"Galing ba iyan kay Hans?" Nakangiting tanong ni Mommy habang pinagmamasdan ako mula sa repleksyon sa salamin. Inginuso niya ang gold bracelet na nakakabit sa aking palapulsuhan, hindi ko kasi iyon pinaalis nang bihisan na ako para ngayong gabi. "Maganda, ah. Bagay sa'yo."
"Thank you, Mom," hindi ko maitago ang kilig ko kapag naiisip kong boyfriend ko na si Hans. Simula nang gabing iyon sa perya ay mas namahay na siya ng husto sa aking isipan, hindi lang doon, kundi maging sa puso ko. "Regalo niya sa akin for Christmas and New Year,"
"Ikaw? Ano naman ang ibigay mo sa kaniya? Baka wala, ah! Nakakahiya!" Tumawa si Mommy, patuloy sa pag-aayos ng aking buhok.
"Syempre, meron!" I laughed gently.
Noong isang araw ay ipinakita ko sa kaniya ang picture ni Hans, 'yung kuha namin sa roller coaster. Naikuwento ko rin sa kaniya kung paano at saan ko nakilala si Hans. At ngayong gabi, plano ko sanang pormal siyang ipakilala sa aking mga magulang. He was too important to me para hindi ko gustuhing makilala siya nina Mommy at Daddy.
"Well, I'm excited to meet him!" Masiglang sabi ni Mommy bago gawaran ng magaan na halik ang tuktok ng aking ulo. "Oh, Caice! Parang kailan lang baby ka pa, ngayon ay may boyfriend ka na."
"Baby mo pa rin naman ako, Mom." Tumatawang humilig ako sa kaniya, niyakap ko rin aking kaniyang braso. "Forever. Kahit magkaron pa ako ng boyfriend, tumanda man ako, magka-asawa. Baby mo pa rin ako!"
"That's for sure!" Malambing niya akong niyakap at hinalikan sa pisngi. "Happy birthday, darling..."
The night of my eighteenth birthday was nothing short of magical. The Cameron Hotel and Resort was transformed into a lavish setting, adorned with elegant decorations in soft pastels and twinkling lights. The grandeur of the event reflected the importance of this milestone in my life. All the De Salvos were there, even the ones who lived in the States had made the effort to fly back to celebrate with me.
Excited na excited si Kourtney para sa akin, talagang ilang beses niya akong pinuntahan para yakapin at batiin. Lumayo lang siya nang magsimula na ang program na inihanda ng mga organizer para ngayong gabi.
I had given Hans an invitation weeks ago and had been looking forward to seeing him tonight. As the guests mingled and enjoyed the exquisite buffet, I sat tight in the middle of everything, feeling a mix of excitement and nervousness.
Hindi ko pa kasi siya nakikita, but I knew he would come. Pinangako niya sa akin na makakarating siya. Ayos lang naman sa akin kung mahuhuli siya, ang mahalaga ay pupunta siya.
The program started with a beautiful video montage of my childhood, causing many to shed a tear, including me. Then, the time came for the traditional eighteen roses dance. Men had lined up, mostly my cousins, eager to take their turn. But the first dance was reserved for my father.
Nagpalakpakan ang lahat ng bisita nang lapitan ako ni Daddy at masuyong naglahad ng palad sa aking harapan. He looked a lot younger than his actual age, ganoon siguro talaga kapag tumatandang kasama ang mga mahal sa buhay.
"May I have this dance, love?" he asked, his eyes shining with pride.
Sandali kong sinulyapan si Mommy na nakatayo sa hindi kalayuan, pinapanuod kami habang panay ang pahid paalis sa mga takas na luha sa kaniyang mukha.
"Of course, Dad," I replied, feeling tears prick at the corners of my eyes as I took his hand. "Nakakahawa naman ang iyak ni Mommy!"
Tumatawang iginiya niya ako sa gitna ng dancefloor. "Hindi ka pa ba sanay sa mommy mo? Lahat, basta tungkol sa inyo ni Icen ay iniiyakan niya."
Natawa rin ako dahil totoo naman iyon. As the music began, we moved in sync, surrounded by the admiration of our family and friends.
"You've grown up so fast," he whispered, his voice thick with emotion. "I'm so proud of the woman you've become, darling."