True to his words, Hans stayed in touch. Hindi kami maya't maya magka-text dahil marami siyang trabaho at ako naman ay naging abala na rin sa school na magsimula ang pasukan. Pero wala ring araw na hindi kami nagpapalitan ng text messages, maiksi man ang mga usapan namin ay nakukuntento na ako doon.Sinubukan ko siyang hanapin sa Facebook pero wala siyang profile doon. Kunsabagay, mukhang wala naman na siyang panahon para sa mga ganitong bagay. Sayang, mas maganda sana kung nakikita kong panay ang mukha niya kahit sa picture lang. Well, meron naman pala akong picture niya, iyong kinuhaan ko habang sakay siya ng kabayo. Doon ko na lang pinagsasawa ang aking mga mata.
"Caice, totoo bang kayo na ni Julian?"
Kunot noo kong nilingon ang kaklase kong si Therese matapos saglit na replyan si Hans upang ipaalam na tapos na akong mananghalian, nagtanong kasi ito.
"Saan mo naman napulot ang balitang 'yan, Therese?" Umiling ako at nagpatiuna nang naglakad papalabas ng canteen, agad naman siyang nakasunod. "Hindi kami. Kaibigan ko lang si Julian."
"Hindi ka kasi namin nakasama buong bakasyon, ang update lang na nakita namin sa socials mo ay ang mga naka-tag sa iyong pictures. At puro kayo lang ni Julian ang naroon!" Paliwanag niya.
I rolled my eyes, nakuha niyang kami na ni Julian dahil lang sa mga iyon? I did not even post those photos. "Well, hindi kami."
"Okay, so hindi nga kayo. Pero si Jeric naman ba at ang pinsan mong nagbakasyon mula sa states?" Usisa pa rin niya. Mabait naman si Therese, siya at si Lulli ang tanging mga naging kaibigan ko dito sa unibersidad.
"Siguro," I shrugged. Hindi ko na alam kay Kourtney kung anong nangyari sa kanila ni Jeric pero pakiramdam ko'y natapos na rin bago pa ito bumalik ng California. Hindi naman kasi si Kourtney ang tipong magtitiis sa long distance relationship lalo't marami namang lalaki doon sa kanila.
"Naka-post kasi sa Instagram ni Jeric ang mga larawan nila sa beach pero wala naman sa profile ng pinsan mo."
Typical Kourtney.
"Hindi ko alam, Therese. I don't know if sila pa or what, pero noong nakaraan pa bumalik ng US si Kourt, so I'm guessing hindi na."
Nakabuntot pa rin siya sa akin hanggang sa makabalik kami sa Biology building. Masyadong maraming tanong si Therese pero hindi naman ako naiinis, nasanay na ako. Tulad ko'y bilang rin kasi sa daliri ang mga kaibigan niya.
"Nakakulong ka lang ata sa rancho ng Uncle mo buong bakasyon," sabi niya nang makapasok kami sa classroom para sa susunod naming klase, naroon na si Lulli dahil hindi naman ito sumama sa amin na mananghalian. "Siguro'y ang lungkot mo doon..."
Oh, if she only knew. I had the best vacation! Hindi maihahalintulad sa ilang beses na pamamasyal namin sa Paris, kahit pa iyong ilang beses na paglilibot namin sa Champs-Élysées na sagot ni Tita Chi ang lahat ng gusto naming bilhin!
"Hindi naman, nag-enjoy rin naman ako." I downplayed my reaction dahil ayaw kong usisain pa niya ako ng husto tungkol sa bakasyon ko.
Naramdaman ko ang pag-vibrate ng cellphone ko mula sa bulsa ng aking skirt, dinukot ko iyon at pasimpleng niyuko. My heart skipped a beat when I saw Hans's name. I immediately opened his reply and saw it was just one word: 'Good.' I twitched my lips in slight frustration and put the phone back in my pocket without bothering to send another message.
This was typical of Hans. Napansin ko na ito sa kaniya; tuwing magte-text siya sa akin habang nasa klase ako, it was only to remind me to eat lunch or to stay safe on my way home. Kung minsan naman, gaya ngayon, kapag nag-inform ako sa kaniya ng isang bagay, isa o dalawang salita lamang ang magiging tugon niya.