CHAPTER 14: Temptation

1.9K 75 1
                                    

Malory

6 months have passed since I started working as Nico's secretary. I sometimes think na hindi ko deserve tong position because ang laki ng sweldo ko tapos parang hindi naman ako pinahihirapan ni Nico. Di naman ako nagrereklamo pero gusto ko kasi pinaghihirapan ko lahat. We're much closer na rin compared nung mga unang buwan. Madalas na siyang nangiti sakin at napapadalas din ang kwentuhan namin tuwing break time o minsan pag inaaya niya akong kumain sa labas. 

We've grown comfortable with each other's presence. Kaya siguro binibigyan na ng ibang employees ng malisya ang friendship namin. I wouldn't lie. Magandang pogi siya, matalino, mabango, mabait (madalas nga lang nakabusangot ang mukha), mayaman. Basta lahat na ata. Ano pa bang rason ang meron para hindi ko siya magustuhan kung sakali? Pero mahirap na. Hindi ko naman kasi ugaling lagyan ng malisya lahat ng ginagawa niya para sakin. Ayoko rin bigyan ang sarili ko ng rason para umasa that's why I've kept a boundary with how I feel for her. 

Imposible namang magustuhan ako nun no. I'm sure madaming babae ang nagkakandarapa doon. Mga babaeng wala akong binatbat lalo na pag ikukumpara mo ang ganda at estado sa buhay. 


Today's my day off at nagkasundo kaming mag-hang out nina Sapphire at Ainsley sa condo ko. Oo, from apartment to condo ang atake ko dahil ikinuha ako ni Nico ng sariling condo para raw malapit lang sa trabaho. Sabi ko nga ikaltas niya nalang sa sweldo ko ang bayad dito monthly yun pala eh sa kanya tong buong building. 


Maya-maya pa ay dumating na ang dalawang kaibigan ko. We decided to have a girl's night pero dito lang sa condo. We planned to watch movies, do videoke, at maglaro ng card games habang umiinom. 

"Girls, okay lang ba if i-invite ko yung isa ko pang friend? Need ko rin kasi bumawi ng hang out doon eh nagtatampo na. Mabait siya I swear! Feel ko nga magkakasundo kayong dalawa ng sobra, Sap."
Pareho kasi ng sense of humor tong si Sapphire at Selena so feeling ko magkakasundo sila ng sobra. Si Ainsley naman kalmado lang pero nasa ilalim ang kalokohan so sure akong magkakasundo-sundo talaga sila.

"No problem go lang! Napadami rin bili ng alak eh ito kasing si Sap sabi mabuti na raw ang masobrahan kesa kulangin" Ainsley laughed as she explained. 

I proceeded to call Selena and she quickly answered. Nagtatampo pa nga at kinailangan ko pang gamitan ng pa-cute na boses bago ko napapayag na pumunta. Agad din naman siyang dumating at napapansin kong habang palalim ng palalim ang gabi ay unti-unti na silang nagkakasundo nila Ainsley. 


"Huy 9pm na! Inuman time na ito talaga pinakahihintay ko eh" Biglang sigaw ni Sapphire.

"Nako, siguraduhin mo lang na hindi ka magsusuka rito sa condo. Lagot ka talaga sakin!" Warning ko sa kanya. Iba rin kasi ang kalikutan nitong si Sap pag nalalasing. I've witnessed it a lot of times already dahil bonding talaga namin mag-inom lalo na pag may problema o di kaya stressed sa buhay. 

"Hindi pa nga nagsisimula may pagbabanta na. Go na yan start na!" Gatong naman ni Selena. Isa pa to hayok sa alak. I can roll my eyes. Talagang kami lang ni Ainsley ang matino rito.

We decided to play a truth or dare card game. Tuwing kukuha ng shot o iinom ang isa sa amin, bubunot kami sa cards at gagawin o sasagutin ang question o dare na nakalagay dito. 

