Halos madaling araw na nang matapos ang party sa mansion ng mga Lagdameo kagabi. Thankfully, hindi naman uminom si Kourtney o kung nakatakas man siya'y kaunti lang. She was stone-cold sober nang sunduin kami ni Mang Gener at ibalik sa villa kung saan talagang naghihintay sina Uncle Roy at Mama Nae sa amin sa sala. Sa kanila kasi kami ipinagkatiwala ng aming mga magulang, kaya talagang hindi sila matutulog hangga't hindi kami nakakauwi. Hindi rin naman nila kami tini-text o tinatawagan para sabihing umuwi na, talagang hinintay lang nila kami. Kung ako ang nasunod ay umuwi na kami wala pang alas nueve.
"Caice, gising ka na pala! Halika at saluhan mo na kami, beh!" Masiglang sabi ni Mama Nae nang tunguhin ko ang komedor kung saan nakahain ang inihanda nitong almusal. Alam kong ito ang nagluto ng mga iyon sa paraan ng pagkakasalansan sa lamesa.
Ano nga 'yung sabi ni Tita Chi rito isang beses? She was the epitome of a farm wife. Wala dito sa villa ang hindi nito naaasikaso.
"Si Kourtney ba'y tulog pa?" Si Uncle Roy iyon na nasa kabisera.
"Panigurado," Kade, sitting on his right side, chided.
Magsasalita pa lamang sana ako para sabihin na kinatok ko kanina ang silid ni Kourtney bago ako bumaba ngunit pagalit na ungol lamang ng nadistorbo ang isinagot nito sa akin, binato pa nga nito ng unan ang pinto malamang, pero bigla akong natigilan. I felt a knot form in the pit of my stomach as I realized who was sitting next to Kade.
Si Hans.
Si Hans na naman.
Katulad ulit ng suot niya kahapon ng umaga ang bihis niya ngayon, puting shirt at malamang ay kupasing maong ulit ang pang-ibaba. Hindi rin katulad ng ayos niya kagabi sa party, walang pomada ang kaniyang buhok na malayang inililipad at ginugulo ng preskong hangin mula sa mga nakabukas na naglalakihang mga bintana sa palibot ng komedor.
Hans seemed utterly engrossed in his meal, his focus solely on the food before him. His brow furrowed slightly in concentration as he speared a piece of meat with his fork, parang labis naman ata ang interes niya roon.
Kagabi, matapos niyang i-serve sa amin ni Julian ang ginawang inumin ay hindi ko na siya muli pang nakasalamuha. Naging abala na rin sa pag-asikaso ng iba pang mga panauhin. Ako naman ay naging tutok sa pagbabantay kay Kourtney.
"Tulog pa nga po," sabi ko na lang bago dumiretso sa hapag at naupo sa tabi ni Mama Nae, kaharap ni Hans. Hindi ko tuloy maiwasan na titigan siya.
Agad akong inasikaso ni Mama Nae, naglagay siya ng pancake sa aking plato dahil alam niyang iyon lang ang hilig kong kainin sa umaga. She even lined up the syrups for me, letting me pick my poison for breakfast.
"S-si Thalia po?" Pagbubukas ko ng usapan para lang sadyain na alisin sa aking isipan si Hans. I had know idea why he bothered me this much!
"Sa Monteguerro iyon natulog, mamayang tanghali pa ihahatid." Mama Nae replied. "Nakiusap kasi sa amin iyon kahapon, ayaw na naman humiwalay kay Romee."
"Kung wala akong gagawin mamayang hapon ay ako na lang po ang susundo," Kade said, nilingon si Tito Roy. "Itatanong ko na rin kay Uncle Red ang tungkol sa distilerya para mas mapag-usapan."
"Mabuti pa nga," isang tango ang iginawad rito ni Uncle Roy. When it came to deciding for the betterment of the ranch, malaki ang tiwala ni Uncle Roy sa mga desisyon ni Kade.
Nagpatuloy ang kanilang usapan, nauwi na sa ilang mga gawain sa rancho na kailangan matapos bago pumasok ang tag-ulan.
I found myself stealing glances at Hans whenever I thought he wasn't looking. Involuntary iyon! Tuwing mapapa-angat ang aking tingin mula sa kinakaing pancake ay sa kaniya lumalandas dahil siya ang nasa aking harapan. Pero sa tuwing gagawin ko iyon ay pirmi ang pagkakayuko niya sa kinakain, hindi ko tuloy makuha kung naiirita ba siya o ano.