"Oh, come on, Caice! Samahan mo na ko, please? Saglit lang naman tayo. Uuwi rin tayo agad bago pa gumabi ng husto." Pamimilit ni Kourtney sa akin, ngumiwi siya nang makitang lagyan ko ng maple syrup ang pancake na inihanda sa amin ni Manang Amor. Lalo ko siyang inasar at dinamihan pa ang syrup. "You're killing me!"
"Ano?" Painosente akong tumawa. "Hindi ko naman ipapakain sa'yo ito!"
Kourtney doesn't eat anything with sugar. Ilang beses niya rin akong sinabihan tungkol sa bagay na iyan, kaya lang sa mundong ito ay asin na lang siguro ang walang halong asukal. Isa pa, hindi naman ako maarte at mapili katulad niya.
Inirapan niya lang ako at muli na namang binalikan ang kinukulit niya sa akin kanina pa. "Sumama ka na sa akin, Caice. Hindi ako papayagan ni Mommy kung ako lang. Wala sanang problema if Dad was here," she sighed, mukhang kawawa dahil nagpapa-awa. But I knew Kourtney better than anyone in the family. Drama niya lang 'yan para makuha ang gusto.
"Bakit ba kasi gusto mong puntahan ang birthday party na iyon? Wala ka namang halos kaibigan sa mga iyon, ah?" I asked as I took a bite of the pancake, the sweetness of the syrup flooding my senses.
"Well," iniwasan niya ako ng tingin bago umabot ng ubas na nakapagitan sa aming dalawa. "I'll go there to make friends! Hindi ba puwede 'yun?"
Puwede. Kaya lang aanhin niya naman ang dagdag na mga kaibigan sa San Jose kung sa susunod na linggo ay babalik na rin naman sila nina Uncle Kurt at Tita Corrine sa California, may tinatapos lang talaga si Uncle Kurt sa Manila kasama sina Dad and Tita Chi.
Duda kong pinagmasdan si Kourtney. Sa lahat sa aming magpipinsan ay siya ang pinak-spoiled, lahat ng gusto ay nakukuha, kundi pa bago ibigay ng daddy niya. Lance was spoiled too, kaya lang ibang klase si Kourtney. I was certain she would bankrupt anyone who would end up with her. Kaya dapat talaga ay makapag-asawa siya ng mas mayaman pa sa tatay niya.
"Ang sabihin mo ay gusto mong makipaglapit kay Jeric Lagdameo!" Inirapan ko siya nang bigla niya akong ngisihan.
Alam ko na talagang ang bunsong anak ng governor sa Puerto Princesa ang gusto niya at hindi kung ano pa. Kababalik lang nito sa Pilipinas noong isang buwan, laking Australia kaya naman pinagkakaguluhan. Hindi ko lang akalain na maging si Kourtney ay makikigulo. Siya ang pinagkakaguluhan, not the other way around.
"Alam mo naman na pala, eh! Samahan mo na ko, please?" Muli niyang pakiusap. "I swear, wala akong ibang gagawin. Invited naman ako ng kapatid niya, eh. Sinabi ko rin na kung pupunta ako ay isasama ko ang pinsan ko. Hindi tayo gate-crashers kung sakali!"
"Paano mo naman nakilala ang kapatid ni Jeric Lagdameo?" Tinaasan ko siya ng kilay, kung hindi ako nagkakamali ay si Julian Lagdameo ang tinutukoy niya. I knew Julian from high school, naging magkaklase kami ng ilang taon pero hindi sapat para tukuyin ko siya bilang kaibigan ko, dahil na rin siguro hindi naman ako friendly na klase ng tao.
"Oh, si Julian? He added me on Facebook nang huling uwi namin dito. Tapos paminsan ay nagkaka-chat kami, nasabi ko nga sa kaniya na uuwi kami nina Mommy ngayon dito sa Soledad, kaya niya rin ako inimbitahan sa birthday party ng daddy niya."
"Kay Kade ka kaya magpasama, wala ka naman palang gagawin na kalokohan..." Nanunukat ko siyang tinignan, kilala ko si Kourtney, tuwing sasabihin niyang wala ay highly likely na meron.
"Boring nu'n!" Humalukipkip siya sabay simangot. "Siguradong hindi niya ako papakawalan kahit five minutes para man lang makapag-enjoy!"
"Hindi ako papayagan ni Mom," kunwaring sabi ko pero ang totoo ay hindi ko lang talaga gustong makipaghalubilo sa kahit sino. Wala pa man ay napapagod na ako.