Noong una ay mga pangkalokohan lang talaga ang mga tanong. Halos mauubos na namin ang unang bote. 


"Oh, Mal it's your turn! Bunot na bilis" Sambit ni Ainsley. Namumula na siya at halata ang pagkalasing dahil mapungay na ang mga mata nito. 

Bumunot ako ng card at binasa ito pagkatapos inumin ang shot ko.

"Call the person who last texted you and invite them to your house right now." Kinabahan naman ako at agad na kinuha ang phone ko. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Nico ang huli kong ka-text dahil may pina-send itong contracts sakin. Sa dami naman ng texts ko bakit siya pa. 

Namula ang pisngi ko at alam kong hindi lang yun dahil sa alak. 

"Ayan gusto ko yan! Sino huli mong ka-text sana pogi para mapapunta natin dito at malandi ko" Malanding sabi ni Selena. I glared at her at ambang pupukpukin siya ng cellphone sa ulo pero umilag ito at tumawa. 

"Pass! Ayoko. Si Nico eh baka nagpapahinga na yung tao nakakahiya." Sambit ko. Totoo naman tsaka apat na kami rito. Hindi ko alam kung magugustuhan niyang mapaligiran ng apat na babaeng lango na sa alak. 

"Ang corny mo, Ate Malory! Kanina nag-pass ako pero di ka pumayag ang daya daya! Bilisan mo na kung mag-decline siya edi okay lang basta tawagan mo!" Sulsol sakin ni Sapphire. Wala na kong nagawa kung hindi tawagan si Nico. Paano ba ko papasok sa trabaho nito bukas nakakahiya.

Pagtapos mag-ring ng tatlong beses ay sumagot na ito. 

"Yves? What's wrong?"
Agad na tanong nito. Kinilig naman ako sa boses nito. Mukhang naalimpungatan siya mula sa malalim na tulog. 

"U-uhm Nico kasi ano eh ahh pwede ka bang pumunta sa condo ngayon? Uhm nagh-hangout kasi kami ng friends ko baka lang gusto mo maki-bonding. Pero kung hindi, ayos lang promise!" Agad kong depensa baka kasi kung anong isipin niya.

"Hmm" Yun lang ang tanging sagot niya at ibinaba na ang tawag. Napatingin naman ako sa mukha nila Ainsley at halata ang pang-aasar sa mga mukha nila. 

"Di siya makakapunta tulog na eh. Na-istorbo pa tuloy." Seryoso kong sabi. Deep inside medyo nalungkot ako kasi yun lang ang tanging sagot niya at binabaan pa ko. I heaved a sigh at iniba nalang ang topic.

"Oh nagawa ko na ah! Ikaw na Selena." Abot ko ng shot sa kanya at nagpatuloy kami sa pag-iinom. Nakalahati na namin ang pangalawang bote nang biglang may tumawag. Sa sobrang hilo ko ay basta ko lang sinagot ito. 


"Yves? I'm here. Open the door"  Parang bigla akong nawala sa kalasingan at agad na napatayo. Nagtatampo-tampo pa ko tapos pupunta pala siya. I headed to the door to open it not minding my friend's questions kung saan ako pupunta at kung anong meron. 

When I opened the door, Nico was standing outside. One hand inside her pocket while smiling at me attractively. 

Lord, sobrang pogi parang matutunaw ako. 

Agad ko siyang nginitian at binati. Pinapasok ko na rin siya sa loob at pinakilala sa mga kaibigan ko.

"Ay totoo nga no mabango ka? Sabi ni Malory sobrang nakakaadik daw amo--"
Agad kong tinakpan ang bibig ni Ainsley. Jusko tong babaeng to. Ilaglag ba ako?!!? 

