Sa San Vicente kami nagtago ni Hans matapos ang pagkikita namin nang gabing iyon. Sa tabing dagat kami nanirahan bilang Alvaro at Cara. Pinutulan ko ang mahaba kong buhok baka sakali lang na may makakilala sa akin dito, Palawan pa rin ito kahit pa sabihing maliit ito kumpara sa San Jose at Soledad.
"Cara, halika, anak. Saluhan mo kami nina Mary Gail maghapunan," si Aling Sita iyon, kumakatok sa maliit na kubong nagsisilbing tahanan namin ni Hans sa loob ng lagpas isang buwan naming pananatili dito. "Baka gabihin na naman kasi sa laot ang mga asawa niyo, malipasan kayo ng gutom!"
Si Mary Gail ay anak nito, matanda lang ng kaunti sa akin. May asawa itong mangingisda, si Pedring, iyon naman ang kasama ni Hans mangisda araw-araw. Iyon ang trabaho niya simula nang mapadpad kami sa lugar na ito. Likas na masipag si Hans kaya hindi siya nahirapang kunin ang tiwala ni Mang Ambo, asawa iyon ni Aling Sita. Marami itong bangka na ginagamit sa pangingisda, bukod kay Hans at Pedring, marami pang taga sitio ang nagtatrabaho rito bilang mangingisda.
"Sige po, susunod na lang po ako may aayusin lang sandali." Sabi ko kay Aling Sita bago muling isara ang kawayang pintuan ng kubo.
Naglinis lang ako sandali, kaunting walis walis sa paligid tapos ay bumaba na rin ako. Sinundan ko sina Aling Sita sa nakahandang hapag sa kabilang kubo. Maliit lang ang komunidad, kaya halos lahat ay nagsasalu-salo lang sa kainan.
The moment I eloped with Hans, my father raised hell. It was as if a storm had erupted, one that I had only ever seen glimpses of until now. My father's wrath was boundless, and he unleashed it with a fury that shook the very foundations of our lives.
Sinimulan nitong pakialaman ang scholarship ni Hans, sisiguraduhin talagang mahihirapan itong makatayo sa sariling mga paa. My father wasted no time in cutting it off. The De Salvo Foundation, which my father had significant influence over, revoked the financial aid that Hans had worked so hard to earn. Hindi ako naniniwalang walang magagawa si Uncle Exodus sakaling lapitan ko ito upang humingi ng tulong, but if I did that ay siguradong matutunton ako ni Dad.
That scholarship was Hans's ticket to a better future, the culmination of years of dedication and hard work. My father destroyed it in a single, ruthless move. Dahil lang kaya niya.
Hindi pa doon natapos ang lahat. Dad was determined to ruin Hans completely, to make him regret ever getting involved with me. He filed a warrant for Hans's arrest, accusing him of kidnapping me. The absurdity of the accusation didn't matter; the power and influence my father wielded ensured that the warrant would be taken seriously. Hans became a fugitive, mabuti na lang at kadalasan sa mga taong pumaparito sa San Vicente ay lokal o 'di naman ay turista.
Dad's actions were meant to coax me out of hiding, to force me to return home and submit to his will. He believed that by making Hans's life a living hell, he could break my resolve. But he didn't understand the depth of my determination. He didn't realize that his attempts to control me only strengthened my resolve to stay with Hans, to fight for our love against all odds.
"Napakaganda mong bata talaga, Cara," masuyong sabi ni Aling Sita habang kumakain kami. "Bagay na bagay kayo ni Alvaro, ano? Matipuno at guwapo rin ang batang iyon!"
Maging si Mary Gail ay napangiti rin sa pahayag na iyon ng ina nito.
"Ilang buwan na nga kayong kasal?" Tanong nito na halos magpa-ubo sa akin. Iyon kasi ang sinabi ko sa kanila nang unang dating namin ni Hans dito, hinayaan niya naman akong magsinungaling. Syempre, alangan sabihin ko na nagtanan kaming dalawa! "Wala pa ba kayong balak na magka-anak? Itong sina Mary Gail nga ay balak nang gumawa ng pangalawa!"
Agad na namula at nahiya si Mary Gail bago umiling. "Nay, ano ka ba?! Hindi pa namin iyan napapag-usapan ni Pedring! Isang taon pa lang si Lea, hindi ko alam kung dapat na bang sundan! Kayo lang ni Tatay ang may gusto, eh. Kayo na lang kaya ang mag-anak!"