Chapter Ten

228 13 4
                                    


Nasundan pa ang mga paglabas-labas namin ni Hans tuwing may pagkakataon. Time flew by so quickly that it felt like the year had passed in the blink of an eye. Every day was a blur of classes, assignments, and spending time with Hans. Siya talaga ang highlight ng buong taon ko, adding joy and excitement into my life. Tuwing Biyernes, without fail, he would pick me up after school, and we'd go somewhere—sometimes to a quiet café or the pizzeria, other times to a secluded spot in the park where we could talk for hours about everything and nothing. Mas madalas ko siyang ayain sa park para wala kami masyadong kailangang gastusin, ako ang nagdadala ng picnic basket namin at pinupuno ko iyon ng kung anu-anong puwede naming pagsaluhang dalawa.

Sa buong taong iyon din ay mas marami pang sinalihang motocross events si Hans, each one seemingly more intense than the last. He always won, hindi ko kailanman nakita kung paano siya sa racetrack pero hindi naman rin siya mananalo lagi kung hindi siya magaling. The races were brutal. The sight of him limping or sporting new bruises and cuts was enough to make me decide never to watch him do that. I couldn't stomach the anxiety and fear of seeing him get hurt. Kuwento pa nga lang ay halos panawan na ako ng malay sa labis na pag-aalala. Kaya madalas ay ganoon ang ginagawa namin. Hindi ko siya pagbabawalan na sumali, pero hindi rin ako manunuod. Ayaw ko. Ayaw ko talaga.

Tuloy lang sa pagttrabaho at pag-aaral si Hans, hindi ko gusto na sobra siyang maabala kaya never rin akong nag-demand ng oras niya. I would always wait for his text, tuwi naman kasi may libreng oras siya ay ako ang una niyang naiisip, ako ang una niyang kakausapin. Isa pa, alam ko rin na he would drop whatever he was doing just so he could respond to me, kaya hindi ko siya basta mini-message o tinatawagan.

It's all been a blur. Before I knew it, it was January again. The holiday season had just ended, and I had returned home from a vacation in California with the whole De Salvo clan. Sina Uncle Kurt at Tita Corrine ang nag-host. I enjoyed it, kaya lang hindi ko nakita si Hans ng ilang linggo rin kaya malungkot. Mabuti nga at napilit ko siyang gumawa ng Viber bago kami umalis, kundi ay baka hindi rin kami nakapag-usap sa tatlong linggo na wala ako.

"Good morning, anak," nakangiting bati sa akin ni Mommy nang makababa ako mula sa aking silid.

May ilang tao sa sala, pinapalibutan ang center table kung saan nakalatag doon ang iba't ibang magazines at brochures, may mga maliliit na sample din ng iba't ibang klase ng tela. Halata ang excitment sa mga mata ni Mommy nang lapitan ako dala ang dalawang klase ng mga bulaklak, Ranunculus and Hydrangeas, all were pink.

"Malapit na ang birthday mo, kaya dapat ay ayusin ng mabuti ang lahat!" Humalik siya sa aking pisngi at inakay ako papalapit sa lamesa kung saan nagkakagulo ang ilan pa niyang mga kasama.

Right. It was January, and the sixteenth was fast approaching. That explained why she was in full planning mode. I looked around and realized na hindi lang sila ang tao sa bahay. Our house was abuzz with preparations—decorations, catering, the guest list, everything. Gusto ko sanang sabihin kay Mommy na hindi naman mahalaga sa akin na magkaroon ng magarbong party, kaya lang hindi ko gustong sirain ang excitement niya sa ginagawang paghahanda.

"Naipadala na rin ang invitations sa lahat ng mga kaklase mo, mga kaibigan ng pamilya at iba pa." Pagbabalita niya sa akin, nakakapit pa rin sa aking braso. "Uuwi rin si Icen sa isang araw! Bukas naman ay magiging abala ka, pupunta tayo sa resort para sa practice ng Cottilion!"

My brother Icen would fly home as requested by Mom. Ito kasi ang escort ko sa gabing pinaplano niya. I smiled and nodded, kahit pa hindi ko sana gustong ubusin ang araw ko bukas para sumayaw-sayaw ay hindi ko rin naman matatanggihan ang mommy ko.

"Mom, puwede ba akong humingi ng invitation card?" I asked. Syempre, I would want Hans to be in my birthday. Hindi ko siya isinama sa list nang ipa-check sa akin iyon ni Mommy dahil gusto kong ako ang personal na mag-imbita sa kaniya.

Chaos and RainbowsWhere stories live. Discover now