Malory
It was already 1am when I arrived sa apartment na tinutuluyan ko na for 2 years. This has became my routine since naging dalawa ang trabaho ko. Bukod sa dalawa kong trabaho, minsan may sidelines din ako dahil hindi ako pwedeng maubusan ng pagkakakitaan.
My family depends on me. Kung noon ay buhay mayaman kami, ngayon nagkandaleche-leche na lahat. Everything went downhill since namatay si Dad. Lahat ng ari-arian namin ay kinailangang ibenta para mabayaran lahat ang utang na meron si Dad. Ang nanay ko naman ay bumalik sa pagiging nurse niya abroad para maitaguyod ang pag-aaral ko pero nung na-diskubre namin na may stage 3 breast cancer siya, pinilit ko siyang umuwi nalang dito sa Pilipinas para maalagaan ko siya kahit na ang kapalit nito ay ang paghinto ko sa pag-aaral.
Ayaw ko rin naman huminto nung mga panahon na yun lalo na't isang taon nalang ay g-graduate na sana ako. Kaya lang kailangan namin ng malaking pera para mapa-operahan ang nanay ko. I was left with no choice but to sacrifice my education.
Pagkatapos kong maligo ay agad akong nagpatuyo ng buhok at inayos ang susuotin ko para sa unang trabaho ko kinabukasan. At mornings, I work on a coffee shop at pag gabi naman ay nagt-trabaho ako bilang bartender. Sobrang nakakapagod ang routine ko at kung minsan ay halos wala akong pahinga pero alam kong kailangan kong gawin to. Palala na ng palala ang kalagayan ni Mom at kung hindi ko to gagawin baka mas lalong hindi ko kayanin ang mga maaaring mangyari.
Nang maayos ko na lahat, humiga na ako para matulog. I only have 5 hours left para matulog kaya hindi na ako nag-aksaya pa ng oras at mahimbing ng natulog.
6:00AM
When my alarm started to rang off, agad ko itong pinatay at pinilit ang diwa ko na magising na. Gustong-gusto ko pa matulog kaso lang my work starts at 8am. Kailangan ko pang mag-allot ng halos isang oras para bumyahe.
Agad na akong nag-asikaso at pumasok na rin sa trabaho. Pagdating ko ay sinalubong ako ni Selene. Isa siya sa mga matalik kong kaibigan simula ng pumasok ako sa coffee shop na to. Hindi siya hikahos sa buhay katulad ko pero ginusto niyang pumasok bilang barista dahil ayaw niyang umasa sa allowance na galing sa mga magulang niya. Pampalipas oras niya na rin daw ito lalo na't pinapahinga niya ang sarili niya simula nung grumaduate siya.
"Anteh ko! Muntik ka na ma-late mukhang ginabi ka na naman sa trabaho mo kagabi ah" Salubong ni Selene sakin.
"Hay nako, Sel. Buti nga kung ginabi lang eh inumaga pa nga antok na antok pa ko" Wika ko at habang itinutuon ang ulo ko sa balikat niya.
"Oh edi the usual? Iced Americano on the go?" Alok nito sakin. Lagi kasi akong umiinom ng kape sa umaga at Iced Americano ang usual ko lalo na pag kailangan magising ang diwa ko.
"Hindi na. Gastos eh alam mo naman kailangan ko pa pag-ipunan ang treatments at gamot ni Mommy ngayong buwan." I sighed as I look outside of the shop. Buwan-buwan kailangan kong makaipon ng at least 20k para masustentuhan ang gamutan ni Mommy pero ayos lang. Bukal sa loob naman ang lahat ng ginagawa ko para maipagamot siya kaso lang minsan hindi ko maiwasang bumugtong hininga nalang habang nararamdaman ang pagod.
"Ano ka ba, Mal! Syempre libre ko! Kaya nga kita inaalok no kasi magka-kape rin naman ako." Napangiti naman ako sa sinabi ni Selena. Galante rin tong isang to eh tutal hindi niya naman ganon ka-kailangan ang pera dahil madaming negosyo ang pamilya nila na Sevilleja. Madalas akong i-libre at pautangin nito pero kahit ganon nahihiya parin naman ako. Kaya lang kahit anong tanggi ko sa kanya ay hindi niya talaga ako pinapalusot.
