Chapter Five

574 21 2
                                    


Hans and I knelt beside Meadow. He gently stroked her sweat-soaked coat, ako naman ay hindi malaman kung ano ang gagawin sa labis na takot na baka ako ang dahilan kung bakit muntik na kaming mapahamak.

"Natakot lang siya," kalmadong sabi ni Hans, patuloy pa rin sa pag-alo kay Meadow. "Kailangan niya lang ng pahinga."

"What happened? Did I do this to her?" I asked numbly, my mind still reeling from the intensity of the moment.

Hans, still catching his breath, turned to me with a reassuring expression. "Hindi mo kasalanan. Iritable na si Meadow bago mo pa sakyan. It wasn't your doing."

Hindi pa rin ako napalagay. "Ako ang may gamit sa kaniya kahapon at noong nakaraang araw. May sugat ba siya? Napagod ko ba?"

"Huwag kang umiyak, Caice," marahang puna sa akin ni Hans, ang mga mata ay pinanatili sa nanghihinang si Meadow.

I wiped away my tears with the back of my hand. I hadn't even realized I was crying.

"Kailagan niya lang ng pahinga," sabi pa niya. "Mamaya ay ayos na rin 'yan."

Hans was surprisingly gentle, a stark contrast to his usual gruff demeanor. Medyo nakakapanibago pero alam kong hindi ko na dapat iyon pinapansin sa mga ganitong pagkakataon. Si Meadow ang mahalaga! Siya dapat ang inaalala ko.

"She's in heat," pagkuwa'y paliwanag niya. "Hindi dapat siya pinasakyan ni Dumas. Mares can be unpredictable and irritable during these times. Hindi ligtas."

"I didn't know," my voice barely above a whisper.

Hinihintay kong magalit si Hans sa akin, o pagsabihan ako, o ano. Pero wala. Hindi iyon dumating.

"You couldn't have known," tahimik niyang sabi. "Si Dumas ang dapat may alam ng lagay ng mga kabayo. Paano kung napahamak pa kayong dalawa ni Meadow dito sa burol? Wala pa masyadong dumadaan dito ng ganitong oras."

Lumingon ako sa paligid, wala ngang tao. Tumikhim ako bago lakas loob siyang tinanong. "Sinundan mo ba kami dito?"

"Ano sa palagay mo?"

Sungit naman ng taong 'to!

"Bakit?"

"Nakita kong sinakyan mo si Meadow. Alangan pabayaan lang kita kahit alam ko ang kondisyon niya."

Kunsabagay. Hindi na ako nagsalita.

"Si Astron na muna ang gamitin mo. Kabayo 'yan ni Kade. Ako na ang magbababa kay Meadow sa kwadra," sabi niya habang patuloy pa rin sa paghaplos sa katawan nito. "Tumuloy ka na sa peak, mag-ingat ka na lang pababa at medyo matulin si Astron."

I shook my head. Muli kong tinignan si Meadow, kahit pa hindi naman ako aware sa kondisyon niya nang sakyan ko ay hindi ko pa rin maiwasang ma-guilty. Lalo pa't ako ang nagdala sa kaniya dito! I couldn't afford to leave her now.

"Hindi na," I sighed worriedly. "Sasamahan na kitang ibalik si Meadow sa kwadra."

Nilingon niya ako, kunot ang noo. "Hindi mo naman na kailangang sumama. Gawin mo na ang pamamasyal mo, ako na ang bahala sa kaniya."

Totoong nasa plano ko ang pag-akyat sa peak upang doon magpalipas ng maghapon kaya nga nagmadali pa akong umalis ng beach kanina, pero puwede ko pa naman iyong gawin sa susunod na araw. I couldn't abandon Meadow, kahit pa alam kong ligtas naman ito sa mga kamay ni Hans.

"I want to," I insisted, my voice stronger this time. "I need to make sure she's okay."

"She will be okay, Señorita Caice," malamig niyang sabi habang ang buong atensyon ay nakatuon lamang sa kabayong nanghihina pa rin.

Chaos and RainbowsWhere stories live. Discover now