Chapter Eighteen

245 16 2
                                    


Kinabukasan ay magkahawak kamay kaming bumalik sa ancestral villa para sabihin kay Uncle Roy ang napagpasyahan naming dalawa. Hans and I wouldn't elope, at least for now. Ihahatid niya akong pabalik sa mga magulang ko, titiisin naming pareho ang distansya at pakikibagayan ang lahat ng kagustuhan ni Daddy. Ipagpapatuloy namin ang kani-kaniya naming buhay. Si Hans ay ang trabaho at ang pag-aaral niya, ako naman ay ang pag-aaral ko rin. We would focus on that, hangga't sa mapatunayan namin kay Daddy na walang dahilan para paghiwalayin kami, para hadlangan kami.

I froze as soon as I caught sight of my father's car parked in the driveway outside the villa. Panic surged through me, my mind racing with questions. What was he doing here? He was supposed to be in Paris!

Alam kong inevitable na kaharapin namin si Daddy, but I didn't expect it would be this soon! Isa pa'y nasa business meeting siya hindi ba? Anong ginagawa niya dito ngayon?

I grabbed Hans's hand, my heart pounding in my chest. "We need to leave," I whispered urgently, my voice trembling with fear. "Dad's here, he's inside."

Parang hindi naman nagulat si Hans sa sinabi ko. Umiling lamang siya, tapos ay dumilim ang anyo.

"Napag-usapan na natin 'to, Caice. Haharapin natin ang daddy mo ng maayos dahil wala naman tayong dapat ikatakot, 'di ba?" he said, his voice steady despite the fear that had set in me. "What's the worst that could happen?"

I shot him a terrified glare, my eyes wide with panic. "He could kill you!" I hissed, my voice barely above a whisper. The thought of my father confronting Hans filled me with dread.

Hans squeezed my hand reassuringly. "Kaya natin siya, Caice. Dalawa tayo, 'di ba? Isa lang siya."

I hesitated, torn between the instinct to flee and the desire to confront my father head-on. But in the end, I knew I couldn't run from this forever. I had to face him, to stand up for what I believed in, even if it meant risking everything.

Tumango ako at pilit na nilabanan ang panghihina na lumulukob sa aking dibdib. Sabay kaming pumasok ni Hans sa loob ng villa at ang galit na tinig agad ni Daddy ang sumalubong sa amin. Nasa sala sila, kausap sina Uncle Roy at Mama Nae.

"How could you let that boy take my daughter? Nasan sila, Roy? Nasan si Caice?"

"Maupo ka, Vince. Hintayin mo—"

"Anong hintayin? You let them elope, for Christ's sake! Sa tingin mo'y babalik pa sila? Sa tingin mo ibabalik pa ng lalaking iyon ang anak ko? Pagkakataon niya nang makadali ng malaking isda, sa tingin mo'y pakakawalan pa niya? How could you let this happen, Roy?

"Hindi masamang tao si Hans, Vince!" Mariin ngunit may pagpipigil na sabi ni Uncle Roy. "Exodus and I can vouch for him. Wala siyang mga materyal na bagay na kaya mong bilihin, oo. But he was decent. Bukod pa sa masipag ay masikap. Respectful, too. Kung hindi ay hindi ko naman 'yan hahayaang basta na lang pumasok pasok sa loob ng pamamahay ko. Kaya nasisiguro akong ibabalik dito ni Hans si Caice. I let them leave last night dahil gusto kong piliin ka ng anak mo ng walang pagpipilit. Hans would open her senses, naniniwala ako doon."

Muling nangilid ang aking mga luha nang marinig ang mga sinabi ni Uncle Roy tungkol kay Hans. Ang pagtitiwalang meron ito kay Hans, kung sana ay ganoon lang rin kabukas ang isipan ni Daddy ay wala sanang magiging problema.

Natigil ang akmang pagsagot ni Dad nang makita kaming dumatig. Si Mommy ay nakatayo sa tabi nito, akmang lalapit ngunit agad na inabot ni Dad ang braso upang pigilan. He then glared sharply at our intertwined hands. Imbes na kumalas ay hinigpitan ko lamang ang kapit doon. Kailangan kong maging matibay, maging matatag.

Chaos and RainbowsWhere stories live. Discover now