Nang mga sumunod na araw ay mas dumalas pa ang pagsama sa akin ni Hans sa pamamasyal at pangangabayo ko sa palibot ng rancho, kahit pa maaliwalas naman ang panahon. Noong una'y akala ko napipilitan lang siya na makipagkaibigan sa akin, but then, he never made me feel like I was nothing more than an obligation."Message mo na lang ako kung sasabay ka sa akin mamaya pabalik ng villa para hintayin kita," sabi ni Kade matapos ihinto ang truck sa tapat ng kuwadra, mamamasyal kasi ako ulit.
Tumango ako bago tumalon pababa. "Salamat, Kade!"
Kumaway pa ito sa akin bago muling paandarin ang truck, sa farm ang tungo niya ngayon dahil malapit na ang anihan, mas kailangan siya doon ni Uncle Roy. Nang tuluyang makaalis si Kade ay naglakad na ako papasok ng kwadra, agad kong nakita si Hans na nasa pinakadulong stall, iniikot at inililigpit ang hose na ginamit sa paglilinis.
Ganito ang madalas naming eksena nitong mga nakaraan. He would finish all his tasks as earlier as he could, tapos ay sasamahan na niya akong mamasyal. Kung minsan, kapag sobrang daming gawain ay ako naman ang maghihintay sa kaniya. Wala namang kaso dahil natutuwa naman akong panuorin siyang mag-trabaho.
"Kunin ko lang ang damit ko," sabi niya sa akin nang malingunan akong nakatayo sa gilid.
Sukat doon ay biglang bumaba ang aking tingin sa hantad niyang dibdib. Kitang-kita ko ang pagkislap ng pawis sa kanyang balat, his sweaty torso was once again keeping my eyes in place.
"Sure," pilit akong tumango. "I'll wait here."
Tinungo niya ang maliit na quarters nila sa likurang bahagi ng stable at nang mawala siya sa aking paningin ay pasimple kong isinandal ang aking bigat sa katabing poste, sinusubukang kalmahin ang aking mabilis na tibok ng puso. I never had a crush on someone, sa school man o saan. Kaya hindi ko masisiguro kung ito na nga ba iyon. But Hans has had this effect on me since the first time I saw him.
Ilang sandali pa ay bumalik siya, suot na ang isang puting kamiseta na bahagyang nabasa dahil hindi man lang niya tinuyo ang dibdib niya bago magbihis, basta na lamang isinuot iyon.
"Tara na?" Tanong niya habang naglalakad papalapit sa akin. "Nananghalian ka na ba?"
Umiling ako, nagmadali kasi akong makapunta rito. Kahapon kasi ay sumama ako sa Manila para ihatid si Kourtney, babalik na kasi silang California. Gabi ang flight nila kaya naman umaga na kami nakabalik ng rancho ni Mama Nae.
"I had breakfast though," sabi ko sa maliit na tinig. Baka kasi mamaya ay hindi niya ako samahan na mamasyal dahil lang sa hindi ako kumain ng tanghalian. Mabilis ko rin kinuha mula sa messenger bag ko ang maliit na ziplock na may lamang dalawang pirasong caramel brownies na gawa ni Mama Nae, ipinakita ko iyon sa kaniya. "I have this pa, oh. Tig-isa tayo!"
Hans's gaze lowered to the brownies I was showing him, and he twitched his lips as though fighting a smile. Clearing his throat, he said, "sa kubo muna tayo. Mananghalian tayo doon, hindi pa rin ako kumakain."
He walked towards the hook where the keys hung and grabbed the one for the truck parked outside.
I nodded, slightly pouting as I tucked the brownies back into my bag. Ayos lang naman, kaya lang hindi ko kasi gusto ang idea na pupunta kaming dalawa sa kubo. Naroon kasi 'yung mga may crush sa kaniya, sabi pa nga ay nililigawan niya 'yung isa. But then, sabi niya ay hindi naman. Kainis! Sana pala kumain na lang muna ako sa villa bago nagtungo dito.
The ride to the kubo was filled with a comfortable silence, the only sounds coming from the gravel crunching under the tires and the occasional rustle of the wind through the trees. Hindi ko gustong magpanimula ng usapan dahil hindi ko rin alam ang aking sasabihin. Si Hans naman ay natural ng tahimik kaya tutok lang ito sa daan.