na ang mga bisita." Si Mama Nae iyon na kumatok sa pinto ng silid.
"Susunod na po ako," I hollered back, checking my reflection in the mirror one last time. Simpleng besitida lang ang suot ko, maging ang ayos ng buhok ko'y hindi ko na masyadong pinagkaabalahan. Tutok ang buong atensyon ko sa plano ko ngayong gabi.
I would give my birthday gift to Uncle Roy and kiss him goodbye, tapos ay sasama na ako kay Hans. Kung saan, bahala na. I closed my eyes, natatakot ako but everything felt right. Ito ang dapat kong gawin, ito ang magpapasaya sa akin.
Sa baba ay nagkakasiyahan na ang lahat. Hindi naman magarbo mag celebrate ng birthday si Uncle Roy, wala rin siyang kung sinu-sinong iniimbita. Tanging mga kamag-anak at malalapit lang sa pamilya namin ang naroon.
They turned the whole lawn into a festive ambiance. Hangga't maaari ay umiiwas ako sa mga bisita. I would talk to a few cousins of mine, pero simpleng kumustahan lang. Masyado kasi akong okupado ng gagawin naming pagtakas ni Hans mamaya.
After the traditional singing of "Happy Birthday" and the cake cutting, the guests dispersed, resuming their conversations and activities. I seized the opportunity to slip away and find Uncle Roy in a quieter corner of the hall.
Kumpara kanila Dad, si Uncle Roy ang mas iwas sa atensyon. He would rather live simply than soldier through all the glitz and glamour of being a De Salvo, tulad ng siyang dinadanas ng mga kapatid niya.
He was standing by the grand piano, a glass of bourbon in hand, smiling at something Mama Nae had said. I approached him with a gift bag clutched tightly in my hands.
"Uncle Roy?" I called softly, drawing his attention.
He turned to me with a warm smile, his eyes crinkling at the corners. "Darling,"
I smiled back, feeling a surge of affection for this man who had always been a source of comfort and wisdom in my life. Hindi ko alam kung sa gagawin kong pag-alis kasama si Hans ay makikita ko pang muli si Uncle Roy dahil isa lang ang nasisiguro ko, hindi na ako babalik pa kay Dad. And I would really miss Uncle Roy.
"I wanted to give you something," I said, holding out the gift bag. "Happy birthday."
His eyes sparkled with curiosity as he took the bag from me. "Hindi ka na sana nag-abala pa, Caice."
Bigla siyang natawa nang masilip ang laman ng bag, si Mama Nae din ay napangisi. It was a funky Wild West Spice set, a collection of unique barbecue spices. Napapansin ko kasing nahihilig siya sa pag-grill sa garden kaya 'yan.
"This is perfect!" he exclaimed, his enthusiasm genuine. "Magagamit ko itong madalas. I've been experimenting with different flavors for our barbecue Saturdays."
"I noticed," I said, feeling a sense of accomplishment. "I thought you might enjoy trying out some new recipes with these."
Uncle Roy chuckled, patting my shoulder affectionately. "Thank you, anak,"
I smiled, relieved that he liked the gift. "I'm glad you like it, Uncle Roy."
"Nako! Puro barbecue malamang ang ulam sa susunod na linggo!" Pabirong reklamo ni Mama Nae, nakatawa. May sasabihin pa sana kaya lang nangunot ang noo habang ang tanaw ay tagos sa aking mga balikat. "Diyos ko! Thalia!"
Nang lingunin ko ang tinitignan nito ay naroon si Taling, nakikipagsuntukan kay Oxygen.
"Sandali nga! Masasabunutan ko talaga ang batang 'to, eh!" Ibinigay nito ang hawak na kopita kay Uncle Roy at tinungo na ang dalawa.