Tahimik kaming pareho ni Hans sa byahe paakyat ng rancho, hindi ko gustong magbukas ng usapan at nasisiguro ko rin na wala itong balak gawin iyon. Kaya naman minabuti kong panatilihin ang aking tingin sa mga nadadaanan naming mga bukirin. Nakakainis lang dahil hindi matigil ang aking isipan sa paglilikot sa kung bakit nga ba wala siya ng dalawang araw sa rancho? Wala naman akong pakialam doon, kung ano man ang ginawa niya ay sa kaniya na 'yun.
"Didn't see you around the past days, huh?"
Dammit, Caice! Agad kong pinagalitan ang aking sarili pero huli na ang lahat, nasabi ko na. I immediately felt pathetic. Ito ako, parang tanga na pilit nakikipag-usap sa taong ayaw naman akong kaibiganin.
Hindi ako inimikan ni Hans, as expected. Nang balingan ko siya ay tutok ang kaniyang atensyon sa daan na para bang isang bagay lang at a time ang kaya niyang pagtuonan ng pansin, and it wasn't me.
Bigla kong naalalang inaya nga pala siya nung mga babae sa kubo last time. Hindi ko alam kung saan sila pumunta, baka kasiyahan. Kaya siguro wala siya ng dalawang araw. Napairap ako sa kaisipang iyon. Pero kunsabagay, sabi nga nililigawan niya 'yung isa sa mga iyon. Expected na hindi siya tatanggi sa paanyaya ng mga ito.
"Huwag mong kagalitan ang camera mo, baka masira."
Natigilan ako nang basagin ng baritonong tinig ni Hans ang katahimikan na namayani sa amin ng ilang sandali. Doon ko lang rin napagtanto na halos pigain ko na pala ang disposable camera na aking hawak, agad ko iyong ikinulbi sa messenger bag na nasa aking kandungan.
"May pinatrabaho sa akin ang mga De Salvo sa kabila," sabi niya nang hindi ako magsalita, patungkol sa ilang araw niyang pagkawala. And by the 'De Salvo sa kabila' meant sa kanila Tita Moana at Uncle Exodus. "Pinapaayos ang lawn ng mansion nila at kailangan ng karagdagang tao na ttrabaho."
Hindi naman niya kailangan na magpaliwanag, but it made me glad he did. Pero... "Eh, may lakad ka nu'ng Sabado, 'di ba? So, kahapon ka lang sa kanila?"
Saglit niya akong sinulyapan bago pihitin pakaliwa ang manibela at muling tutukan ang daan. "Dumiretso ako doon pagtapos ng lahat ng gawain ko rito sa rancho Biyernes pa lang ng gabi," simple niyang paliwanag.
"Hm," napabaling ako sa labas ng bintana. "Magtatampo 'yung nililigawan mo..."
"Wala akong nililigawan, Señorita Caice." Magaan ang paraan ng pagkakasabi niya nu'n, parang nanunuyo. Dammit! Bakit naman siya manunuyo? Wala naman dapat suyuin!
"Hindi ata 'yan ang alam doon sa kubo," kinagat ko ang aking ibabang labi. Hindi ba ako puwedeng manahimik na lang? Nakakahiya na ang mga sinasabi ko! I shouldn't care kung may nililigawan nga siya o wala. Buhay na nila 'yan!
"Pero iyon ang alam ko," his gentle voice soothed my ears in ways it shouldn't have. "Saan mo pala balak mamasyal ngayon, Señorita Caice?"
Right. I was his job now. Hindi syempre siya makakatanggi dahil iyon ang utos sa kaniya ni Uncle Roy. Napanguso ako habang sinisilip ang langit mula sa bintana ng sasakyan. Hindi naman iyon madilim, ngunit hindi rin naman maaliwalas.
"Huwag mo na akong samahan baka mas kakailanganin ka sa rancho,"
"Hindi naman siguro ako uutusan ng tiyuhin mo na samahan ka kung may mga kailangan siyang ipatrabaho sa akin sa rancho," he replied, his voice steady.
I sighed, feeling a mixture of frustration and helplessness. The last thing I wanted was for him to feel obligated to accompany me, kahit pa nga ba hindi nakikisama ang panahon sa gagawin kong pamamasyal. Puwede ko naman sanang ipagpaliban, kaya lang tuwing maiisip ko na bilang na lang ang pananatili ko sa rancho at uuwi na naman ako sa amin ay nanghihinayang ako.