Chapter Four

633 22 0
                                    


Natuloy ang pamamasyal namin ni Kourtney sa beach kasama ang magkapatid na Lagdameo. Si Kourtney ang nagpaalam kanila Tito Roy at Mama Nae, hindi ko nga alam kung bakit hindi niya pa pinaalam na susunduin kami ng dalawa para sana nakatuloy ang mga ito hanggang sa villa, hindi 'yung kinailangan pa namin magpahatid hanggang bukana ng Soledad.

"Malapit na lang dito ang sa inyo, 'di ba?" Tanong ni Julian sa akin habang pareho kaming nakatanaw sa asul na karagatan.

Tumango ako. "Sa kabilang bahagi ng isla. Kalahating oras kung yate ang gagamitin, isa kapag bangka. Kapag speed boat ay mas madali."

"Miss Caice, pinapatanong po ng daddy niyo kung may kailangan pa kayo,"

Tiningala ko ang unipormadong staff ng hotel na lumapit sa lounger namin ni Julian. Kami lang dahil nasa dagat sina Kourtney at Jeric. I didn't feel like swimming, kaya ayos na sa akin itong magbilad. Sinabihan ko naman si Julian na ayos lang sa akin maiwan mag-isa kung gusto niyang saluhan ang dalawa, pero mas pinili niyang dito na lang rin.

"We're fine," I said with a tight smile.

Isa sa hindi ko gusto kapag narito ako ay kapag nalalaman ni Dad. Hindi puwedeng hindi niya ako palalapitan sa isa sa mga staff, pahahatiran ng kung ano, tatanungin kung may kailangan. I understood that he was just doing those things to make sure I was okay, but sometimes, it was borderline suffocating. Hindi ko nga lang ito masabihan dahil mahal na mahal ko ang daddy ko. Bukod pa sa mas maingat ito sa akin kaysa kay Icen dahil ako ang babae.

"And tell him there's nothing to worry about," pahabol ko atsaka sinulyapan si Julian na tahimik lamang na nagmamasid habang sumisimsim sa fruit shake na inorder namin kanina. "Julian Lagdameo ang pangalan ng kasama ko. If he has time, puwede niya kaming babain para ipakilala ko sa kaniya ng personal."

Kita kong halos maubo si Julian sa aking sinabi, medyo nag-panic rin. Ang babaeng kausap ko naman ay dali-daling tumango at tumalima. Totoo naman ang sinabi ko, kung gusto ni Dad na malaman kung sino ang kasama ko ay puwede naman siyang bumaba. Hindi ko naman siya itataboy.

Pero syempre, matapang lang rin ako dahil alam ko naman na hindi 'yan gagawin ni Dad. He had more important thing on his plate para pag-aksayahan ng oras kami ni Julian.

"Bababa ang daddy mo?" Hindi mapakaling tanong ni Julian.

"Oh, relax!" I rolled my eyes, inabot ang aking inumin at muling tumanaw sa karagatan. "Masyadong abala iyon, maraming ginagawa. Hindi niya tayo pagsasayangan ng oras."

Julian continued to fidget and cast nervous glances towards the hotel, natatawa tuloy ako. Para kasi siyang takot na takot kay Daddy.

"Julian, my father has better things to do than spy on us all day." Naiiling na binuksan kong muli ang libro na aking binabasa. "Isa pa, wala naman tayong ginagawang masama. Hindi dapat tayo mabahala katulad ng dalawang 'yun,"

Nginuso ko sa kaniya ang kinaroroonan nina Kourtney at Jeric, malayo man ay halata namang naghahalikan ang dalawa. Hindi ko rin alam kung saan kumukuha ng tapang si Kourtney na gawin 'yan. At dito pa talaga kung saan kilalang kilala siya ng lahat.

Tumawa si Julian pero ramdam kong hindi pa rin siya mapalagay kaya muli ko siyang hinarap.

"Dad might be a bit obsessive at times, but he knows how to respect boundaries. Hindi iyon basta-basta na lang susulpot dito. Ang papuntahan lang ako sa mga staff, 'yan na ang extent ng paninigurado niyang ayos lang ako."

Julian still looked unconvinced, his gaze lingering anxiously on the hotel.

"Julian, hindi naman kita boyfriend. Huwag kang kabahan! Enjoy mo lang 'yung araw! Sayang!" Humalakhak ako.

Chaos and RainbowsWhere stories live. Discover now