Chapter Twelve

676 28 1
                                    

Dad didn't like Hans. Nakuha ko na ang mensahe na nais niyang ipahatid kagabi sa naging pakikitungo niya sa boyfriend ko, pero wala akong pakialam. Mahal ko si Hans, isa pa, wala naman itong ipinapakitang hindi maganda sa akin o sa kung sinuman. Kaya hindi ko rin talaga maintindihan kung ano ang problema ni Daddy.

Pinigil ko ang pagsimangot sa hapag nang buksan niya ang usapan tungkol kay Hans at tahasang sabihin na hindi niya gusto ang pakikipagrelasyon ko rito. Bukod sa masyado pang maaga para makipagtalo ay hindi rin maganda na nag-aaway sa harap ng pagkain. Isa pa, bibihira na makumpleto kaming apat sa hapag, bukas ay aalis na ulit si Icen.

"Vince," marahang sita sa kaniya ni Mommy bago ako nito balingan ng nagpapaumanhing ngiti. "Kumain ka na, Caice."

Iyon na nga ang ginawa ko. I focused on the pancake Mom had put on my plate, sa gilid ay nakahilera ang iba't ibang syrup. Kumuha ako ng isa at nilagyan ang ibabaw ng pancake ko. Sandali kong inilipat ang tingin kanila Mommy at Icen. Mom was eating her breakfast but would glance on Dad from time to time. Si Icen naman ay tutok ng husto ang atensyon sa plato na para bang sobrang interesante ng kinakain nito. Alam kong paraan nito iyon para iwasan ang tensyon na ginawa ni Dad.

"Maraming oportunista ngayon, Caice. Mabuti nang maging maingat ka sa pagpili ng mga sasamahan mo." Hindi pa rin natigil si Dad. "Hindi ko gusto ang Hans na iyon."

I sighed deeply and turned to face Dad, feeling a surge of annoyance rising within me. Lahat ng pagpipigil na kanina ko pa pinagsusumikapan ay unti-unting kumakawala. Hindi ko hahayaang kung anu-ano na lang ang sabihin niya kay Hans. He didn't even know Hans!

"What do you mean by that?" I asked, my voice sharp. "Are you insulting Hans because he doesn't have as much money as we do? That's not fair, Dad. Hans is anything but an opportunist."

Dad's gaze remained stern and unwavering. "Caice, you're young. You don't see things the way we do. Madali kang maloloko kung hindi ka mag-iingat. At maraming manloloko sa panahon ngayon."

"Hans isn't one of them," I insisted, feeling hurt by his words.

Parang ako ang sinasabihan at ininsulto niya dahil ako naman ang nagtitiwala ng buong-buo kay Hans. It had been a while since I'd known him at ni minsan ay hindi niya ako pinahamak. Kaya ano itong pinoproblema ni Daddy?

"He works hard and earns his own living. He doesn't need our money or our name to define who he is." Kung iyon ang inaalala niya ay tatawanan ko na lang siya. "Walang pakialam si Hans kung De Salvo ako, Dad."

"Vince, Caice..." Tumikhim si Mommy, pasimpleng inaawat ang humahaba na naming pagtatalo. "Kailangan bang dito niyo pag-usapan iyan sa hapag?"

"Mom! Would you tell Dad to stop? Hindi masamang tao si Hans!" Binalingan ko si Mommy, naging mailap ang kaniyang mga mata.

Why did it feel like she knew something I didn't? She liked Hans! Kagabi! I saw it! She liked him!

Bigla akong nanghina. Parang nawalan ako ng kakampi. Mom was clearly taking Dad's side, sa hindi ko malamang kadahilanan. Ano? Dahil ba mahirap si Hans, ganoon?

"Vince," sinaway pa rin nito si Daddy, pasimpleng hinaplos ang braso bago ako balingan. "Ang sinasabi lang naman ng daddy mo, Caice, ay hindi masama kung mag-iingat ka sa mga pagkakatiwalaan mo. Gaano katagal mo na bang kilala si Hans? Gusto lang namin ng daddy mo na pag-isipan mong mabuti ang mga pasya mo. Totoong buhay mo 'yan, oo. Pero anak ka namin. We will always worry about you."

Bago pa ako makapagsalita ay inunahan na ako ni Dad.

"You could have chosen someone better, someone like Julian Lagdameo. He comes from a good family, has a stable future, and—"

Chaos and RainbowsWhere stories live. Discover now