"Lasing na yan sila wag mo pansinin." Bulong ko kay Nico. Kahit ako medyo hilo na pero parang natanggal amats ko dahil sa presensya niya. Nahuli ko naman siyang nakatingin sa pang-ibaba ko. Mahabang t-shirt at cycling shorts lang kasi ang suot ko tutal nasa bahay lang naman. Napansin kong lumunok ito nang mahuli ko siyang nakatitig sa legs ko. 


In-offer-an ko naman siya ng shot at agad niyang tinanggap ito. Nagpatuloy kami sa pag-iinom pero di na kami naglalaro ng card game. Instead, truth or dare nalang bilang suggestion ni Selena. Alam kong may binabalak tong babaeng to eh. 

"Ayan, Nico!" Napakunot ang noo ko sa pagtawag ni Selena. 

"Wag Nico. Close lang daw tumatawag niyan sa kanya. Mason nalang itawag mo." Masungit na sabi ko. Dala ng kalasingan ay parang kumakapal na rin mukha ko at minsan ay hindi ko na nac-control ang lumalabas sa bibig ko. I noticed how Nico smirked.

"Selosa ha! BFF mo ko hoy. Anyway, Mason, truth or dare?" Selena wiggled her eyebrows towards Nico and waited for its reply. 

"Hmm dare." 

"Okay, I dare you to kiss the girl that you find attractive in this room!" Selena stated. Teasing evident on her voice while looking at me. I gulped while looking at Nico. 

I waited for Nico to move and everyone's eyes were on her. I was shocked when she leaned on Ainsley's direction and kissed the latter on its cheek. 

Tangina. I just looked at them at pati sila Sapphire ay nagulat sa ginawa nito. I just looked at a different direction after seeing Ainsley's shocked expression. Patuloy kaming naglaro at nang maubos ang pangatlong bote ay nagligpit na kaming dalawa ni Nico dahil lasing na ang tatlong kaibigan ko. I helped them to lay on the mattress that I already arranged dahil alam kong dito sila matutulog. 

It was only me and Nico who's awake at this point. Silence surrounding us. Hindi ko alam pero parang nasaktan ako noong hinalikan niya sa pisngi si Ainsley. I mentally thanked myself for all the boundaries that I set dahil kung gustong-gusto ko na siya baka agad akong nagwala kanina. Ngayon nga nasasaktan na ko eh. 

"Can you still drive?" Tanong ko sa kanya. Syempre kahit selos ako concerned parin naman ako sa kanya lalo na't ako ang nang-imbita rito. 

"Siguro? I can contact manong jun naman to drive me home." 

"Nakakahiya naman kay manong jun. Dis oras na ng gabi kawawa naman kung maaabala pa. Doon ka na matulog sa room ko. Dito na ko sa couch."
Tanging sambit ko nang hindi siya tinitignan. Ramdam ko na ang matinding hilo pero nang pahiga na sana ako sa couch ay agad akong binuhat ni Nico patungo sa kama ko. Sinara niya ang pinto at ibinaba niya ako ng malumanay sa kama. 

Napatitig naman ako sa kanya habang hinihintay siyang magsalita.

"You sleep here. Ako ang bisita kaya ako nalang ang matutulog sa couch."  

"Uhm gusto mo ba tabi nalang tayo? Nakakahiya naman eh mukhang hindi ka pa naman sanay matulog sa couch." Wika ko. Nang hindi ako makarinig ng tugon galing sa kanya ay naglabas ako ng extra na unan at nilagay yun sa gitna namin. 

Maya-maya ay humiga na rin siya at humarap sakin. 

"Bakit mo ko dito gusto matulog? May balak ka ba sa boss mo?" Napa-ismid naman ako. Pogi nga makapal naman mukha. 

"Bakit? Saan mo gusto matulog? Sa tabi ni Ainsley? Sorry pero baka mamaya gapangin mo pa kaibigan ko edi konsensya ko pa." Masungit kong sabi. 

Napatawa naman ng malakas si Nico. Anong nakakatawa ron? Siraulo ba to?