"Dahil diyan ako na ang gagawa ng kape natin. Thanks, Sel! The best ka talaga kaya ka malakas kay boss Jaze eh!" Nakabungisngis kong asar dito. Si boss Jaze ang may-ari ng coffee shop na to. Jaziel Robles. Isa rin sa dahilan kung bakit ginustong pumasok ni Sel dito ay dahil matagal na siyang may gusto kay Jaze pero syempre pakipot siya kaya imbes na harutin niya sa boss ay lagi niya pa itong inaasar at inaaway na akala mo hindi may-ari ng pinagt-trabahuhan niya ang kausap niya.
Medyo marami ang customers ngayong araw kaya hindi ko na namalayan ang oras. 2pm na pala. Hanggang 3pm lang ang shift ko dito dahil mamayang 7pm shift ko naman sa bar. Nakaupo lang ako behind the counter nang biglang dumating si boss Jaziel at kinalabit si Sel na nago-organize ng beans sa tabi ko. Agad naman akong tumayo at bumati rito.
"Hello, boss! Welcome!" Masiglang bati ko rito. Ngumiti naman ito sa akin at agad na dumiretso sa kung nasan kami ni Sel.
"Hello, Malory. Sabi ko naman sayo Jaze nalang! Mas matanda ka pa nga sakin eh tsaka tropa tayo no." Napangiti naman ako sa sinabi nito. Kaya rin hindi ako makalipat ng trabaho ay dahil mabait siya na boss. Kung ituring nga ako nito akala mo hindi niya ako empleyado lang eh. Sobrang bait niya. Minsan pa sinasama niya kami ni Sel gumala bilang treat daw.
"Oh bakit ka nandito?" Sel said. Eto na naman magbabangayan na naman tong dalawang to.
"Malamang! Ako may-ari eh."
"So? O-order ka ba o hindi? Bawal tumambay dito kung hindi bibili." Natawa naman ako sa sagot ni Sel. Akala mo talaga hindi may-ari ang kausap niya.
"Hoy, baka nakakalimutan mo pinapasweldo kita ang angas mo masyado ha"
"Maangas talaga ako! Maganda pa. Anyway, okay lang ba kung mag-out na si Mal? Kasi wala siya masyadong tulog tapos may work pa siya mamaya. Sasaluhin ko nalang ang natitirang oras ng shift niya" Nagulat ako sa sinabi ni Sel. Hindi naman ako nag-request nun no! At nakakahiya kaya agad akong sumabat.
"Huy, hindi. Ayos lang, Jaze! Eto talaga si Sel walang preno." Mahiya-hiya kong sambit. Ayaw ko naman kasing isipin ni Jaziel na inaabuso ko ang kabaitan niya.
"Ganon ba? Oh sige, Mal. Pwede ka na mag-out. Kung sasaluhin naman ni Sel shift mo ayos lang eh. Pahinga ka na muna."
Sasagot na sana ako nang sumabat naman si Sel.
"Ayun naman pala! Sige na friendship uwi ka muna para makapagpahinga!" Babardagulin ko pa sana si Sel pero wala na akong nagawa dahil hawak niya na ang bag ko at tinatanggal ang apron na parte ng uniform ko.
"Thank you, Jaze! Una na ko. Ingat ka dyan kay Sel minsan nangangagat yan." Sabi ko habang tumatawa at papalabas na ng coffee shop.
Inirapan naman ako ni Sel at tumawa lang. Umuwi na rin muna ako para magpahinga. Kahit ganon si Sel, laking pasasalamat ko talaga sa kanya dahil siya lagi ang unang nakakaintindi at tumutulong sakin.
YOU ARE READING
The Path of Longing 🔞 (BINI MACOLET)
RomanceWhen Malory had the chance to meet her greatest childhood friend, Mason, again after a long time, all she's hoping for is that the latter still remembers her promise to Malory 18 years ago. DISCLAIMER: The story written is purely a work of fiction...