"You sound like a jealous girlfriend, Yves. Cute." Naramdaman kong namula ang pisngi ko kaya tinalikuran ko siya agad para itago ang mukha ko. 

Ipinikit ko ang mata ko at matutulog na sana nang maramdaman kong gumalaw ang unan na pumapagitna samin. Hindi ko ito pinansin at nagpanggap na tulog na. A few minutes after, I felt Nico's hands wrapping around my waist. She's hugging me. Sobrang lapit ng mukha niya sa leeg ko kaya ramdam na ramdam ko ang mainit niyang paghinga sa bandang batok ko. 

Noong una ay akala ko kakalas din siya sa pagyakap sakin ngunit maya-maya ay nararamdaman kong mas lumalapit ang paghinga nito sa leeg ko na para bang unti-unti niya na itong dinadampian ng mga halik. Hinarap ko ang katawan ko sa kanya dahilan para magkalapit ang mukha namin sa isa't-isa. Bukas ang table lamp ko kaya naaaninag ko ang mukha at mata niyang nakatitig sakin. Lalong nag-init ang buong sistema ko dahil sa malagkit na titig at mahigpit na pagkakayapos niya sa bewang ko. 

"What are you doing?" Tanong ko sa kanya habang nakikipagtitigan sa mga mata niya. 

"What do you think am I doing? Sinusuyo ka kasi mukhang nagseselos ka sa ginawa ko kanina eh." She smiled teasingly. Tarantadong to. Pag ako bumigay, sorry nalang inay. 

"Hindi ako selos no kahit maglaplapan pa kayo ngayon sa harap ko."

"Ahh talaga? Kaya pala kung irap-irapan mo ako kanina parang gusto mo na kong pukpukin ng bote sa ulo. Don't be mad, baby. I only did that to see kung magseselos ka and I think it worked."

"Ahh so plinano mo pala? Ganon ha. Tignan natin pag ikaw ang ginantihan ko." Sambit ko habang pinipigilan na ipakitang kinikilig ako dahil sa tinawag niya sakin. She moved her hands on my waist and caressed it gently. Patuloy niya akong tinitigan at palapit na ng palapit ang mukha niya sakin. 

I licked my lips as I tried to shake off all the ungodly sins that we're going through my mind when Nico suddenly smashed her lips against mine. Her lips were so soft. She was kissing me as if she had been waiting for this moment to happen. 

I did not stop her and instead fought her kisses. My nostrils were welcomed by her masculine and addictive scent. I placed my hand on her nape as I pushed our faces closer. Patuloy parin ang kamay niya sa paggalaw sa bewang ko as she intended to bring our bodies together. Hindi na siya nakatiis at pumaibabaw na siya sakin. 

I wrapped my arms on her neck and welcomed more of her kisses. She slid her tongue inside my mouth and I can only groan from the sensation. We had an intense tongue battle before she gently nibbled my lower lip and traveled her kisses until she reached my neck. I felt a tingling sensation causing a moan to escape from my lips. 

"A-ahh Nico.." I continued to moan as my breathing went uneven. She placed soft kisses all over my neck until she stopped on my weak spot and attempted to suck on it. Bahala na kung mamarkahan basta nage-enjoy ako ngayon. 

She was about to insert her hand inside my oversized shirt when we were interrupted by a loud scream from the living room.


"Malory!! Si Sapphire sinukahan ako!!" Agad naman kaming napatigil ni Nico sa ginagawa namin at nagkatitigan bago matawa. Agad ko siyang tinulak at tumungo sa living room kung saan ko nakita si Selena na sigaw ng sigaw habang kinukurot-kurot si Sapphire.




Author's Note:

Bitin ba? HAHAHAHAHA more to come pa yan kaya wag na kayo bumusangot diyan. The next chapters are going to be wild na kaya kumalma lang kayo. Reminder lang na fictional lang to and ship responsibly! 

The Path of Longing 🔞 (BINI MACOLET)Where stories live. Discover now